Chapter 42: Cold Treatment

Start from the beginning
                                    

"Bestfriend pa rin tayo ha ?" tanong ko habang yakap ko siya

"O-Oo naman " sagot niya "Sige Pleige Una na ako sayo ha " sabi niya sabay talikod na sa akin.

Nagpunta na ako sa lobby tinext na kasi ako nina Jeanelle na dun nalang dumeretso dala na nila yung gamit nila

"Hayyy nako dumating ka din Girl tayo nalang ang iniintay nasa bus na silang lahat" sabi ni Aila sa akin

"Teka teka. Umiyak ka ba ? Bat pugto ang mata mo ha ?" tanong sa akin ni Christel

"Mamaya nalang natin pag usapan" sagot ko sa kanila tsaka sumakay na sa bus.

Pagkasakay ko sa bus ay nagulat ako dahil si Carl na ang katabi ko hindi na si Andrei. Asan nayun ?

"Carl asan na si Andrei?" tanong ko sa kanya

"Nandun karatig si Angela. Palit daw kami ng upuan ewan ko ba dun" sagot naman niya sa akin. Bigla naman akong nalungkot. Umupu nalang ako sa tabi ni Carl.

Buong byahe tahimik lang ako. Kahit sa eroplano kasi si Carl pa din ang katabi ko. Ewan ko kung ano nanaman ang problema. Pagkadating namin hinila kaagad ako nung girls

"Pleige sa inyo kami tutulog sleep over nalang tayo. Mag uusap tayo" sabi nila. Napatango nalang ako bilang tugon. May mga damit at uniforms naman sila sa bahay namin eh

Pagkadating sa bahay dumeretso kaagad kami sa kwarto ko.

'Pleige bakit pugto ang mata mo?" tanong ni Aila

"Ganto kasi yun " at kinuwento ko sa kanila kung ano ang nangyari sa amin ni Carl kanina

"Hayysst wag ka ngang malungkot dyan Pleige mabuti na yung nasabi mo na kaagad sa kanya ng maagap na hindi mo na sya gusto. Atleast hindi na sya aasa." sabi ni Christel.

"Oo nga and Congratulations sa iyo dahil naamin mo na din sa sarili mo na mahal mo na si Andrei" sabi nila sa akin

"Speaking of Andrei. Nakita ka ba ni Andrei kanina ?" tanong ni Christel. Napataas lang ang kilay ko sa kanya

"Hinahanap ka kasi ni Andrei kanina sa akin, bago tayo umalis. Nagmamadali nga ay may patakbo takbo pang nalalaman" sabi ni Christel

"Huh ? Ehhh galit nga yun ata sa akin eh. Di nyoba pansin hindi ako tinabihan kanina" sagot ko sa kanya

"Ayy oo nga girl. Kay Angela bitch siya tumabi bakit kaya ?" tanong nila sa akin

"Aba ewan ko. Hindi naman kami nag away eh."sagot ko sa kanila" Baka may buwanang daloy nanaman kaya naging ganun alam mo naman yun parang babae "  pahabol na sagot ko sa kanila natawa naman kami dahil dun hahaha.

Maya maya ay bigalng may tumawag sa akinisang unknown number. 

UNKNOWN NUMBER CALLING

ANSWER           DECLINE 

Sinagot ko naman ito

"Hello sino to ?" tanong ko sa kabilang linya. Sinenyasan naman ako nina Christel na i loudspeaker yung tawag kaya ni loudspeaker ko

"Hello Dark Princess. Kumusta na ?" sabi nung nasa kabilang linya. Hindi ko sya mabosesan kung lalake ba siya o babae

" Sino ka ?" tanong ko

"Hahahahahahahahha magsaya ka na dahil malapit nang dumating ang araw na pinakaaayaw mo. Sa wakas Magkikita na din tayo toot tooot tooot tooot" biglang nawala yung linya sa kabila

"Aba gaga yun ah biglang pinatay nagtatawa lang naman " sabi ni Christel.

"Tsk. mukang yung mga Black death yun nanakot nanaman hindi sila magpakita sa atin nang magkalaman na.  Dark Warriors vs Black Death hahahaha" sabi ni Jeanelle

Story of The Nerd  Gangster PrincessWhere stories live. Discover now