CHAPTER 18: Gayuma

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yuck! Accounting? Easy Peasy! Ano bang hindi mo nagets dito eh ang dali dali lang naman niyan." Lumapit siya sa akin para tignan yung ledger sheet na hawak ko. Kung ako mahina sa Accounting, siya naman ay magaling sa subject na yun. Well, atleast sa subject na iyon pwede akong magpaturo kay Daiki. Pero pareho namin problema ang Electronics, Physics and Advance Algebra. Kakaiyak talaga.

For around 1hour ay naturuan ako ni Daiki sa Accounting, and thank Gad dahil naintindihan ko na siya sa wakas! Nahanap ko na din ang nawawalang piso!

Accounting - CHECK
Electronics - Pending
Physics - Pending
Advance Algebra - Pending

Ang dami ko pa palang pending, naiiyak na talaga ako!

"Daiki, di ko na talaga kaya. Naiiyak na ako........ Paano na lang ang pangarap ko na maging chef kung madedebarred ako?"

Sa sobrang stressed ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa sobrang stressed ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Napasubsob ako sa lamesa at pinipigilan kong maiyak. Bakit ba kasi kailangan ko pang mahirapan ng ganito para lang matupad ko ang pangarap ko na maging Chef? Bakit kailangan ko pang pagdaanan itong mga to, eh ang gusto ko lang naman na gawin sa buhay ay ang magluto! Bakit? Bakit??!!

"Walang mangyayari sa inyo kung matutulog ka lang jan."

Bigla akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon. Yung boses niya... para siyang liwanag sa isang madilim na tunnel. Nabigyan ako ng liwanag at pag-asa sa pagsubok na kinakaharap ko ngayon!!! Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at ngumiti sa lalaking nasa harapan ko.

"Chase!" sabay pa kaming napasigaw ni Daiki. Napatingin sa amin yung mga tao sa library kaya bigla kaming napatago sa likod ng mga librong hawak namin dahil sa kahihiyan.

"Ang ingay niyo!" gigil na gigil na sinabi sa amin ni Chase. Ang sungit niya pa din kahit kailan!

Pero ano nga bang ginagawa niya dito?

Pero ano nga bang ginagawa niya dito?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ CHASE's POV ]

Nagpunta ako sa Library para ibalik yung mga librong hiniram ni Kuya Kyle. Nag-iikot ako para mag-hanap ng libro ng napansin ko yung crazy duo na nagrereview sa isang sulok. Mukhang pareho na silang stressed from studying. Masyadong malapit sa kaniya si Daiki at tinuturuan niya si Dash sa Accounting subject nila.

"Daiki, di ko na talaga kaya. Naiiyak na ako........ Paano na lang ang pangarap ko na maging chef kung madedebarred ako?"

Narinig kong sinabi ni Dash kay Daiki, sabay subsob ng mukha nito sa lamesa. Halatang stressed na stressed na siya and hopeless na from studying.

Biglang bumalik yung guilt feeling ko dahil sa ginawa ko sa kaniya. I could have just ignored her request and left her then but instead, I was rude to her. Nireject ko na nga siya, nagawa ko pa siyang itulak kanina. Kinakain ako ng konsensya ko, nakakainis! Kung hindi lang sana dahil doon sa nangyari kanina, edi sana hindi ko nafifeel na obligasyon ko ang turuan siya ngayon. Ugh.

At dahil feeling ko ay hindi ako makakatulog nito mamaya dahil sa konsensya, wala akong choice kundi ang tulungan sila, well si Dash atleast dahil sa kaniya ako may atraso.

"Walang mangyayari sa inyo kung matutulog ka lang jan." ang sabi ko sa kanila sabay upo ko sa harap nila.

"Chase!" in unison pa nilang tawag sa akin. Sa sobrang lakas ng boses nila, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa library. Nakakahiya! At itong dalawang ito, nagtago sila sa likod ng mga libro nila, edi mukha ko lang ngayon ang nakikita ng mga tao! Aghhh. Kung hindi lang dahil sa atraso na ginawa ko kanina, iniwan ko na itong dalawang to eh!

 Kung hindi lang dahil sa atraso na ginawa ko kanina, iniwan ko na itong dalawang to eh!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ingay niyo!" napa-facepalm na lang ako sa kanila. Hai, these crazy duo. "Okay, makinig kayo sa sasabihin ko. Tuturuan ko kayo sa mga subjects na nahihirapan kayo,"

Hindi pa ako tapos ng biglang naghiyawan yung dalawang crazy creatures sa harap ko. "YES!!!! Thank you Chase!" Dash said and for the second time, napatingin na naman sa amin yung mga tao sa library. Damn! Ikakapahamak ko talaga ang pagsama ako sa dalawang ito eh!

"Ang ingay niyo! Makinig nga muna kayo sa akin!" natahimik ulit ang dalawa at itinuloy ko naman ang sasabihin ko. "Okay, here are my conditions. Every end of your class, magkakaroon tayo ng review sessions. Same time, same place."

"Okay," sabay naman nilang sagot.

"Meron din tayong tutorial lessons every weekend. Meaning, bawal kayong pumetiks every Saturday and Sunday."

"O- EH?!" again, sabay nilang sagot. And for the third time, napatingin na naman sa amin ang mga tao sa library... with a warning look from the Principal Librarian. Ugh, these two ipapahamak pa talaga nila ako!

"Pwede bang pakihanaan ang boses niyo?! Mapapalabas tayo ng di oras dahil sa ingay niyo eh! Going back, tiisin niyo na lang muna. 2 weekends lang naman natin gagawin ito eh. Mas okay na yun kesa ma-debarred kayo diba?"

"Sa bagay.. sige go ako sa weekend tutorial session." Pag-sang ayon ni Daiki.

"Ako din! Game na game para 24/7 makasama ko si Chasie!" masaya namang sinabi ni Dash.

"3rd and last condition, please lang utang na loob, wag niyo ako puntahan sa classroom para lang kulitin, pwede?"

"Okay!" sabay nilang ulit na sagot.

"Okay, let's start with Physics..."

And for the 2nd time, nag-tutor na naman ako sa dalawang ito. Sa totoo lang hindi ako ng tipo ng tao na matyaga sa pagtuturo. Mabilis uminit ang ulo ko at hindi mahaba ang pasensya ko kaya naman hindi ako makapaniwala kahit sa sarili ko kung bakit ako nandito ngayon sa harap ng dalawang ito. Ewan ko ba kung anong meron sa babaeng to at bigla ko na lang nagagawa yung mga bagay na di ko inaakalang gagawin ko.

May gayuma yata yung mga pagkaing binibigay niya eh.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon