I'm Reading My own

Start from the beginning
                                        

'Grade 6 ako nung bigla siyang sumulpot ulit.Ang gwapo niya. Makalaglag panga. Ayan na yung simula nang 'crush na crush na crush' ko na talaga siya part. But...... It did broke my heart nung nalaman kong may girlfriend siya. Wow! Sinung magtataka? eh bata pa nga lang kame, anlakas na ng loob umamin sa akin. sa ibang babae pa kaya. Pero iniisip ko kung totoo bang nagustuhan nya ako. Kasi kung oo, bakit siya umalis?'

'Nung time na yun, may lugar akong laging pinupuntahan. Super peaceful at mahangin kasi. Naupo ako sa damuhan at nagsimula na namang tumunganga. Nagulat ako nung makita ko siya dun. I mean si Louie. Mas nagulat ako nung humiga siya sa Lap ko. Mas matangkad nga pala ako sa kanya. Kumanta siya bigla ng "Kahit kailan" I was taken a back pero nag-eenjoy pa ako sa moment. Dinadaluyan ng kuryente ang buong katawan ko dahil nakahiga siya sa lap ko. Kahit naka jeans ako. At nanginginig ang mga kamay ko dahil buong pagkanta niya nakatitig siya sa mukha ko.'

'Pagkatapos niyang kumanta, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero may nasabi ako.. "Wag mo akong ginaganyan, may girlfriend ka na" napatayo siya ang said "Wala na kame" '

'Kinabukasan ng gabi, nakasilip ako sa bintana namin. Nakita ko si Ate at Louie.. nag-uusap.Nairita ako bigla. Nakita kong nagpaalam na si Ate kay Louie kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto. Pumasok din si ate at biglang nagsalita ng mga bagay na ikinagulat ko. "Niligawan niya lang pala yung girl..... i mean ex-gf niya kasi parehas kayo ng ilong, at oo nakita ko yung babae. Hawig nga kayo" WTF?!

'Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Palibhasa sa malayo nagtatrabaho si mama at papa kaya nakakagawa ng mga ganitong kalokohan eh. Anong ginagawa? Umakyat ba naman sa pader.... Wait, may pader kasi sa harap namin na kasing taas ng bahay namin Hindi niya alintana yun kahit antaas. Hiyang-hiya nga ako kasi bawat dumadaan sumisigaw ng, 'lumabas ka na' At mas nahihiya ako pag siya ang sumisigaw ng 'Kahit isang silip lang' How embarrassing. Pero kinikilig ako.'

'One rainy night. Nandun siya sa tapat ng bahay namin, walang payong.... Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob sa mga pinag gagagawa niya. He said na hindi siya 'aalis' doon sa harap hanggat hindi ko kinukuha yung 'singsing' na ibinibigay niya. So, kinuha ko.... ay pinakuha ko pala.Nakakahiya kaya! Ayoko siyang makaharap! Sumilip ako sa bintana at wala na sya. Hay salamat! Yung singsing ay tigpi-piso lang. Hindi nga kasya eh,sa hinliliit lang. Pero anoba! Kinilig na naman ako. paktay! Minamahal ko na yata!'

'May times na pag naglalakad ako, sasabayan niyya ako bigla at hahawakan ang kamay ko, syempre pipiglas ako.Tapos nagkukwento siya. Mama niya pala yung kasama niyang bumaba sa tricycle dati. 8 silang magkakapatid, 5 na babae at 3 lalaki. Siya ang bunso. I think 6 years pagitan nila nung huli.'

'One day, nakita ko na pumasok sa bahay yung mama niya.Abot tenga yung ngiti ko nun. Bumaba ako sa sala at nakita sila ni daddy. May sinabi si daddy sakin na nagpaguho talaga ng mundo ko. "nak bless ka sa lola Gwen mo, kapatid siya ni Nanay." Saglit akong napaisip...... Nanay. Nanay? Nanay..... yung Lola ko. Magkamag-anak kame? Bakit? Anong nangyari? Muntik talaga akong maiyak sa harapan nila lalo na nung sabihin ng Mama niya na "Ayoko ng bless , kiss ang gusto ko" Wala akong nagawa kundi ang Magbeso sa kanya.'

'Nagtataka ako, ako lang ba ang nakakaalam? Bakit hindi parin niya ako tinitigilan? Taon ang lumipas. 1st year ako nang makahanap siya ng tyempo na kausapin ulit ako. FVCK. hindi kasi ako nakapagtago eh. Oo, ako na duwag! Tinataguan ko siya. He's asking kung kaya ko ba siyang makasama 'habang buhay'. Alam ko. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal na mahal niya ako. Kung nasa ibang sitwasyon kame, baka um-oo ako ng walang pag-aalinlangan pero hindi. Kahit alam kong sobrang tagal pa ng itatagal ko dito sa mundo, eto na yata ang pinaka masakit na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko.'

'Yung time na yun, gusto kong pukpokin ng martilyo ang bibig ko eh. Baka sakaling mabawi ko yung "ayoko, hindi pwede at bawal" Na lumabas sa bibig ko. "Ano bang problema mo? Si daddy mo ba kaya bawal? Oh, pag najan daddy mo duon lang ako sa malayo. kahit hindi kita katabi, basta alam kong akin ka" Yung mga oras nayan, gustong tumulo ng mga luha sa mata ko pero ayoko. hindi ko siya hahayaang makita akong ganito.'

' "May crush sayo yung kaklase ko, lagi ka niya kinukwento sakin, sweet daw kayo. Siya nalang ang sabihan mo ng ganyan, siya ang ligawan mo" Walang emosyon kong sinabi. Kitang kita ko ang bigla sa mga mata niya. Alam kong kilala niya ang tinutukoy ko. "Ayoko, ayoko! Ang gusto ko ikaw!" Hobby ko ang pagkagat sa labi ko pero yang araw na yan, yan yung araw kung saan dumugo talaga ang labi ko. "Hindi, ayoko. Aalis na ako" Tumalikod na ako. Wala nang lingon lingon.'

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sinarado ko ang notebook 'ko'. Hanggang ngayon, ni ngite wala akong nakukuha kay "Louie Dalmacio". Nakakatawa lang na ngayon, mas gwapo at matangkad na siya sa akin.Makakamove-on pa kaya ako?

Ah, yes. Im reading my own Story.

E N D.

--------------------------------------------

A/N: Based on true story. HAHAHAHA naks! kailangan pa bang sabihin kung kanino? Wag na!!! Alam ko kung sino man ang may ganyang story, ayaw niya nang malaman ng iba.

XOXO

LALALABBYUU <3

I'm Reading My Own (One-Shot)Where stories live. Discover now