Princess POV
Hays, first day of school na naman. Ang bilis talaga ng araw! Oops, hindi pa pala ko nagpapakilala. Ako nga pala si Princess Jamie Sarmiento. 15 years old, 4th year highschool nako ngayong pasukan. Nagaaral ako sa Brentwood academy. Let me tell you a piece of information about brentwood academy. Ang brentwood academy ay isang sikat na paaralan dito sa pilipinas. At isa pa ang school na ito ay para lang sa mga mayayaman na tao. Meron din naman na nakakapasok na mahihirap dito sa pamamagitan ng Scholarship. Ah, oo nga pala mayaman ang aking pamilya. Ang mommy ko na si Lizzy Sarmiento ay isang fashion designer at ang akin namang daddy ay isang business man, ang business ni daddy ay alak, wine etc. ang pangalan ng aking daddy ay Gerald Sarmiento. May kapatid din ako na lalaki actually mas matanda siya sakin, kuya ko siya. Ang pangalan niya ay Prince Clyde Sarmiento. Nako masyado nang mahaba ang intro ko sa inyo. First day of school nga pala. Inayos ko yung kama ko at pumunta na ng banyo.
Nagbibihis pa ko ng uniform ko ng bigla akong tinawag ni mommy.
"Anak, bumaba kana nakahain na yung almusal mo." -Mommy
"Opo mommy, bababa na po ko." -Ako
"Dalian mo, malalate kana sa school mo. First day of school pa naman. 7:00 na anak 8:00 ang pasok mo diba?" -Mommy
"Opo mommy."-Ako
Nang hindi ko na narinig si mommy nagamadali na kong kunin ang aking mga gamit at bumaba na sa kusina. Nakita ko dun si mommy na nakaupo na, umupo na din ako at nagsimula ng kumain.
Ang nakahain sa lamesa ay bacon, hotdog, itlog at sinangag. Wow, ang paborito kong bacon. Kain lang ako ng kain halos maubos kona yung bacon, nang mapatingin ako sa orasan. OMG! 7:40 na. Malalate nako! Tumayo na ako at nagayos. Lumapit ako kay mommy at kumiss sa pisngi niya.
"Mommy aalis na po ko ah? Malalate na poko e."-Ako.
"Sure anak. Magingat okay? Magpahatid kana lang sa driver para hindi ka malate."-Mommy
"Sige mommy." -Ako
Tumakbo ko papunta sa garahe ng sasakyan at nakita ko dun yung driver.
"Kuya, Tara na. Malalate na po ko."-Ako
"Sige po ma'am princess." -Driver
At pumasok na ko ng kotse. 15 mins lang ng dumating ako sa brentwood academy. 5 Mins na lang malalate nako. Nasa hallway nako ng may mabangga akong matigas akala ko poste yun pala isang gwapong nilalang.
"F*ck! Ano ba, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"-Pogi
Syete pati yung boses niya bagay sa kanya kaya lang ang sama ng ugali, hindi man lang nagsorry.
"Excuse me, Hindi lang naman ako ang may kasalan no! Ikaw din kung tumitingin ka lang din sa dinadaanan mo edi sana hindi tayo magkakabangaan!"-Ako
"I don't care. Kala mo ang ganda mo? Nerd!"-Poging masama ang ugali
At ang panget na lalaki biglang umalis sa harapan ko at nawala na lang sa paningin ko. Arrgh.
Pagtingin ko sa orasan, OMG late nako. 8:15 na. Patakbo kong pumunta sa pintuan ng classroom ko. At kumatok.
Tok! Tok!
Binksan iyon ng teacher.
"Excuse me, are you here in my class?"- Teacher
"Yes, maam. Sorry if im late in your class."-Ako
"It's okay ms. Come in and introduce yourself."-Teacher
"Yes mam"-Ako
Pumunta ko sa harapan at nagsimula ng magpakilalam.
"Goodmorning everyone. I'm princess jamie sarmiento. 15 years old. I hope we can be friends."-Ako
"You can sit in the back of Mr. Dela fuente."-Teacher
"Yes mam."-Ako
Pumunta nako sa likod at umupo. Iniisip ko pa lang kung anong mangyayari sakin dito. Ng biglang humarap yung lalaki sa harapan ko at nagulat ako ng siya yung nabangga ko kanina. Syete, anong gagawin ko?
Abangan ang susunod na mangyayari sa buhay ni Princess.
YOU ARE READING
I'm inlove with a nerd
Teen FictionIsang gwapong lalaki na maiinlove sa babaeng nerd na kung magsuot ng damit ay manang. Hindi niya mawari kung pano iyon nangyari. Isang babaeng maiinlove nga din ba sa lalaking binubully siya at inaasar? Abangan ang kanilang istorya.
