Mga Hangin at Bulong

27 2 0
                                    

"Nagddaydream ka na naman." pukaw sa akin ng best friend kong si Mae. Napailing na lamang ako habang nakangiti at nagpatuloy sa pagsusulat.

Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am home again
Whever I'm alone with you
You make me feel like I am home again

Naramdaman kong dinungaw ni Mae ang ginagawa ko. Tinapik nya ako. Alam kong 'di na bago sa kanya ang makita akong ganito. Nagsusulat tungkol sa kanya.

However far away,
I will always love you
However long I stay,
I will always love you

Whatever words I say,
I will always love you
I will always love you

Sinarado ko ang notebook ko nang marinig ko ang tunog ng bell na pumailanlang sa buong unibersidad. Klase na. Bulong ko sa aking sarili. Kinawayan ko si Mae upang makuha ang kanyang atensyon saka ko sinukbit ang aking galaxy-designed Jansport bag. Kampante pa akong maglakad dahil alam kong matagal pumasok ang aming prof. Kapag sinabi nyang darating sya nang 8:30, asahan mo na na papasok sya nang 10:00. Pero gaya nang iba, pumapasok pa din kami nang maaga. Mahirap na at baka matsyambahan pa ni Ma'm. Ayoko mapagalitan.

Pagpasok namin sa classroom, kumaway sakin ang aking mga tropa. Sabay sabay silang tumuro sa iisang papel saka ako natawa. Wala na naman atang assignment sa General Statistics ang mga loko. Lumapit ako sa kanila at saka ko inabot yung papel ko.

"Ayan! Kaya tayo magkaibigan!" Nginitian ko lang si Ian.

"Bestfriend talaga kita e 'no?" sabat naman ni Erika habang tumatawa.

Di ko na lamang sila pinansin. Umupo na ako saka nagpatuloy sa pagsusulat. Para ngayon, isang kanta ang sinusulat ko para sa kanya. Wala lang. Bigla ko lang naisip. Sa lahat naman nang ginagawa ko para sa kanya, hindi pinagplanuhan. Yung mga biglaan lang akong makakaisip nang mga salita na magdedescribe sa kanya. Tapos ayun na. 'Di ko na mapapansin na nakatapos na pala ako nang isa nanamang likha para sa kanya. Nakakapuno na nga ata ako nang isang buong clearbook para lamang sa kanya. Mga kanta, tula, kwento at mga kung ano ano pa.

Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am young again
Whenever I'm alone with you
You make me feel like I am fun again

Young... Fun... Ganyan kita mailalarawan sa isip at mga panaginip ko. Laging nakatawa at malaya. Lagi kong naririnig ang tawa mo bago matulog, para itong lullaby na ipinanghehele sakin nang Mama ko para makatulog ako at 'di dalawin nang masasamang panaginip. Pero iba ka. Kasi isang ngiti mo lang, kahit kamalasan ay 'di ako dinidikitan.

Home... Isang bagay na hindi ko na nararanasan magmula nang mamatay ang magulang ko. Oo, andyan ang mga tito at tita ko, mga kaibigan at iba pang kamag-anak, pero iba ka pa din. Ikaw. Ikaw mismo ang home para sa akin. Isang sulyap lang sayo, pakiramdam ko ay ayos na ako at wala nang problema. Isang ngiti mo lang ay lumiliwanag na ang mundo ko. Medyo kadiri 'to pag nabasa mo pero 'yan ang nararamdaman ko. Napaka cringe-worthy nitong mga isinusulat ko. Pero para sayo, screw it. Basta pag nabasa mo 'to, bisitahin mo sana ako. Maglilimang taon na mula nung huli kitang nakita. O, nakita nga ba? Parang isang panaginip lang nung nakita kita at nangako ka. Kasi diba, kung totoo yun edi sana, alam ko ang pangalan mo. Friend sana kita sa Facebook at 'di ko na kailangan pang maghintay nang limang taon para lang makita ka ulit.

Natapos ang buong Gen. Stats. nang wala akong natututunan. Di ko magawang makinig kasi tuwing sinusubukan kong magfocus, parang naririnig kitang bumubulong na pansinin kita dahil dumating ka na. Kapag lumilingon naman ako, hangin lamang ang nararamdaman ko. Pero ang hangin na yun, ang patunay na andito ka na. Na makakasama na ulit kita.

Mga Hangin At BulongWhere stories live. Discover now