Brianna Avery
Brianna Thalia Fortalejo is the name. 16 years of age, 4th year high school.
Kung hindi poker face, cold at naka blank expression lang ako. I've never show any emotions, before.
Wanna know why?
Smiling is not my hobby. That's all. Thank you.
Narinig ko ang phone ko na tumunog kaya kinuha ko iyon.
From:Gwapong Brian <3
Baby ko. Let's meet at the school's garden at exactly 6:30. Take care. I love you so much :*
Its Brian, my boyfriend.
Siya din nagpalit ng name nya dito sa contacts ko. Hinayaan ko na lang. Mahal ko eh.
Brian is all that I have.
Bukod sa gang, siya na lang ang meron ako.
Siya ang tumulong sakin sa lahat, siya ang nakapagtiyaga sa ugali ko, siya ang kasama ko tuwing nag-iisa ako, siya ang nagpupunas ng mga luha ko sa tuwing umiiyak ako.
Siya ang nakapag pabago ng ugali ko, sa dating cold na ako. Cold pa rin naman ngayon.
Pero dahil sa kaniya, ngumingiti na ulit ako ngayon.
Nang dahil sa kaniya, nalaman ko ang salitang pagmamahal at naramdaman ko 'yon sa kaniya. Kaya hindi ko kakayanin na mawala siya.
I can't afford to lose Brian, I can't.
Hindi ko kakayanin kapag may isa nanamang nawala sa mga mahal ko sa buhay. I don't know if i can still continue to live if he's not with me.
6:00 na kaya nagpalit na ako ng black t-shirt and black jeans. Nag bonet na rin ako ng black.
Wag niyo ng tanungin kung bakit puro black. 'Cause black is my favorite.
Black is associated with power, elegance, formality, fearless,and mystery.
At kahit ano pang meaning ng black. Wala akong pak, black pa rin favorite ko.
Napagdesisyunan kong maglakad na lang papunta sa school. Malapit lang naman.
Sa likod na gate ng school ako dumaan, sarado yung harap.
Malapit na rin naman dito yung garden na sinasabi ni Brian.
Papasok na sana ako ng garden ng may narinig akong nag uusap kaya huminto ako sa pagpasok at nakinig. Si Brian may kausap sa phone.
"Oo. Nandiyan na ako mga 7:30." may pupuntahan ata siya na hindi sinasabi sa akin?
"Sige hihintayin ko lang si Yanna."
"Sige sige bye." Tapos na ata silang mag usap kaya pumasok na ako.
"Brian." Nanlaki pa ang mata niya sa gulat nang makita ako.
"Yanna." kabado itong tumingin sa akin.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" agad kong tanong sa kaniya.
"Tara upo muna tayo dito." umiwas siya ng tingin, anong meron?
"Walang upuan." pambabasag ko sa kaniya pero nginitian at ginulo niya lang ang buhok ko.
"Edi dito sa damuhan! Asus!"
Nang makaupo na kami ay sinamaan ko siya ng tingin dahil nakatitig siya sa akin.
"Ang ganda mo talaga!" Pakiramdam ko uminit 'yong pisngi ko sa sinabi ko kaya nag iwas ako ng tingin.
"Alam ko na 'yan. So bakit mo nga ako pinapunta dito?"
YOU ARE READING
Promises Are Meant To Be Broken (One Shot)
Short StoryPangako? Ano 'yon? Masarap ba 'yon?
