Chapter 36

4.4K 70 32
                                    

(Nakaraan)

Dahan dahan akong lumapit kay Bianca at inabot ang PT. One bar and it's negative, two bars and it's positive. I inhaled at unti unting tingnan ang PT.

POSITIVE.

Chapter 36

Tara's POV

The moment na naconfirm na buntis nga ako, gustong gusto na ni Bianca na ipaalam ko kay Kent - the thing na ayoko namang gawin. I told her na I will tell it to him sa tamang panahon. Problem is, I don't know when that time is. Never pa ulit kaming nagkausap ni Kent ng seryoso at masinsinan after the David incident. He did not say he's sorry for what he said na lalo namang nakasakit sa akin.

Ngayon, todo bantay sa akin si Bianca at David. Nang malaman ni David ang "kakitidan ng utak" na nangyari kay Kent, he wanted to talk to him, pero syempre, ako ang buntis, ako ang asawa, ako ang susundin nila. I told him not to. Kung wala syang tiwala sa akin, quits lang kasi I'm still not giving up the thought na may affair sya. 

BEEP! BEEP!

Dali dali akong pumunta sa may pinto ay nakita ang sasakyan ni David na pumapasok.

"Napapadalas ata ang ppagbisita ng mga kaibigan mo, iha." Lumingon ako at nakita ko si Manang na may dalang tray ng pagkain para sa bisita.

Ngumiti ako. "Opo."

"Parang hindi ka pumapasok ngayon sa trabaho?"

Lumapit ako at uminom ng juice. "Si Kent na po ang bahala dun. Hindi rin naman po nya pinapaalam sa akin ang mga nangyayari na ngayon sa kompanya."

Nangunot ang noo nito. "Bakit naman?"

Ngumiti ulit ako. "Hindi ko po alam e."

"Sinong namiss mo?" Sigaw ni David habang papasok sa pinto. Nakita naman nya si Manang. "Hi po manang, patambay po muna ulit dito."

Ngumiti naman si Manang. "Napapadalas nga ang pagbisita nyo kay Tara." Tumingin naman ito sa akin. "Tawagin mo lang ako iha kung may kailangan pa kayo."

Tumango naman ako. "Opo, manang." Nang makaalis ito, humarap naman ako kay David. "Nasaan si Ca?"

Nilapag nito ang mga dala nyang pagkain. "Ah, ako muna ang duty ngayon. May activity daw si Angel sa school, kailangang samahan ni Bianca."

"Ganun ba?" Umupo ako sa sofa at tumabi din sa akin si David. "Hoy, Vid. Gusto ko ng mangga."

Napatingin naman sa akin si David. "Ano yan? Start na ba ng paglilihi mo?"

Hinampas ko sya sa braso. "Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka ni Manang!"

Bumuntong hininga ito. "Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?"

Naningkit ang mata ko. "Nagsasawa ka na bang alagaan ako?" Nag-pout ako. "Mangga ko."

"Hindi noh. Feeling ko nga ako ang asawa mo." He chuckled. "Ang sarap sa feeling."

"Anong masarap sa feeling?"

He laughed. "Masarap sa feeling na hindi ko na kailangan pumunta sa labas para bumili ng mangga mo, baby." Pinisil nya ang tungki ng ilong ko. "May nadaanan akong fruit stand kanina, bumili ako ng prutas, may manggang kasama."

"Pagtalop mo ko. Tapos lagyan mo ng asin. Tas may sili din ha?"

He chuckled. "Grabe. Parang first stage pa lang ata yan ng paglilihi mo pero malala na."

"Dalian mo na, Vid. Naglalaway na ko."

"Nasan? Punasan natin. Baka naman dahil lng yan sa kamacho-han ko." He winked, tinulak ko na sya patayo. "Eto na po. Pupunta na ako sa kusina." Pagkatapos nun ay umalis na ito.

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Where stories live. Discover now