Hindi inaasahan na magkakaroon ng masamang panahon sa gabing iyon, biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. At ang mga alon sa dalampasigan ay humahampas na ani mo'y parang rumaragasang sasakyan sa kalsada, at sa kabutihang palad lahat ng mga naglalayag ay naka-ahon na at nakasilong na sa kani-kanilang mga tahanan, sumasabay naman ang malalakas na hangin na lahat ng mga puno sa isla ay parang sumasayaw at ang ibang maliit na puno nang di makayanan ang lakas ng hangin ito naman ay nabubuwal, ngunit kahit anung lakas ng hangin hindi naman naa-ano ang mga bahay sa isla at sa resort dahil lahat ng kabahayan at mga estraktora ay matatag at handa sa mga ganitong masasamang panahon. Dala ng malakas na ulan kasabay naman ang mga pagkulog at pagkidlat na dumadagongdong sa buong isla.
At nang bumagsak ang isang malakas na kulog at kidlat. Napasigaw ang dalawang babae sa isang Villa na gulat na gulat at namumutla sa kaba.
"haaay!!!, nakakagulat naman tong kidlat na ito ang lakas parang ang lapit lang ng pinag-kidlatan, whoo!." reklamo ni Maria dahil bumilis ang pagpintig ng kanyang pulso dahil kinabahan dahil sa di naasahang pagkidlat ng pagkalakas-lakas at napansin niyang ganun din ang naranasan ni Marga.
At dahil dun, di sinasadya na makita ng dalawa ang nakatago sa likod ng wardrobe sa kwarto ni Raizel.
"Maria, anu ba ang mga ito?, bakit ang daming mga litrato, sa tingin mo may ini-imbistagahan kaya si Raizel dito sa isla?" tanong ni Marga na tinitingnan ang mga bawat litrato.
"Hindi ko alam, Marga, tingin ko sa mga larawang ito masasabi ko lang ay napakaluma na nito, halos mga nasa 14-15years na ang tanda ng mga larawang ito, at ang hindi ko maintindihan, di ko makita kung anu ang nandito at bakit andito to sa kwarto ni Raizel." habang tinitingnan ng dalawa ang mga larawan, at kahit anung tingin ni Marga, ang tanging nkikita niya sa mga litrato ay mga de latang pagkain na wala nang laman, mga gamit na kahoy na ginamit sa pag-siga, isang higaan na gawa sa mga dahon ng puno ng niyog, at mga bao ng niyog, dalawang angolo ng isang bangin, at ang huli ay ang dalawang magkaibang kweba, ang isa kuha mula sa isang mataas na lugar at ang isa ay nasa ibaba kung san ang tubig alat ay malayang nkakapasok dito. At si Maria naman ay seryoso sa kanyang pagmamasid sa mga larawan at pilit niyang ina-analyze ang mga ito.
"Maria!, tingnan mo tong larawan na ito." dali-dali niyang pinakita ni Marga ito kay Maria, dahil may napansin itong kakaiba sa larawan ng kweba. "Ito, Maria oh, na parang may hugis tao na parang nakatingin sa taong kumukuha ng larawan." at agad naman tiningnan ni Maria ang inabot na larawan.
"hmmm, oo nga, pero malabo at kung titingnan mung maigi, parang isang batang babae ito." at dahil dito naisip ni Maria baka sa mga larawan na ito ay may kinalaman sa nangyari sa pamilya ni Raizel na kung saan nawalan sila ng isang kapatid, at ini-isip pa nito na baka pinapaniwalaan ni Raizel na may kunting posibilidad na buhay pa ito dahil sa mga lumang larawan na ito.
"waaaa!" sigaw ni Marga, "Oy! bakit? anung nangyari?" tanong ni Maria at nagulat dahil sa sigaw ni Marga. "Nagulat ako sa vibrate ng phone ko, he he he, sorry, teka lang..." at agad namang tiningnan ni Marga ang kanyang phone at nakita niyang si Zane ang caller. "si Zane." bangit niya,
Zane-"Hello!, Marga? ... ok lang ba kayo diyan? kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Maria pero hindi niya sinasagot..."
Marga-"Ok lang nman kami dito medyo nagugulat lang minsan sa pagkulog at pagkidlat."
Zane-"Oo nga ei, ang sama din ng panahon ngayon. Nag-alala din ako kasi nga di sinasagot ang phone niya, baka kung ano na ang nangyari sa inyo diyan. San ba kayo ngayon?"
ESTÁS LEYENDO
Fatal Deceit
Misterio / SuspensoThe story is all about a detective who is going to solve a countless of murder serial cases, which lead him to risk his own life to protect what is right from wrong to solve the case to give justice to all the victims. This is a fictional story all...
