Chapter 33: Two reasons

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo."


Sigurado akong walang gusto sa akin 'tong si Tanya. Wala lang siyang kaibigan na lalaki kaya madalas ako ang kausapin niya.


"Nga pala, ipapasara ni daddy No Name sa susunod na araw." Oo nga pala. Birthday na ni Tito Ry. "Doon kasi gagawin birthday niya. Sabi niya invite ko raw kayo. Iinvite ko rin si Tanya since nakilala na rin siya nila daddy. Isa pa, maganda boses niya. Pwede tayong magkaroon ng libreng singer."

"Loko. Ginawa mo pang performer."

"Mahilig naman siyang kumanta kaya ayos na 'yon."


***

Medyo marami na ang tao nang makarating ako sa No Name. Mahirap na kasi makahanap ng paparadahan. Napansin ko ang sasakyan nila Tito Xander, Tito Josh, Tito Ken at Russel. Malamang nasa loob na sila Pipes. Si Warren siguro nandoon na rin. Hindi lang siya nagdala ng sasakyan para hindi sila magkasabay ni Hailey. Hanggang ngayon medyo ilap pa rin 'yung dalawa sa isa't isa. Kaya malamang, sumabay sila sa magulang nila.

Ilang minuto na akong umiikot at nang may umalis na ay nakapagpark na rin ako sa wakas.

Papasok na ako nang No Name nang mapansin ko si Tanya na kakababa lang ng taxi. Baka mahirapan siyang hanapin kami sa loob kaya hinintay ko na siya.


"Nate!" kaway niya nang makita ako at tumakbo palapit sa akin. "Buti nakasabay kita sa pagdating. Baka malula ako pagpasok ko sa loob sa dami ng tao."

"Ang sabihin mo, swerte ka at may makakasabay kang gwapo pagpasok mo sa loob."


Bigla niyang pinitik ang noo ko kaya agad ko namang kinamot 'yon. "You wish."


"Nga pala, gabi na. Bakit nagtaxi ka pa? Delikado na kaya," inalalayan ko na siya papasok sa loob.

"Wala naman kasing maghahatid sa akin. Pero susunduin ako ni papa mamaya." Ah, buti naman. Kargo namin 'to ngayon eh. "Nga pala, seryoso ba si Russel na papakantahin niya ako dito?"

"Oo. Para makalibre siguro ng performer. Pwede ka naman umayaw. Ayos lang naman sa kaniya 'yon."


Napaisip siya sa sinabi ko at umiling, "No. It's okay."

Tulad nga nang inaasahan ko, sobrang dami ng tao pagpasok namin. Bakit ba kasi ang friendly ni Tito Ry at mukhang dalawang buong baranggay ang inimbita niya?

Hinahanap ko sila Russel pero sa sobrang dami ng tao, hindi ko na alam kung sino ang mga nakikita ko.


"Ayon. Nakita ko na sila," turo ni Tanya sa mga barkada ko na nakaupo sa isang pwesto.


Magkatabi si Russel at Piper. Katabi naman niya si Tammy tapos ay si Hailey at Warren. Kahit malabo 'tong si Hailey at Warren nagagawa pa rin nilang magtabi. Bilib din ako sa dalawang 'to.


"Guys!" sigaw ko kaya napatingin sila sa amin ni Tanya.


Nang makaupo ay nakipagdadaldalan na ako. Natahimik lang ako nang may marinig na pamilyar na boses sa may stage. Boses ni Hunter. Kita mo 'tong lalaking 'to. Pupunta pala dito hindi man lang nagpasabi.

Nang tumugtog na si Hunter ay hindi ko mapigilan ang tingnan ang reaksyon ni Piper. Para siyang gulat pero agad din umayos ang reaksyon niya. Si Russel naman ay hindi nagbago ang reaksyon pero alam kong gulat din 'yan na nandito si Hunter. Maski kaming lahat na magbabarkada ay napatingin sa kanilang dalawa. Bukod syempre dito kaya Tanya na walang kaalam alam sa nangyari.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon