XXII : Protagonist Problems

Comenzar desde el principio
                                    


"We're not going to force you to believe us, we just have to pull our shits together." Sabi ko na lamang bago pa niya ulit kami mapagbintangang mga siraulo. Kahit sino rin naman siguro, hindi rin maniniwala sa gulong kinasasangkutan namin.


"But we can still get home right?" Tanong ni Wena na nakahawak sa kamay ko.


"We will. Sermon nalang ng ermats niyo ang alalahanin mo." Sambit ni Gino na animo'y ayaw pag-alalahin si Wena. Now that Axel's not around, it's as if si Gino ang humahalili bilang kuya niya.


Habang naglalakad kami ay pansin kong tahimik lamang si Shem na nasa unahan ko. Dala niya parin ang ulo ni Boris pero this time inilagay na niya ito sa helmet niya.


"Don't feel bad. Those protagonists are useless." Sabi ko na lamang para naman 'wag niyang sisihin ang sarili niya.


"Paano kung ang paraan lang para makaligtas tayo ay kung didikit tayo sa kanila?" Paghihimutok ni Shem kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako.


"But what if we're in much more danger if we're with them? What if—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang mahinto si Churchill. Dahil sumusunod kami sa kanya, parang nagkaroon ng domino effect sa pagitan namin at nahinto kami sa kinatatayuan.


"Paano kung ngayong andito na sila sa lugar na'to, lubayan na tayo ni Dondy?" Biglang bulalas ni Churchill kaya naman hindi namin mapigilang makaisip.


"Villains always go for the protagonists. Kung sila ang bida, sila ang hahabulin." Komento naman ni Gino dahilan para bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, "Teka ano bang ending ng kwento?" Tanong pa ni Gino.


Matagal bago muling nakasagot si Churchill.


"Hindi ko natapos ang libro."


Oh shit.


****


"Oh sweet heavens." Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga nang makarating kami sa isang shopping mall. Hindi man kalakihan, sigurado namang may mapapakinabangan kami dito, mabuti nalang talaga at naalala ni Churchill ang isang shopping mall na malapit sa fountain kung saan kami inatake ni Boris.


Napakadilim at iisang flashlight lamang ang meron kami. Nakakakilabot ang labis na katahimikan lalo pa't nasa isa kaming malawak na gusaling may tatlong palapag. Napakaraming mga basag na salamin at sirang gamit sa paligid. May bahid ng mga dugo at naiwang mga gamit, sa gitna ay isa ulit malaking fountain ngunit imbes na tubig, napakaraming naaagnas na bangkay ang nakapaligid rito. Siguro magandang bagay narin 'tong wala masyadong ilaw, atleast hindi namin masyadong makikita ang mga bangkay kaso yun nga lang mahihirapan rin kaming makita ang maaring panganib.


"Generator... Alam ko kung paano magpagana ng mga generator." Sambit ni Shem pero agad na sumalungat si Gino.


"Kung may mga tao—o kung anong halimaw ang nagbabalak pumatay sa atin, mas mabuting walang kuryente dito para 'wag nila tayong mapansin." Giit ni Gino dahilan para umakyat na lamang kami sa escalator.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora