Chapter 1 - Althea

7K 228 21
                                    

ALTHEA'S POV:

Hi guys! Ako nga pala si Althea Jane Reyes, ang pinaka magandang babae sa mundong ibabaw.

Weh?

Heh! Wag ka na kumontra.

Anyways, joke lang yung kanina. Kung ako yung pinaka maganda edi sana nagustuhan na ako ni DrakeMyLabs. Huhuhu.

22 years old na ako. Nagtatrabaho ako bilang secretary sa DM Corporation. Hulaan niyo kung sino boss ko. Dali! Hulaan niyo na at itext ang sagot sa 2366. Charot! Haha!

Ang boss ko ay walang iba kundi si... Drake Medina! Ang aking labs. Kyaaa! Sobrang gwapo nun at hot. Matagal na akong may gusto sa kanya, 2 years na ata. Nakilala ko siya sa isang party sa company namin. At dun ako nainlove sa kanya.

In love agad?

Oo! At wala kang pake!

Kaso nga lang may girlfriend na siya. Hayss. Mas maganda naman siguro ako dun.

How sure are you?

Ahmm... Sure na sure??

Wala pa kasing nakakakita sa girlfriend ni Sir, nasa America daw eh. Kaya wala talaga akong idea kung sino ang mas maganda sa amin. Hmp!

Mayaman kami pero I decided na magtrabaho sa ibang company. Pinayagan naman ako ng parents ko. Sabi ko kasi sa kanila na mas maganda na magstart ako sa ibang company kesa magtrabaho agad sa amin. Para 'pag nag take over ako ay may sapat na akong kaalaman. Kaysa naman palpak ako diba?

Ako kasi ang panganay, yung kapatid ko naman na si Aya ay 3rd year college pa lang sa kursong Business Ad.

Aware naman ang parents ko na may gusto ko ako kay Sir Drake kaya naman di na sila tumutol nung nagapply ako sa company nila.

Nagtataka nga si Sir kung ba't nagapply ako na secretary sa company nila e mayaman kami. So, I told the same reason except dun sa part na may lihim akong pagtingin sa kanya. Ahihihi!

Pagtingin o pagnanasa?

Heh! Shatap!

Last year ko na dito sa DM at babalik na ako sa company namin.

Sapat na din naman yung experience ko tsaka wala na talaga akong pagasa kay Sir. Mahal niya talaga ang girlfriend niya. Ilang beses na din ako nagpacute sa kanya pero wala talagang epekto sa kanya.

Pacute o landi?

Che! Manahimik ka dyan!

Epal talaga minsan yung utak ko eh.

*****

"Ms. Reyes!"

Tawag sa akin ni Sir Drake katabi lang ng office niya ang table ko kaya rinig na rinig ko ang pag sigaw niya.

Agad akong kumatok at pumasok sa loob ng office niya.

"Yes Sir?"

I sweetly said while smiling. Grabe! Sobrang gwapo niya talaga. 😍

"Anong schedule ko para bukas?"

"Wait lang po, Sir."

Lumabas ako sa office niya at kinuha ang planner sa table ko. Bumalik din ako sa loob.

"Ahm.
•At 10:30 a.m. meeting with Mr. Mendoza of Mendoza Cuisine
then,
•At 6:30 p.m. po may family dinner kayo."

Ngumiti ako pagkatapos.

"Okay i-cancel mo yung meeting ko with Mr. Mendoza. Susunduin ko kasi yung girlfriend ko."

Sabi ni Sir habang nakangiti. Siya yung tipo ng boss na friendly sa mga employees niya. Nagkwekwento siya sa amin tungkol sa buhay niya.

Biglang nawala yung ngiti ko dahil sa huli niyang sinabi.

Ano daw?! Susunduin niya yung girlfriend niya?!

Omg! Makilala ko na din ang karibal ko sa puso ni DrakeMyLabs.

"Are you okay Ms. Reyes? Bigla kasing sumimangot yang mukha mo."

Oh, napansin pala ni Sir ang pag busangot ko.

"Ahh wala po Sir, hehehe."

Sabi ko na lang at ngumiti ulit.

"Yan dapat you should always smile. Nakakapanget ang pag simangot. Sayang naman yang ganda mo kung lagi kang bubusangot."

Namula ako ng sobra dahil sa sinabi ni Sir.

Sh*t! Maganda daw ako!!!

Kinikilig ka na nyan?

Oo!

"Ahehehe. Sige po Sir. Labas na po ako."

Sabi ko habang nakangiti kahit na nahihiya ako.

Tuluyan na akong lumabas sa office ni Sir Drake at bumalik sa table ko.

Tinawagan ko ang secretary ni Mr. Mendoza to inform na canceled ang meeting dahil sa personal matters.

Hayss... I sighed, grabe ang dami kong kailangan tapusin na paperworks. 2 hours na din ako naka upo at puro pagaayos lang ng papeles ang ginagawa ko. Malapit na pala mag lunchtime 11:45 na kasi. Andami ko pa palang kailangan ipapirma kay Sir Drake.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng office ni Sir at pumasok.

Sumenyas sa akin si Sir ng wait lang dahil may kausap siya sa phone. Kaya eto ako, shut up lang. Haha!

"Yes babe, susunduin kita bukas. Anong oras ba yung flight mo?.. Ah, so more or less nandito ka na by 9:00?.. Okay, okay i I'll be there before 9.. Sige babe, have a safe flight.. I love you, bye."

Psh. Natapos din ang landian. Agad akong ngumiti nung humarap na si Sir.

"What do you need, Ms. Reyes?"

He asked nicely.

"Ahm. I just need you to sign some documents, Sir."

"Oh, okay."

Binigay ko na kay Sir yung mga papipirmahan ko. After nun nagpaalam na ako.

Yesss! 12:00 na! Pwede na ako maglunch. Nagayos na ako ng gamit. Sasakay na sana ako ng elevator ng may tumawag sa pangalan ko.

"Althea!"

I silently cursed ng mapagtanto ko kung sino ang tunawag sa akin, si Shawn. Kasama niya ang mga kaibigan ko na sina Ria at Kaye na halatang kinikilig. Psh! -_-

Alam ko naman na may pagtingin siya sa akin. Na-f-feel ko yun.

Feelingera ka kasi.

Wateber.

"Uy Shawn."

Sabi ko at ngumiti ng pilit.
Inirapan ko naman ng pasimple yung dalawa sa likod. Tinawanan lang nila ako.

"Ahm. Althea, pwede ba ako sumabay sa inyo?"

Sabi ni Shawn na tila nahihiya. Psh. Umoo na lang ako at sabay sabay na kami bumaba at kumain sa canteen.

------------------------------------
[A/N:]
Sabaw na update. Sorry sa mga wrong grammars at typos kung meron man.

Please support.

Vote. Comment.

-avidabolt06

Sir Drake's Girlfriend (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon