THRP 6: LQ -slash- Jealous

Start from the beginning
                                    

"Sige, hintayin nalang kita dito." Nag-nod nalang ako at tinungo ang kwarto ko. Shete. Ba't ang gwapo nya ngayon?













Damon's POV

Papunta na kami sa school ngayon ni Angel. Bahagya ko siyang tiningnan at napangiti ako. So gay.





"Bakit?" tanong nya with a confusing look. "May muta ba ako?" napahalagapak ako ng tawa. Ibang klaseng talaga.





"Wala. Bakit? Bawal ka bang tingnan?" tanong ko.





"Wag mong sabihing may gusto ka na sakin?" napahinto ako sa pagtawa.





"Nahiya naman ako sa boobs mo!" depensa ko sa sinabi nya.





Tawa lang kami ng tawa habang nasa byahe. Namumula na nga ang braso ko dahil sa malulutong nyang hampas. Napaisip ako sa sinabi nya, may gusto na nga ba ako sa kanya?





Pinarada ko na ang kotse ko sa tapat ng school at pinagbuksan siya ng pinto.





"T-thanks." utal nyang sabi. Tumango lang ako.





Sabay na kaming pumasok sa school at hindi kami nakaligtas sa tingin ng mga schoolmates namin. Sinamaan ko ng tingin yung isang lalaki na kanina pa tinitingnan si Angel. Tss. Mas gwapo parin ako sa kanya.



"Girlfriend ba siya ni Damon?"

"Nakaka-inggit naman!"

"Alam mo, bagay talaga sila."

Napangiti ako sa mga bulong-bulongan ng mga schoolmates ko. tiningnan ko si Angel na nakayuko katulad nung scene sa cafeteria.





"Angel." tawag ko sa kanya. Umangat yung ulo nya sa akin.





"Ba't ka nakayuko? Kinakahiya mo ba ako?" tanong ko out of the blue.





"H-ha? Hindi ah! Ako nga ang dapat mahiya eh. Tss. Baka kung anong isipin ng mga tao, dumugin pa ako ng fans mo." irap nyang sabi. Haha. Yun pala.





"Damon!" tawag ni Paul sa akin sa di kalayoan. Nakita ko siyang tumatakbo sa kinaroronan ko at hingal na hingal, "Tangna ka, ba't hindi mo ako.........sinundo?" napatingin siya sa katabi ko.





"Oh. Kaya naman pala." Ngumiti siya ng nakakaloko.





Kinurot ako ni Angel sa tagiliran kaya napa-aray ako ng di oras, "A-adik, una na ako sa loob." Tumango nalang ako. Ang sakit na ng tagiliran ko dahil sa babaeng yun. Sadista talaga.





"Kayo na?" sabi ni Paul sa akin ng nakangiti.





"Ulol." Iniwan ko na siya sa labas at pumasok na sa classroom. Tiningnan ko si Angel na naiiritang kinukulit ni Bianca. Ano kaya yung pinag-uusapan nila?





My Hopeless Romantic Playboy [COMPLETED]Where stories live. Discover now