Sorpresa kay Sister Lita

Magsimula sa umpisa
                                    

sobrang tahimik, parang walang handaang nagaganap. Pauyuhan pos a pagdodoorbell kaya ayun si kirson pinindot lahat ng doorbell at hindi lang isa kundi maraming beses pa.

“Sister Lita!” tawag niya, umingay tuloy at may echo pa.

“Sister Lita! A-A-a-a”

Agad naglabasan ang mga madre, nangunguna si siter Lita na may dalang baseball bat na nakaposturang gangster. Ang iba naman ay may dalang rosaryo.

“Happy birthday po, sister Lita”. sigaw naming lahat.

“Eto  po para sa inyo” wika ni kirson sabay bigay ng regalo

Napapaiyak si sister,

“Salamat ng marami sa inyo” sagot niya

“Sister, may foods po?” tanong ni Claudia

“Hindi ka na naman nagbreakfast, ganon?” bato ko sa kanya.

Pinapasok naman nila kami, kaya lang daw ay wag lang masyadong maingay kasi in silence, kinakausap mo daw ang Diyos.

Unang beses naming makapasok doon, kaya si kirson ay di namalayang may isang baiting ng hagdan sa daraanan naming,

“Ay P*ke!” sigaw nito na hindi naman sinasadya

Nagbungisngisan na naman kami.

“Ssshh!” si sister

Nakarating kami sa dining area, ang ganda parang ancient talaga yung design saka malinis at amoy sampagita.

Madami-dami ang pagkain, pero nadismaya kami kasi walang lasa.

“May dala kayong asin? Ang pagkain kasi ditto ay hindi tulad ng kinakain nyo na mayaman sa condiments” sabi sa amin ni sister.

Ngayon, alam na namin. Pero si Claudia at cora parang balewala lang sa kanila.

“Sister ano pong panghimagas nyo, Ostia?” biro ni kirson

Tumawa na lang si sister.

Nagsimulang kalkalin ni kirson ang mga cabinet, pinigilan siya ni sister.

“Kirson, huwag mong pakialaman ang gamit dito”

---may isang madre doon na kakaiba, nagpakilala si Erika

“Ah, ikaw pala si Erika; ang ganda mo iha”

“Salamat po, sister Aurea”

Nang umalis si Erika sa tabi niya,

“Angeline, saan ka pupunta?”

Napag-alaman  namin na mayroon siyang Alzheimer’s disease.

Bago kami umalis, pinabuksan muna namin sa kanya ang aming regalo,

Laking gulat namin nang yung rubber shoes ay naging pipitsuging high heel at strapless na damit. Napanganga si sister na bahagyang hinawakan ang pulang panty. Nagtaka kami, siguro pinalitan iyon ni ate kaya dali-dali kaming sumugod.

Naroon si ate, kumakain at nakakamay pa.

“Hoy, baboy bakit mo pinalitan ang aming binili?” pambungad na tanong ng galit na galit si kirson.

Nanlaki ang mga mata niya,

“Sobra kasi kayong makatawad, kapal ng mukha nyo”

“Ah, ganun?”

Binato ni kirson ng mga ukay na damit ang tindera.

Nagsisigaw ito, doon kami natawa sa pumatak na isang pirasong sinaing na isda na kinuha pa niya sa maduming semento at inilagay sa kanyang pinggan.

Tuloy-tuloy pa din ang pambabato ni kirson sa tindera.

“Ikaw na baboy ka, isa kang pangit”

Nahihirinan na pala siya kaya hinimatay, isinugod sa Ospital at balita namin ay na- Coma.

Samantalang…

Nagkakagulo sa kumbento kasi nawawala ang isang figurine na galing pa sa italya. Inamin ni kirson na kinuha niya ito dahil gumana na naman daw ang kanyang pagka klepto. Ipinatawag kaming namertdeyan, nakakahiya naman.

“Kirson, nasaan na yung figurine?”

“Pinagbibintangan nyo ako sister?”

“May nakapagsabi lang”

Bigla niyang binuksan ang kanyang bag at inilabas ang tinutukoy na figurine,

“Oh, eto po’t idodonate ko na lang”

Ang tindi niya talaga, walang nasabi si sister Lita sa kanya nang siya’y umalis na at aming sundan.

[nakarecover na ang tindera sa ukay-ukay, sa lamesa malapit sa kanya ay naroon pa rin ang ulam nitong sinaing na isda na nakalagay pa sa plastic].

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon