Chapter 16: Stress reliever

277K 10.1K 3.6K
                                    


Piper's Point of View


Hunter was taken aback nang paluin ko ang lamesa at idinukdok ang mukha ko sa keyboard ng laptop. We're at home, I mean I'm at home and he visited me since it's a weekend naman. I'm torturing myself sa paggawa ng term paper habang siya ay gumagawa ng plates.


"Ayos ka lang ba?" he asked, concern was obvious in his tone.

"This is stressing me out." And I started to rant about school and part-time stuff.


I was complaining at him about how stressful things are. Malapit na kasi ang finals at ito na ang time kung saan pagpapatung-patunging na ng mga prof ang mga requirements namin para pumasa. That's what I don't get. Why are they giving us this load of requirements kung kailan approaching na ang finals? They should have given this to us noong maaga aga pa. Iwas cramming.

Dahil sa sobrang dami ng pinapagawa sa school feeling ko pati ang part-time job ko kinaka-stress-an ko na. Not like it's stressful, because it's not. Siguro sadyang kapag stress ka lahat na lang nakakastress na sa feeling.


"Matatapos ka na ba sa ginagawa mo?"

"Not really. Siguro give me more than 10 hours pa without distractions makakatapos na ako ng dalawang requirements. Kaya lang I'm surrounded by distractions and temptations."


Napailing siya dahil sa sinabi ko and took my laptop away from me. May ginagawa siya doon which hindi ko alam and after a minute lang ay binalik na niya sa akin 'yon.


"Turn off your wifi, Piper. Tinitingnan ko rin ang ginagawa mo. Ang dalas mo i-check ng mga social media accounts mo," sermon niya sa akin.

"I can't help it. Parang may magnet sa daliri ko na nagpupush sa akin to click those accounts."

"Ngayon kahit i-click mo 'yan wala nang mangyayari. Wala kang wi-fi." I think that will work nga. "Phone mo?" he asked. Inilahad niya pa ang kamay niya kaya ibinigay ko naman ang phone ko. "Confiscated."

"What? But – "

"Gusto mo bang matapos o ayaw?" Parang bumagsak ang balikat ko kaya ginulo naman niya ang buhok ko, "Finish that, Piper. I'll check on your work from time to time to see its progress."

"Seryoso ka na, ano?"

"Hmm?"

"Kapag ini-english mo na ako, seryoso ka na. Based on my observation lang."


Napailing at napangiti siya sa sinabi ko, "Just focus on your work."

I salute, "Will work on it."


I've been working on my term paper for few hours already. And I must say, effective ang ginawa ni Hunter. Though humihinto ako at times pero itutuloy ko rin. Now malapit na akong matapos. Faster than what I expected.

Nag-unat ako dahil nakakangawit na ang ginagawa ko nang mapatingin ako kay Hunter. I've been too focus on my term paper na hindi ko na napansin kung ano ang ginagawa ni Hunter. Nakadukdok siya sa lamesa and I think natutulog na siya.

So much for I'll check on your work from time to time to see its progress.

Siguro sobrang pagod na siya. Sa ayos niya ngayon baka mangalay siya. Kaya I decided to wake him up. Tinatapik ko siya sa balikat at nagising naman agad siya.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon