Kabanata 7

33.5K 828 31
                                    

"Nagpapawisan na si Ice, can somebody max the aircon?" Sigaw ni Manager Ris habang nasa gitna ako ng photoshoot, agad namang tumango si Reina at mabilis na nilakasan ang aircon, umupo muna ako sa silya at nagbuntong hininga.

"Ice, here." Tumingin ako kay Eral at sa hawak niyang bottled water, I nodded and took it, isahang tumba ko lang na ininom ito, damn I feel so refreshed.

"Thanks." I mumbled before standing up and walking back to the set, muli kaming bumalik sa photoshoot, si Eral na ang bago kong photographer, mukhang nagustuhan ni Manager Ris ang mga kuha niya noong pumunta kami sa Tagaytay.

"Ice, put your hands on your hair." Utos ni Eral, tumango naman ako at ginawa ang kanyang sinabi, "tsk, make it sexy! Ang boring naman ng postura mo talagang nilagay mo lang kamay mo? Make it look real, iyong tipong mapapatitig yong mga babae sa picture mo!"

I smirked, "they will always stare even if I slouch and do things effortlessly. If you give instructions as well be more specific." Walang emosyong sagot ko at saka nagbuntong hininga.

"Fine, just do what I just told you." Nakasimangot na saad niya sabay tutok sa camera, I put my hand in my hair and bent a little, I looked at the lens of the camera and smirked sexily, inibahan ko muli ang posisyon ko.

Si Manager Ris naman ay lumabas na sa shooting room ng studio, nang bumalik na siya ay may mga taong pumasok na may dalang lamesa at display, umalis muna ako sa pwesto ko at hinayaan silang i-set up ang panibagong background.

"Change your shirt, basang basa na, nakikita na yong back muscle mo." Sabi ni Eral sa akin sabay bigay ng maroon shirt na mukhang kinuha niya sa bag ko, tumango ako at agad na hinubad ang damit, natigil naman si Reina at napatitig sa katawan ko, kumunot ang noo ko at mabilis na nagbihis.

Matapos ang ilang sandali ay maayos na ang set, para nang living room ang itsura, "we are going to promote a grape wine product of the Fuentozas, here is the bottled wine and the glass." Saad ni Eral sabay bigay sa akin ng bottled wine at wine glass, "let's make things simple and realistic, you go there and blend with the ambience, emphasize the product as you slowly pour some into the wine glass, then drink. Sariling diskarte na lang."

Tumango ako at agad na pumunta sa may set, sumandal ako sa mesa habang nakaharap sa lens ng camera, binuksan ko ang bottled wine at saka naglagay sa baso, then I drank it as the flashes of lights and sound of camera invade my ears and eyes.

"Okay, all good! Mas magaling ka pala kapag acting e." Sabi ni Eral, "but seriously, we need to fix your smile."

"My smile is not broken."

Matapos akong kunan ng maraming litrato ni Eral ay tumigil na siya, pumunta siya sa tabi ng mga laptop operators at tumingin sa mga kuha niyang litrato, she had the satisfied look on her face, ako naman ay mabilis na pumunta sa CR para maghilamos, mukhang tapos na ang schedule ko ngayong araw na photoshooting, muli akong bumalik sa set at inayos na ang mga gamit ko, "asan si Flemeral?"

"Ah, lumabas siya sa studio." Sagot naman ni Reina habang nakangiti.

Kumunot ang noo ko at mabilis na lumabas, agad kong nakita si Eral sa parking lot mula sa hindi kalayuan, lalapitan ko sana siya ngunit napansin kong may kasama siya at kausap, si Aisaia. Kumuyom ang kamao ko, patago akong lumapit at nagtago sa gilid ng kotse ko para makinig sa usapan nila.

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" It was Eral's voice.

"I heard that you are working here so I came to give you a cold coffee." Sagot naman nito, sumilip ako at nakita ko si Eral na tinanggap ang cold coffee, I saw a glint in Aisaia's eyes, bigla akong kinutuban ng masama. The last time he gave her a drink it had a drug, this time ano na naman?!

Mukhang nakalimutan na niya ang sinabi ko na huwag kausapin ang lalakeng ito, kumunot na lang ang noo ko habang nagdadalawang isip kung susulpot ba ako saka aagawin ang cold coffee. Pero wala naman na akong obligasyon pa para gawin iyon. It is her choice whether to drink that again or not. Saka kung may mangyari na naman ako na naman ang magmumukhang masama, she even accused me of drugging her when it was this man who did that all along.

"Thank you, Aisaia." Ngumiti siya kay Aisaia.

"Come on, drink it." Halos magmukhang desperado na ang tunog ng boses niya at para bang minamadali si Eral.

Don't fucking drink it.

Tumango si Eral at agad na ininom ang cold coffee, "kakaiba ang lasa pero masarap." She smiled brighter, biglang humikab si Eral matapos ang ilang sandali.

"Gusto mo bang ihatid kita sa bahay mo?"

"Yes, inaantok na rin ako e." Sagot naman ni Eral, ngumisi si Aisaia at mabilis na hinila si Eral papuntang kotse niya, pinasakay niya si Eral at saka na rin sumakay, ako naman ay agad na pumasok sa loob ng kotse ko, nang tumakbo na ang sasakyan ni Aisaia ay agad ko itong binuntutan.

"Damn it. She never learns," asar na saad ko, I really have a bad feeling about this, especially when Aisaia gave a look, he seems to be planning something, if ever that plan have something to do with Eral, I will make sure that it will be ruined.

Mabilis ang pagmaneho ni Aisaia, I groaned when his car got out of my sight, nang makita ko ulit ang kotse niya ay agad ko itong sinundan ngunit natigil ako dahil sa red lights na ang traffic lights, I groaned and cursed, hinampas ko na rin ang manibela dala ng sobrang galit, inis, at asar. Kahit man na gusto kong patakbuhin ang kotse ko ay maraming mga sasakyan sa tawiran. Bakit pa kasi ako naabutan ng traffic?!

Nilabas ko ang cellphone ko at agad na tinrack ang phone ni Eral, agad namang nagpakita ang lokasyon niya at kasalukuyan ring gumagalaw ito, mabilis kong pinatakbo ang kotse ko nang mag-go ang traffic lights at sinundan kung nasaan ang tinutukoy ng GPS tracker.

"I will really kill that man if he ever do something to you."

A Frozen Man's SunWhere stories live. Discover now