STMTRMOL 1: My Life

14.2K 164 45
                                    

Note: Ang chapter po na ito ay edited na kung may makikita kayong note sa last part ng chapter na to na EDITED kaya kung wala pa ang word na yun hindi pa ito tapos iedit. Ang mga susunod na kabanata sa kabanatang ito ay hindi pa naayos o naeedit kaya ipagpaumanhin niyo na po :) Nirerevise ko po kasi ito kaya po bawat chapter ay ineedit ko. Maintindihan niyo po sana. Maraming salamat. Bawat chapter naman po ay lalagyan ko sa huli ng edited o hindi para po alam niyo. Sana lang po wag kayong malito. Thanks :)

---- 

(Mary's POV)

   Ako si Mary Elizabeth Atienza. Nag-aaral ako sa isang College University. Kasama ko sa buhay ang aking nakatatandang kapatid na lalaki na si Michael Louis Atienza at ang aking ama, kahit na hindi namin kasama si papa eh namumuhay pa rin kami ni kuya ng matiwasay kahit na napilitan si papa na mangibang bansa para maka ipon kami ng pera na kailangan para sa operasyon ko, kahit na nag-iisa siyang naghahanapbuhay ngayon simula nung pumanaw si mama. Si kuya Mike naman short for Michael ang nag-aalaga sakin simula ng umalis si papa. naku napaka over protective nun, kaya naman lagi niya akong iniintay kapag labasan na kami, pareho kami ni kuya ng pinapasukang school para daw mabantayan niya ako. Member si kuya ng varsity sa school namin pero kahit na marami silang practice ay hindi pa rin niya ako nakakalimutang sunduin sa classroom. Ayaw niya kasi ng nahihirapan ako kaya siya ang laging nagdadala ng mga gamit ko at kahit na kapag may mga meeting ako para sa klase namin ay hinihintay pa rin niya ako kahit na anong oras matapos ang meeting basta magkasabay lang kaming uuwi ganun din naman ako sa kanya kahit na hanggang anong oras sila nagpapractice ng basketball eh hinihintay ko pa rin siya. Kaya naman mahal na mahal ko ang kuya ko ang hindi ko lang maintindihan eh ang love life ni kuya. Ang dami-dami namang nagkakagusto sa kanya dahil syempre gwapo siya pero ni isa wala siyang nagustuhan o naging girlfriend kapag tinatanong ko naman siya ang sasabihin lang nun " ayaw mo nun sayo lang nakatuon ang intensyon ko" pero iniisip ko hindi nga kaya ako ang dahilan kung bakit wala pa ring love life si kuya hanggang ngayon dahil sa may sakit ako.

" Hoy! Eliza. Bakit malungkot ka yata?" narinig kong tanong sakin ni kuya.

                Nga pala nakalimutan ko naglalakad kami ngayon sa corridor ng school papunta sa room ko.

" Ah wala naman kuya." sabi ko sa kanya ng nakasmile.

" Ikaw ha Eliza. wag kang malungkot alam mong bawal ang malungkot sayo" Sabi niya.

" Alam ko naman yun Kuya eh." Sabi ko ng nakasmile to assure him.

" o sige" sabi niya.

                 Alam ko namang bawal sakin ang malungkot, magulat, tumawa ng sobra at kahit na anumang emosyon na makakasama sa puso ko. Pati na rin ang magmahal bawal kaya naman itinatak ko na sa isipan ko na hindi ako maiin love kasi kapag nangyari yun masasaktan lang ang taong mamahalin ko kapag hindi naagapan ang sakit ko. hay naku bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yun ngayon masuwerte naman ako kasi may papa at kuya ako na love na love ako pati na rin ang mga kaibigan ko. Speaking of kaibigan hayan na nga sila papalapit na samin ni kuya. Malayo pa lang kitang kita ko ng kumakaway si Antonette samin pero sa tingin ko kay Kuya siya kumakaway. hayan na nga nandiyan na.

" Hi Mary! Hi din sayo Papa Michael." ang sabi ng lokang Antonette.

" Ah! Hello sa inyo." sabi ni Kuya.

" Hello din sa inyo." sabi naman ni Ingrid.

" Hay Naku! Papa Michael sasabay na lang akey sa inyo ha?" sabi ng lokang Antonette habang lumalapit at kumapit siya sa braso ni Kuya.

She taught me the real meaning of LOVE (COMPLETED OLD Version) *not going to be edited anymore* Revised Version is She taught me..Version 2.0Where stories live. Discover now