Chapter 17- No Way!

66 3 0
                                        

Melle's POV

Rise and shine!

Hayy! I'm bored. What should I do today? Hmm. Uhh, Yeah. Review. BOWRENG. =_=+

Review...

"Hay nako, boring naman." sabi ko habang nagbubuntong hininga. Bakit pa kasi napagbintangan pa akong cheater eh. E di sana hindi ako nagpapakahirap dito ngayon just to prove them wrong. -_-

Hayy!~ Ano kayang ginagawa ng barkada? Siguro nagpapakasaya kasi wala na silang exam. Psh. Bakit kasi ako pa? Pwede naman si Kambs.. Hehe. Pero siyempre joke lang. Sama ko namang kaibigan

-_-

I just continued what I'm doing at dahil nagugutom ako ay nagluto ako ng.. Teka? Ano kayang pwede? Chicken Sisig na lang kaya? (Kahit hindi ako marunong =_=)

So ano ba ang paraan ng pagluluto ng sisig? Experiment na lang.. Hehe.. :)

How to cook sisig.. (Melle's Way)

(Babala: Di po ako nag search sa google o kung ano, ganito lang po ako magluto ng sisig -Author)

1. Igisa ang giniling na  chicken. Wait! Step 3 agad-agad?  Real step 1: Hugasan ang kawali and put it in a gas stove and open the gas stove.

2. Lagyan ng mantika, painitin at pag mainit na.. Ilagay ang chicken.

3. Ayan na! Dun Dun Dun Dun.. IGISA NA ANG CHICKEN tapos pag brown na, set aside sa isang lalagyan. (Natural po.. alangan namang ilagay mo sa lababo tapos itapon mo diba? Weh, korni)

(Pwede rin ilagay sa baso.. Imaginine mo chicken nasa baso. Ay teh? Ice cream ang peg ng chicken?)

4. Tapos pag nailagay na ang chicken sa lalagyan, lagyan ng mantika ang kawali ulit at ilagay ang sibuyas, bawang at pag luto na ang mga ito ay ibalik ang chicken. (sa kawali hindi sa pwet ng nanay niya.)

5. Experiment. Dahil hindi ko alam ang recipe nito ay bahala na.

Lahat ng nakita ko sa kusina namin ay nilagay ko sa sisig. (Weh? lahat talaga as in lahat? Pati yung mga kutsara hinalo mo sa sisig, teh?)

Unang tikim. Maalat.

Pangalawa. Maasim.

Pangatlo. Lasang sinigang?

Pang-apat? 'Di ko na tinikman baka kung anong mangyari sa tiyan ko.

--

Meal time.

Sisig ni Melle.

Na lasang Adobo. =_=

Hayaan mo na nga.

Pasubo na ako ng biglang..

"MELLEBABES!" hulaan niyo kung sino 'to bago ko sabihin.

Hula ka muna.

K.

It's George.

Natapon tuloy yung sisig na nasa kutsara. Umakbay ba naman at manggulat. Bastos na bata ire.

"Bakit?" sabi ko sa kanya habang nililinis ang mga natapong pagkain.

"Eh Kashi pinapatawagsh ka ng principalsh, kakausapin kash daw niyash." Bakit siya ganyan magsalita? Pagkalingon ko..

=_=+

Kinakain niya na po yung sisig-na-lasang-adobo ko.

Matakaw. -_-

At dahil sa sinabi niya't na-interrupt niya ang pagkain ko, nagbihis na ako at nagpunta sa school.

--

"WHAAAAATTTTTT?!" No! This can't be! Hindi ako papayag!

"Sorry Ms. Domingo, that is one of the rules of this school, sorry." Pesteng rule at sorry na 'yan oh. Pahamak.

Ayokong umulit. Ayoko. No way!

"Sige na po, ma'am. Hindi naman po ako nandaya eh. I can take another test if you want." I said pleading to them.

"Sorry Ms. Domingo, I can't give you another chance." sawi akong lumabas ng principal's office.

Nag-review pa ako. Psh.

Sayang oras.

Paano na yung future ko? Yung perang pambayad sa school? Eh.

"Hey Melle," I heard her voice. I know it is Danna Dela Paz. "Nabalitaan ko, mag-uulit ka daw ng 4th year." Nilapit siya sa akin at bumulong, "I have my sources of course.." then she smirked.

"Well By the way, I hate you, and.." she looked at me from head to toe. "You're ugly." then she walked away.

Pero may narinig ako habang papalayo siya. Hindi ko alam kung sinadya niyang lakasan pero narinig ko ng malinaw.

"HAHAHA! Right girls, poor girl. Cheater pa! Ew." That girl. Argh.

Hinabol ko siya. Naiinis na ako.

Akmang sasampalin ko siya ng biglang..

"Nuh-uh!" pinigilan niya ang pagsampal ko sa dahil hinawakan niya ang kamay ko. "You can do that to me, Daughter of Drug Pushers. I know you don't want your friends to know that, don't you?" P-Paano niya nalaman? Matagal ko nang kinalimutan yung bagay na yun. Hindi pwedeng malaman 'to ng mga kaibigan ko. Hindi pwede.

"I can read what you're thinking, my dear. I'm a genius. Paano ko nalaman? As I said a while ago, I have my sources, Goodbye!" at binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti at flying kiss.

Pa-flying kiss ka pa! I-flying kick kaya kita! Leche ka!

Nakakainis naman.

Bakit ba ganito ka miserable buhay ko?

"Melle," napahinto ako sa pag-iisip nung may tumawag sa akin. Lumingon ako, si George. Wala kasi siya nung pumunta ako ng principal's office. Nasa parking lot siyempre nag-park ng kotse. Hanubanamanyan  "Anong sinabi nung principal?" sasabihin ko ba?

Tumungo ako at sumandal sa kanya. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko at ibuhos gamit ang luha ko. Hindi ko na kayang maging matapang lagi sa harapan nila. Ang hirap.

"Shh. Ilabas mo lang 'yan." sabi niya habang hinihimas-himas yung likod ko.

"Uulit ako ng 4th year, George. Ang hirap ng sitwasyon ko, alam ko hindi ako masiyadong mapag-aral pero ayokong umulit." Inabutan niya ako ng panyo at sinabing..

"Don't be sad, Melle. Uulit ka pero hindi kita iiwanang mag-isa." then he smiled at tumakbo papuntang principal's office.

What does he mean?

Uulit ako pero hindi niya ako iiwan? Hindi kaya.. Oh no!

Hinabol ko siya pero naabutan kong sinabi niya ang mga katagang:

"Ms. Principal, I'm sorry I cheated on exams. Let me repeat 4th year high school."

I froze.

Ang weird ng pakiramdam ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

George sacrificed his studies for me.

Parang imbes na malungkot ako, napalitan ito ng..

....saya. :)

Am I in love with this guy?

EDITING. DON'T READ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon