Chapter Seven - I Quit

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo siya sa isang putol na puno. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Amber.

“Nero! Kamusta na? Okay ka lang ba? Bakit ka napatawag?”

“I’m fine, Amber. I just missed you. Hindi mo ba ako na-miss?”

“Of course na-miss kita. Ikaw talaga. Mag-iingat ka lagi diyan ha? ‘Wag kang magpapabaya. Mahirap ang may sakit. Tumawag ka anytime na may problema ka.”

“You should said it to your self Amber. Ikaw dapat ang nag-iingat sa kalagayan mo.”

Wala siyang narinig mula sa kabilang linya.

“Amber?” Untag niya dito. “ Okay ka lang ba?”

“I-Im fine.” Pumiyok pa ito pagkasabi niyon. Alam niyang umiiyak ito.

“Hey. Please don’t cry.”

“Hindi ko mapigilan. I’m just worried about you Nero.”

Bumuntong hininga siya. “Look. Alam kong naging pabigat ako sa iyo. Hindi ka naman talaga dapat nag-alaga ng isang tulad ko. Pero ginawa mo pa din. You’re the one who raised me and who thought me how to be a better man and I’m thankful for that. Sinusuklian ko lang ang pagmamahal na binigay mo sakin na hindi naibigay ng mga magulang ko.”

“Kahit ilang beses pang ulitin ang parteng iyon ng buhay ko, hinding hindi ko pagsisisihan na inampon kita Nero. You’re my everything. You gave me hope. Binigyan mo ako ng purpose para mabuhay.”

Napangiti siya sa sinabi nito.

“Hudson!” Napalingon siya sa kaniyang boss na nakatayo di kalayuan sa kaniya. Patay! Sermon na naman ang aabutin niya dito.

“Amber, I have to go. Tinatawag na ako ng amo ko. I’ll call you next time.”

“Okay. Take care, Nero.”

“One more thing.”

“What is it?”

“Thank you. I love you, mom.”

“I love you , too… Son.”

Kuntentong pinutol na niya ang tawag. After so many years, nagawa din niya sa wakas na tawagin itong ina. Matagal na niyang gusting gawin iyon. Nauunahan lamang siya ng hiya.

“Hudson!”

“Andiyan na po!”

Kinabukasan ay may isang bell boy na kumatok sa kaniyang pintuan at iniabot sa kaniya ang isang three-piece suit. Binasa niya ang sulat na iniabot nito sa kaniya kasabay ng suit.

Wear this.

-Abdiel

Hanggang sa papel ang sungit pa din. Sino ba siya para sungitan siya ng ganun? Ah! Oo nga pala, boss ko siya. Kainis!  Nilamukos niya ang kapirasong papel at binato sa basurahan. Shoot!

Kumatok siya sa pintuan ng kaniyang amo pagkatapos niyang magbihis. Pagkatapos niyon ay sabay na silang bumaba gamit ang elevator para pumunta sa dining area ng hotel na nasa ground floor ng gusali. Doon sila nakatakdang magkita ni Mr. Von Miller.

Napakahalaga siguro ng taong ito dahil kailangan pa nilang magsuot ng formal attire para lang makipag-meeting dito. Pati ang suot ni AD na suit ay mukhang mas mamahalin kumpara sa madalas na sinusuot nito kapag nasa opisina ito.

Sinundan niya ang kaniyang amo. Tuloy tuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa tumigil ito sa tapat ng isang lamesa na pang-apatang tao. Naka-upo doon ang isang lalaking nasa mid-thirties na sa tingin niya ay si Mr. Von Miller.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon