Nasaan ang Pangarap ng Nakaraan

45 8 10
                                    

Nasaan ang pangarap ng nakaraan....

Na ang kailan ay mahirap nang gunitain.

Paano nawala ang inaasam....

Na siyang lungkot nitong pusong nagdaramdam.

Kasalanan ba ng mga nauna...

O kakulangan ng dumarating?


Yaring diwa na puno ng awit....

Ay napupuno na ng galit.

Nasaan ang perlas ko.....na pilit hinahanap ng puso ko.


Matagal ko nang nais na sumigaw....sa mga punongkahoy

Na tanging saksi sa mapait na panaghoy.....

Na ang katapusan ay nasa dako ng bukang liwayway..

Pilit na hinahabol..... ngunit hindi maipagtanggol.


Bakit taliwas sa aking nabasa nung ako'y musmos pa...

Ang giting ng perlas kong ipinagmamalaki ko pa.


Tama bang mag-taas noo kung hindi totoo.......

Lalu na sa paumanhin na kinamumuhian ko.

Ang dagat na dumilim kailan muling kikinang...

Walang alinglangan walang panlalamang.


Dahil ang pinakamasakit ay ang paghahangad...

Sa panaginip na sa gabi lamang, kanyang inilalahad.

Pagmulat sa dilim paano mangangapa....

Sanggol ba ang darating na muling madarapa?


Ano ang pangako ng paglaya noon.....

Ako ba ay ako, o ako ba ay sila.

Ang tula ng puso...na pilit hinahamon...

Ako ba ay narito o ako ba ay nawawala.


Bakit tahimik ang tulang inaawit?

Nasaan ang bituin , ang araw at langit?

Wala na ang kamay sa hininga ng dibdib.

Sa perlas kong bulag, at bingi sa panganib.


Lilipas ba akong nag-iisa?

Sa tumutulong luha, ng tunay na paglaya?

O kasama ko ang perlas...

Na wala nang bukas.

At tuluyang ililibing sa limot at yamot,

Balot ng mukhang kailan man ay hindi naging akin....at hindi aangkinin.

Kung saan ang pangarap, ay pangarap na lamang,

Hindi ng ngayon........ kundi ng nakaraan lamang.

MY STUPID LIGHTBULBWhere stories live. Discover now