I'm Reading My own

169 7 6
                                        

Oh Crap! Makakasalubong namin yung Ex-Boyfriend/ First boyriend ko na, hindi ko alam kung paano naging kame. Sabi nila kame daw, ayun! ako naman si Shunga pinatulan yung joke ng mga kaklase ko. Sa awa naman ng espiritung sumapi sakin, umabot kame ng 3 weeks.... 3 weeks na walang nangyari, kundi sakit ng ulo. WHY? Aba?! Malay ko. 1st year high school pa ako nun. HALERR! 3rd year high school na kaya ako. TOINKS! HAHAHA

Wala, naka moved-on na ako. Matagal na panahon na, gaya ng sabi ko. Hindi ko mahal yan, ni hindi nga ako nagkagusto eh, sadyang napagtripan lang ng mga Butihin kong mga kaibigan,

Eto, alam niyo kung ano yung awkward? ETO....

"OMG! Si crush! Si crush!" Irit ng kaibigan ko. Ayeah. May crush siya dun sa hinayupak na yun. HAHAHAHA dejk.

"Rylle! Ex mo yun diba?" Tanong niya. hiyang hiya nga ako sa lakas ng boses nito eh. Parang mega phone. malamang sa malamang narinig 'niya' yung tanong nito.

Isang ngiti lang ang isinagot ko. Pag nagsalita pa ako, paniguradong may meaning na naman sa mga taong ito eh. Seriously, kada nakakasalubong namin yun, ayan lagi ang tanong niya. Hindi ba 'to nagsasawa? -.- Di ko nga pala 'to kaklase noon.

Ah! nalalakad pala kame palabas ng Campus. Ang buiding namin sa kasamaang pala ay yung 'pinaka' malayo sa main gate. Kaya bago makalabas losyang na! Wala na ang pinagpagurang ayos bago lumabas sa home room! :3

"First love mo yun?" Tanong niya ulet. KULET!

"OO first love niya yun! Unang bf nga eh!" Sagot ni Ericka, isa ko pang kaibigan. Lakas maka gawa ng kwento ng mga 'to.

Apat kaming naglalakad. Si Apple-- yung may gusto, si Alyana at si Ericka.

"Rylle! ang gwapo ni Dalmacio!" Irit ni Alyana. Napahinto ako sa paglalakad nung marinig ko yun. WTF? Pwede bang isigaw niya yun ng wala kame sa tapat ng building ni Dalmacio.

"Anak ng--- Ayan pala ang first love ni Avrylle!!!" Sigaw ni Apple. Agad kong tinakpan yung bunganga niya. Pangahas!

Inilabas ko ang isang poker face. "Hindi" Oo nga pala. May kaunting alam si Apple. Kaklase ko pala siya nung elementary... nung mga panahong kinikilig pa ako sa 'lovelife-kuno' ko.

Nakarating na ako sa bahay. Walang tao. Lagi namang ganon eh. Natulala ako... Biglang nag-appear sa iip ko yung scene kanina. Nakita ko Sya. Nagba-volleyball. Hindi ko alam kung player siya o nakikilaro lang.

Kinuha ko yung madalas kong binabasa pag ganitong naaalala ko siya.

Nagsimula akong magbasa........

- - - - - - - -- - - - - - - - - - -- - - - - - -

' I was 7 years old that time,grade one. naglalaro kame ng mga kalaro ko. Piko. Uso yan non eh. May tricycle na biglang huminto sa tabi.

May bumaba na sobrang cute na lalaki together with one old lady, which i think, lola niya. Hindi ko makakalimutan yun. Naka kulay pula nga siya eh. Nung mga sumunod na araw, naging kalaro narin yung lalaki at nalaman kong Louie pala ang pangalan niya. Nalaman ko din na may 'crush' siya sa ate ko isang taon lang tanda sakin ni ate. Magkaedad sila ni Louie. Alam kong crush ko sya pero winalang bahala ko. Why not? Bata pa naman ako nun eh. '

' Time flies so fast. Grade 3 na ako. May ate din siya, hindi ko alam na may ate siya. Ate ko lang ang nagsabi sa akin. My sister said, may crush daw sa akin si Louie. Naguluhan ako. As in naguluhan. Mas nagulantang ang sistema ko nung umamin siya sakin na gusto niya ako. Parang timang lang kasi kahit bata pa ako nun. 'kinilig ako'....

'Nawala yung kilig nayun nung nalaman kong wala na siya. Umalis na. Bumalik na kung saan man yung pinanggalingan niya. Nawala siya na parang bula. Lagi akong nakatanaw sa bintana namin. Nagbabakasakali na bigla siya lumabas, maglakad o kaya makita ko siya sa labas na nagalalaro/ Pero di siya sumusulpot.'

I'm Reading My Own (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon