Chapter 41 (Blind)

3K 54 21
                                    

"I mean... orange juice. Orange juice na lang." sabi ko sabay upo dun sa upuan.

"Sure ka ayaw mo ng 'hot' chocolate?" medyo namula ako at umiling.

"No thanks." Tumawa muna siya bago siya kumuha ng orange juice sa ref.

Tiningnan ko yung mga pagkain na nakalagay sa lamesa. May hotdogs, egg, pancakes, hashbrowns, toast, and waffles.

"Hindi ko alam kung ano kinakain mo pag umaga so naisipan ko na lang iluto kung ano man meron sa ref pag nagb'breakfast ako." Sabi niya habang umupo sa kabilang side ng dining table so magkaharap kami sa isa't isa.

"Marunong ka pala magluto." Sabi ko at kumuha ng isang hashbrown

Yep, gusto ko maging isang chef dati." Sabi niya

"Eh ba't hindi culinary ang kinuha mong course?" tanong ko

"Gusto ni papa na ituloy ko yung business niya. Pero okay lang naman, gusto ko din naman maging isang powerful na businessman katulad ni papa eh." Tumango ako at ngumiti sa kanya. Di ko na Malayan na nakatingin din siya sakin kaya nagkatitigan kami.

"Alam mo may napansin ako sayo." Sabi niya habang kumakain

"Ano yun?" sabi ko habang nakatingin pa din sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin dahil nilalagyan niya ng butter yung toast. Pero tumingin din siya sakin at ngumiti.

"Ang ganda mo pala." At kinindatan niya ko.

Great way to start the day!

Mich's POV

Nagising ako dahil sa alarm clock. Tiningnan ko yung oras at 10am na pala. Tiningnan ko yung phone ko at di pa rin sumasagot si El. Ano na kaya nangyari dun? Pumunta ko sa sa cr at tumingin sa salamin. Namamaga yung mata ko, halatang umiyak ako kagabi. Naligo, at nagtoothbrush ako at nagbihis bago pumunta sa bahay ni Louis.

Baka alam niya kung nasan si El. Hindi ko din tinawagan si Avan. Ayoko naman isipin ni Liam na wala na kong pake sa kanya. So mas mabuti kung di ko muna kakausapin si Avan.

Liam's POV

Kumatok ako sa pintuan ni Louis. After ko umalis sa dorm nila Mich, dumiretso ako sa bahay namin. Di ko feel na umattend pa sa party ni Louis since di din siya sumasagot. Ngayon, nung nagising ako ay dali dali ako sumakay sa kotse at pumunta sa bahay ni Louis.

Bumukas yung pintuan at una kong nakita si El at naguluhan ako dahil dito.

"Oh hey Liam" bati niya sakin.

"Uh, hi. Pwede ba pumasok?" sabi ko at tumango siya.

"Oh hi Liam" bati ni Louis na kakasuot lang ng shirt. Bumalik yung tingin ko kay El.

"Uh may na interrupt ba ko or?" nanlaki yung mga mata nila

"WALA" sigaw ni El at tumawa si Louis

"Bago mauwi sa spg yung usap natin..." sabi ni Louis at tiningnan siya ng masama ni El.

"Ba't di kayo pumunta ni Mich sa party kagabi?" nung narinig ko yung pangalan ni Mich, para akong nag freeze. Bumalik lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tiningnan ko si Louis at si El pero di ako nakasagot.

"Liam?" tanong sakin ni Louis

"Usap tayo gusto mo? Tara pre" sabi niya sakin sabay hila sa braso ko papuntang garden nila.

"May problema ba kayo ni Mich?" tanong sakin ni Louis ng nakarating kami sa garden nila.

Kwinento ko lahat lahat ang nangyari samin kagabi. Di ko maiwasang di maluha habang kinukwento ko.

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya nung natapos ko na ikwento

"Mahal na mahal mo si Mich diba?" tanong niya sakin

"Sobra" mabilis kong sinagot at tumango siya

"May iba't iba kasing opinion ang mga tao, ang iba sasabihin 'pag mahal mo, pakawalan mo' tas yung iba sasabihin 'pag mahal mo, ipaglaban mo'. Ngayon eto yung pinakamahirap na part. Ikaw mismo ang magdedesisyon kung papakawalan mo siya o ipaglalaban. Gawin mo kung ano ang tama. Basta ang alam ko, isa sa inyo ni Mich ang masasaktan. Kaya mo ba mabuhay knowing na nasayo nga, pero sinasaktan mo naman araw araw?" napaisip ako sa sinabi ni Louis kaya naman tinapik niya ko.

"Wag ka mag alala, baling araw maiintindihan mo din lahat lahat kung bakit ito nangyayari sayo." Ngumiti siya sakin at tumango na lang ako. Di ko pa kaya ngumiti, kahit fake smile di ko kaya dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Kumain ka na ba?" tanong sakin ni Louis

"Hindi pa. wala akong gana" amin ko

"Di ka pwede magpagutom porket nasasaktan ka. Baka mamaya magkasakit ka pa, tara gumawa ako ng waffles?" alok niya sakin. Alam ni Louis na di ako makakatanggi kasi masarap siya magluto.

"Oo na kakain na." napangiti siya dahil dun kaya naman ay pumasok uli kami at tumungo papuntang kitchen.

"Sige wait" nagtungo si Louis papunta sa living room para buksan yung pinto.

"So dito ka pala natulog" sabi ko kay El at namula siya

"Wala kaming ginawa ah" sabi niya at for the first time napangiti ako

"Napaka defensive" sabi ko at inirapan niya ko

"Ewan ko sayo" ngumiti siya.

"Guys, andito si Mich." Sabi ni Louis habang nakatingin sakin, bigla akong nawalan ng gana.

---

Okay so idk pero I think nagfocus ako masyado sa chapter na to kay Louis at El dahil masaydo emotional na yung previous kong chapter.Hahahaha kaya yan. Pero like guys, just imagine na magigising ka tas una mong makikita ay si Louis na shirtless habang pinagluluto ka ng breakfast <3 Anyway, 20 votes and 10 comments for the next chapter


-F Xxx

P.S.

This chapter is dedicated to Ordinaryjanielle because of your comment <3 Thanks, love.

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now