Bigla nyang binuksan ang pintoan ng kotse kaya't natamaan ako, "Ouch! Masakit ah!"
"Buti nga sa'yo! Adik!" sabay belat. Hahaha. Ibang klaseng babae.
Pumasok na kami sa mall at nagsimulang maghanap ng pwedeng igawa ng scrapbook. Tingnan mo nga itong babaeng 'to, nakikipagflirt sa sales man. Tss.
"Sige na kuya, wala bang discount?" tumatawad na nga lang, nakuha pang mag-flirt.
"Mahal! Andyan ka lang pala, nakabili ka na ba?" sabay lapit ko sa kanila at hawak sa waist nya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hahaha.
"A-anong ginagawa mo?" bulong nya sakin.
"Ah pare, bibilhin namin 'to, wag mo ng intindihin ang sinabi ng "mahal ko"." sabi ko sa sales man na nakikipag-flirt din kay Angel. Tss. Magdusa ka, mas gwapo ako sa'yo.
"Ah-ok, sir." kinuha na nya yung scrapbook at umalis.
"Aray! Kanina ka pa ah!" kinurot ba naman ako!
"Ano bang ginagawa mo ha!?" I gave her my innocent look.
"Bakit? May ginawa ba ako?"
"Ewan ko sa'yo." Sabay walkout. Hahaha. Pikon.
"Ah pare, ito na po. Paki-pila nalang po dun para mabayaran na."
"Thanks." At umalis na.
Pumila na ako sa counter para bayaran ito, asan na ba ang babaeng yun? Ngayon lang ako pinagpila ng ganito. Tss.
"Handsome, pwede kang umuna sa akin." Flirt 1.
"Mas mauna ako sa kanya sa pila, kaya sakin nalang." Flirt 2.
Angel asan ka na ba? Pinagpe-pyestahan na ako ng mga hipon dito.
"Mahal!"
Angel's POV
Ano bang trip ng lalaking 'yun? Iniwanan ko nga para siya ang magpila. Hahaha. Maghahanap nalang ako ng pwedeng i-design sa scrapbook. Hmm. Paste, glitters, scissors, cartolina, ano pa ba? Ah, color pens, pastels. Tama na siguro 'to. San kaya pumila ang adik na 'yon?
Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nire-rape ng mga babae sa counter. Tsk. Kawawa na---teka, si Damon yun ah? Tingnan mo nga! Kalalaking tao, ang landi! Hala, girlfriend lang? Hindi ko sinabi yun. Tss. Ma-tripan nga. Time for revenge!
BINABASA MO ANG
My Hopeless Romantic Playboy [COMPLETED]
Teen FictionThey say love reciprocates hate but for Angel Sarmiento, love is all about taking second chances and forgiveness. Witness how she changes the life of the hopeless romantic playboy, Damon Enriquez, and proves that love truly exists.
THRP 5: First Bonding
Magsimula sa umpisa