GLANCE

2 0 0
                                    


I don't really like body hugging dresses but I guess this sleeveless maroon one looks good on me. Medyo binaba ko pa ang laylayan dahil two inches above the knee ang dress na suot ko ngayon. And naco-conscious ako sa tingin na binibigay ng hosts ng party na 'to: Tita Alexa, Tito Kurt and one of their sons, Joziah.

This is a welcome party for the Villareal family dahil they're moving in sa tabi ng house namin. Everyone in our subdivision are invited, including 'yung crush ko na nakatira lang sa dulo ng street namin. Iisa lang ang table ng family namin at family ng hosts since mag-best friends si Tito Kurt at papa. Pero ang ironic lang kasi Tita Alexa and mama are actually enemies.

"Sino ulit 'yung crush mo, Keren? Si Troy ba 'yun?" Pang-aasar ni Kuya Zech habang nakain kami. Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.

"No, mama, he's just lying!" Pagde-deny ko kay mama na nakatingin saakin habang nararamdaman kong nag-iinit na ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kilig o dahil sa hiya. "Wala po akong crush!"

I hate you, kuya! Ang mga kapatid at ang nag-iisa kong kaibigang si Neriah, na pinsan ko rin, lang ang nakakaalam kung sino ang crush ko tapos sasabihin ni kuya kay mama?!

"Sana kung magkaka-crush ka ay mas guwapo naman sa amin!" Tumawa naman ang mga matatanda sa sinabi ni Kuya Zach.

"Paano ba 'yan, Zech at Zach, mukhang ako lang ang p'wedeng magustuhan ng kapatid niyo kung ganoon? Ako lang ang mas guwapo sa inyo eh." Napatingin ako bigla kay Joziah nang matalim.

Gago.

"Taas din ng confidence mo, ano?" Pabirong sinuntok ng mga kuya ko si Joziah sa braso.

He was still looking at me with his cute ass smirk. Inirapan ko naman siya at tumingin sa pagkain ko.


"EXCUSE me po," nagpaalam muna ako bago tumayo. Maliban kay Jacy, na five years old pa lang at kapatid ni Joziah, ay ako na ang bata sa mesang iyon. My siblings and Joziah were already interacting with others.

Magpupunta ako sa restroom para mag-retouch.

"Keren." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Joziah. Kahit iisang school lang kami at madalas ay napunta siya sa bahay namin dahil kabarkada siya nila kuya ay hindi kami nag-uusap.

Lumingon ako at tiningnan ng singkit kong mga mata ang mata niyang singkit din.

"Bakit?" Tanong ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nakaramdam ng pagkailang. I'm always like this. And I don't even know why.

   "Ayos ka lang?" Then he flashed me his cute asssmirk. "Mukha ka kasing iaantok," dagdag niya. Such a douche.

Inirapan ko lang siya. Simula bata kami ay 'yun lagi ang asar niya saakin. Mas singkit kasi ang mga mata ko kaysa kaniya kaya mukha raw akong inaantok at ako lang ang nakamana ng mata ni mama.

Naglakad na ako papasok ng restroom bago pa ako tumingin uli sa kaniya.

It's too difficult to look at him and not faint.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss of SecrecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon