GKnTL [2] Kapag Nagbreak, Dinaya!

43 3 1
                                        

>> Sofia's POV

Nakita ko si Andreev na nakaupo sa lilim ng isang puno. May klase pa 'to ah, bakit siya nakatambay dun? Nagditch na naman siguro. Loko talaga 'to.

Ako nga pala si Sofia Maniego. Girlfriend ni Andreev. Third year din, section B nga lang. May banda din ako, Vhatrix Band. Dahil sa banda kaya naging kami ni Andreev.

"Babe, bakit nakatambay ka na naman dito, nagditch ka ba?" sabi ko at umupo sa tabi niya.

Nagulat siya. Hindi kasi niya ako napansin, sa likod kasi ako ng puno dumaan.

"Hindi babe. Pinalabas ako ni Ma'am Joyce. Ikaw bakit ka nandito, may practice pa kayo, di ba?"

"Pupunta na sana ako sa music room babe pero nakita kita. Mag isa ka eh tsaka ang lalim ng iniisip mo, kaya pinuntahan kita dito."

"Aysus. Sweet mo talaga babe." kinurot niya ang cheeks ko sabay kiss sa buhok ko.

"Syempre naman babe. Mahal kita eh. Mahal na mahal." sabi ko at naglean ako sa shoulder niya.

"I love you too babe. No! I love you more babe. I love you so much Sofia Maniego." niyakap niya ako.

"Babe naman eh. Tama na yang I love you mo. Baka maubos. Hindi ka na makapag I Love You bukas." loko ko sa kanya.

"Tsss. Pwede ba yun? Mahal kita Sofia. Kapag nagbreak tayo, dinaya!" sabi niya with sincerity.

"I love you too Andreev. Hindi tayo magbe break. I promise!" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Wengya! PDA na naman kayo!" nasira ang moment namin dahil sa sinabi ni Andy, drummer ng Khaizer Band.

"Psssh. -.- Sabihin mo, inggit ka lang!" sabi ni Andreev at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Bro, inggit ako. Payakap nga din" sabi ni Kevin, bassist nila, sabay yakap kay Bryan na keyboardist nila.

"Fvck! Masuka ka naman sa ginagawa mo Kevin!" iritang sabi ni Bryan habang kumakalas sa yakap ni Kevin.

"Hahahaha. May lihim na pagtingin ka pala kay Bryan bro." sabi ni Justine na nagpatawa sa aming lahat.

"Pakshet! Ang gay mo talaga Kevin! Sabay pa naman tayong nagpapalit kapag may P.E. tayo." - Bryan

"Oo nga. Putek! Sabay pa tayong magbanyo." - Andreev

"Hahaha. Guys, tama na. Binubully niyo na naman si Kevin eh." - ako

"Grabe naman guys. Hahaha. Joke lang yun eh. Mas gwapo pa ako kaysa sa inyo tas ako gay? Pakshet! Sayang ang gwapo naming lahi." - Kevin

"Gutom lang yan Kevin. Kain na nga lang tayo." - Andy

"Haha. Buti pa nga." - Justine

"Tara na babe. Gutom na rin ako eh." sabi ni Andreev at tinutulungan niya ako sa pagtayo. Sweet talaga ne'to.

Pumunta na nga kami sa cafeteria at kumain. Lahat ng mga babae nakatingin sa amin. Pssh. Nahuhumaling na naman sila sa buong Khaizer. Pero, SORRY na lang sila, AKIN na si ANDREEV *smirk*

==========================

>> Andreev's POV

"Stun dre!"

"Ang bobo nila."

"Galawang Rampage Sir!"

"Pakshet! Ang weak!"

"Tengene! Imba talaga ang buong Khaizer. Lalo na si Sir Andreev!"

Psssh -.- Ang bobo nila. Napatay ko na naman Leader nila. Wala man lang thrill.

"End of Game, panalo ang Khaizer" sabi ni Kuya Mac, handler ng tournament.

"Easy Khrizzy bro!" sabi ni Bryan na na nakipag apir kila Justine.

"Kamote bro. Imba talaga si Andreev." - Andy

Inabot ni Kuya Mac ang 10, 000 kay Kevin. Wala eh \_(-.-")_/ Panalo kami eh.

"Tsss. Maaaring panalo ka nga sa DotA Andreev, pero panalo ka rin ba sa larangan ng pag ibig?" sabi ni Tom, leader ng Acapoliphs, yung tinalo namin.

"Psssh -.- Better luck next time dre! Practice pa." sabi ko sa kanya.

"Eto lang ang masasabi ko Andreev, mag ingat ka baka maloko ka." makahulugan niyang linya at umalis na sa computer shop.

"Hahaha. Iba na talaga kapag talo, ano?" - Justine

"Oo nga eh. Lakas ng apog ng ugok." - Andy

"Pssh. Una na ako. Naghihintay pa si Sofia sa park." - ako

"May date pa pala ang loko." - Bryan

"Inggit ka? Magdate din tayo." - Kevin

"Suntukan na lang kaya tayo?" - Bryan

"Tsss. May gig pa bukas. Uwi na kayo." sabi ko at umalis na sa Computer Shop.

==========================

Sa Park...

"Babe, ice cream oh. Tara bili tayo." sabi ni Sofia na nagsparkle pa talaga ang mga mata.

"Manong, dalawa pong chocolate, salamat." - Sofia

Kahit kailan talaga 'tong si Sofia, addicted sa chocolate ice cream, pati ako nadadamay.

"Ang sarap talaga ng ice cream, di ba babe?" tanong niya sa akin.

"Oo babe, pero mas masarap ang pagmamahal mo."

"Andreev, tigilan mo ako sa mga ganyang banat mo."

"Kahit na ilang galoon pa ng pagmamahal mo, hinding hindi ako magsasawa dito."

"Haha. Loko ka talaga." sabi niya sabay kurot sa cheeks ko.

"Tsss. I love you so much Sofia."

"I love you too Andreev."

"Andreev Love Sofia FOREVER! KAPAG NAGBREAK, DINAYA!" sabi ko yakap sa kanya.

"Sofia Love Andreev Forever. Kapag Nagbreak, Dinaya." niyakap din niya ako ng mahigpit.

~ Sofia love Andreev forever, kapag nagbreak, dinaya. ~

~ Sofia love Andreev forever, kapag nagbreak, dinaya. ~

~ Sofia love Andreev forever, kapag nagbreak, dinaya. ~

Ang sarap pakinggan <3

Gusto Ko ng True LoveWhere stories live. Discover now