" Bilisan nyo namang idikit 'yan." naiiritang wika ni kathy. Nandito kami sa isang room upang mag decorate at mag design ng nakakatakot na mukha. Limang araw na lang bago mag halloween. Sa Nov.3 magsisimula ang palaro na nakakatakot dito sa school. Pati nga 'yung iba sa amin ay busy dahil sa paggawa ng mga iba pang games. Na assign kasi ako dito sa haunted room dahil magaling ako sa design and also drawing.
" Feller nitong bruhang 'to." narinig kong wika ni nikka sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya at nag sign na 'Huwag mo sabihin 'yan. Baka marinig ka nya'. Nagulat na lang kami ng may magsalita sa likuran ko. Nagfafinalize kasi ako ng nadrawing ko kanina na skull.
" What are saying chakadoll." sabi nito. Agad ko namang idinikit ang hawak ko at lumingon kay kathy na ngayon ay nakapamaywang.
" Wala. Sabi ko 'Wag kang pabebe 'wag 'wag kang pabebe." sabi ni nikka habang kinanta pa 'yung pabebe? Na hindi ko alam kung kanta ba o pang-aasar.
"What!! Ako ba hinahamon mo!!!" sabi kathy at kita sa mukha nya ang pamumula sa sobrang galit.
"Joke lang 'yun. Kanta kaya 'yun ni ... Oo ni ano." dagdag pa ni nikka habang nagiisip ng ano .. Oo ng ano. Hayss!!! Naawa pa ako sa kanya.
"Oo tama kanta ni ano.. Oo si moshi sa japan." sabi ko. Ewan ko pero iyon ang lumabas sa bibig ko. Ayaw ko kasi ng gulo dahil patapos na kami. Baka magkasakitan pa sila at masira ang mga gamit dito na pinagpagudan namin.
" Ako ba pinagloloko mo!!" sabi ni kathy habang nakatitig ngayon sa akin ng masama. Nakatitig lamang ang iba naming kaklase sa amin. Bakit ba naman kasi nandoon si april at ethan and adrian doon sa maze.
" H-hindi kathy."
" Pabebe? Tapos moshi ang kumanta!!" natakot na lang ako ng bigla syang lumusob at akmang sasampalin. Pumikit ako. Hinintay ko lang na lumapat ang kamay nya sa mukha ko. Pero .. Wala akong naramdaman kahit ano. Muli kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si nikka na sya mismo ang nakatanggap ng sampal para sa akin.
" Ako ang nagsabi hindi si roxette bitch!! Subukan mo kayang tumulong!! hindi 'yung felling prinsesa ka. Kita mo kaming lahat kumikilos except lang sa inyo!!" sabi nya at itinuro si agatha at xiara na nakatingin ng masama sa akin.
Hindi na akong nagdalawang isip at umalis pero bago iyon ay namatay ang ilaw sa room na'to. Nagsimulang magtilian ng biglang magsarado ng kusa ang pinto.
" Aaaahhh!!!" sigawan ng mga kaklase ko. Hindi ko alam ang gagawin. Naririnig ko pang nagiiyakan ang mga kaklase ko at ang iba ay sumisigaw ng 'tulong'. Nasa dulo kami at walang makakarinig sa amin.
" S-sino yan!!! Bitawan mo ako!!! A-no b-- Aaakkk ... Aaakkk"
Nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko ng may malakas na nahulog sa lupa at naglabas ng ingay dito sa room. Wala akong makita. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa sobrang takot. Ito 'yung nangyari sa room namin. Ayaw ko ng isipin 'yun. Maya-maya pa ay kumalat ang liwanag dito sa room at kasabay nun ang pagbukas ng pinto dahil sa pagsipa ng kaklase ko. Nagsitakbuhan sila. Samantala ako ay nakatitig lamang sa isa kong kaklase na ngayon ay bangkay na.
" Tin !!!! " malakas na sigaw ng isa kong kaklase. Maraming dugo ang lumalabas sa kanyang leegan at sa kanyang bibig. May saksak din sya sa kanang dindib nasa tingin ko ay dahilan ng pagkamatay nya. Pito na lang kaming tao rito. Ako, si nikka,amanda,kathy,xiara,agatha at Brian na ngayo'y hindi parin makapaniwala sa nakikita ngayon. Si brian ang matalik na kaibigan ni tin. Kababata nya ata si tin dahil simula nung magkakaklase kami ay laging nagtatawanan ang dalawa.
Akmang lalapit si brian sa bangkay ni tin ngunit sinigawan ko sya. " 'Wag kang lalapit!!!!" sigaw ko. Tila natigil sya at lumingon sa akin. Naaawa ako sa kanya, dahil sa masaganang luha na lumalabas sa mata nya.
" M-may sulat." nauutal pa ako at itinuro ang dugo na ngayon ay letra na. Hindi ko napansin dahil sa sobrang takot ko.
" I-im one of you?" basa ni nikka.
" What!!! Isa sya sa atin?!" wika na kathy habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa dugo na ngayon ay unting-unting natutuyo. Kahit masyadong maliit ang sulat ay kita mo pa rin ito dahil sa ilaw dito na sobrang liwanag.
" Umalis na tayo dito!!!!" sigaw ni xiara.
" Oo nga tara na!!" pagsang-ayon naman ni agatha. Umalis na silang tatlo kaya apat na lang kami dito.
" B-bakit nangyayari 'to. W-wala naman tayong kasalanan sa kanya ah!! Bakit nya tayo ginaganito !!!" lumapit ako kay nikka. Niyakap ko sya. Nararamdaman ko ang nararamdaman nya ngayon.
A/n : Vote and comment :D Litong-lito na ako ...
YOU ARE READING
Class Number (UNEDITED)
HorrorPaano kung ang last name mo ang mismong dahilan ng pagkamatay mo ? . Makayanan mo kaya?. Sino ba ang killer ? Bkit nya ito ginagawa ? Naghihiganti para saan ?
