Kabanata 1

10.9K 85 2
                                    

Nakatingin mula sa bintana ng kanyang kwarto si Lady Aspen Francisco. Malungkot ang mukha nito. Nakikita nya na maraming tao sa baba. Ngunit ayaw nyang lumabas dahil kahit na alam nyang sarili nilang bahay iyon, ay hindi naman sya welcome dito.

Kinakatakot din nyang ma-out of place dahil sa ang party na nagaganap ay para sa kuya nyang nakapasa sa Bar exam. At sa dahilang iyon, puro businessman at mga kasosyo ng mga magulang nya ang bisita. At wala syang kilala sa mga iyon.

"Miss Aspen, ayaw nyo pa ho bang bumaba?", tanong sa kanya ng katulong pagkatapos syang ayusan nito. Binaling nya ang tingin dito at tipid na ngumiti.

"Kung bababa ba ako, may makakapandsin ba sakin?", tanong nito sa katulong.

Agad naman itong tumango. "Sa ganda nyo, Miss Aspen, baka maraming magkagusto sayo sa baba."

Napangiwi sya sa narinig. Oo nga at maganda sya. She has the perfecg image. Pero, iyon lang naman ang meron sya.

Bumaba na ito, at hindi sya nagkamali sa inasahan. Wala ngang nakapansin sa kanya. Hinanap ng mata nya ang kanyang mga magulang. Madali naman nya itong nakita na nakikipag-usap sa ilang businessman. Lumapit sya dito at bumeso sa kanyang ina at ama.

"Oh. Is she your daughter, Mr. Francisco? What a beautiful young lady.", papuri sa kanya ng bisita. Matipid itong ngumiti at yumuko.

"Yes. She's Lady Aspen Francisco. Our second child.", matipid na sagot ng kanyang ama.

"Oh. Doon din ba sya nag-aaral sa Hogstown University?", tanong ulit ng bisita.

Natahimik sila ng ilang sandali. Napayuko nanaman sya dahil paniguradong mapapahiya sya sa kanyang sarili.

"Ah! James Samson, halika ka dito, anak.", pag-iiba ng kanyang ama. Mula sa pakikopag-usap sa ibang bisita ay lumapit ang kuya nyang Bar Exam Passer.

"Ladies and Gentlemen, James Samson Francisco. Ang panganay ko.", masayang pagpapakilala ng kanyang ama sa kanyang kuya.

"Ikaw pala iyon. Congratulations, nakapasa ka sa Bar Exam. Nakaka-pressure ba?", masayang bati ng isa ng matandang lalaki.

"Salamat ho. Medyo nakaka-pressure ho.", natatawang sagot nito.

"Alam nyo ba, sobrang proud na proud ako dito sa panganay ko. I know that someday, magiging malaki ang parte nya sa business world.", pagmamalaki ng ama nya.

"You are so lucky Mr. Francisco sa mga anak mo. You have a very smart kids.", aniya ng isang babae.

Bigla ay nakaramdam sya ng lungkot. Lagi nalang syang naa-out of place. Na para bang wala syang lugar dito.

Nagpasimple syang iwan ang grupong iyon pumupuri sa kuya nya. Pumunta sya sa garahe nila at nakita doon ang matapat na driver nila.

"Good evening po, Mang Senio. Pwede nyo ho akong ihatid kila Duval?", magalang nitong tanong sa matanda.

"O bakit hija? Hindi ka ba masaya sa party? Maraming pagkain doon.", komento ng kanilang driver.

Ngumiti lamang sya dito at sumakay na sa loob ng kotse.
Tahimik lamang sya buong byahe. Iniisip ang mga narinig kanina.

Swerte nga ba ang kanyang ama sa kanya? Kung lagi sya nitong pinagagalitan? At halos itago sa publiko.

"Andito na tayo, Miss Aspen. Hihintayin pa ba kita rito?", tanong ng driver niya.

"'Wag na ho, Mang Senio. Umuwi na ho kayo, magpapahatid nalang po ako kay Duval mamaya pauwi.", sagot nito saka bumaba sa kotse.

Pumasok sya sa gate ng townhouse ng bestfriend nya. Pagtapat sa pinto nito ay kumatok sya. Wala pa man ang pangalawang katok ay nabuksan na ang pinto.

"Hey, damsel in distress.", pang-aasar sa kanya ni Don Duval Lim. Ang kanyang bestfriend.

Pinapasok sya nito. At sabay silang sumalampak sa sofa nito.

"Hindi ko na itatanong kung bakit ganyan ang hitsura mo. Lagi naman eh.", sabi ni Duval sa kanya.

"Best, malas ba ako sa kanila?", malungkot na tanong nito.

Napatingin sa kanya ang bestfriend nya. Saglit na nag-isip. "Hindi naman ah. Porket ba hindi mo kasing talino ang kuya mo, malas ka kaagad? Bakit kasing talented mo ba ang kuya mo? Kaya ba nyang tumugtog ng iba't ibang instruments? Kaya nya bang magdesign ng bag, sapatos at mga damit tulad mo? Hindi naman ah. Hindi naman kasi pwede sa isang pamilya na magkakaparehas kayo ng interes. Mas maganda yung iba-iba."

Napangiti sya sa moral support na binibigay sa kanya ng kanyang bestfriend.

"Pero, maiba tayo. Nagawa mo na ba yung kashato mo?", tanong sa kanya nito.

"Tss. Hindi pa. Hindi ko pa nasisimulan. Ni ayaw ko ngang buklatin eh.", naiinis nyang sabi.

"Eh bukas na iche-check yun ni Sir. Tapos wala ka pang nasisimulan? Kahit isang voucher lang?", di makapaniwalang tanong nito sa kanya.

Umiling ito bilang sagot. "Ayoko nito, best. Ayokong maging accountant. Ayokong gumagawa ng trial balance. Ayoko sa adjusting. Ayaw ko din sa journalizing. Ayokong i-identify kung anong debit at credit sa problem. Gusto kong maging designer. Alam mo naman yun di ba?", nalulungkot na depensa nya.

Napa-buntong hininga ang kanyang bestfriend. "Pero, ito ang sabi ng papa mo."

"Sabi nya, eh pano naman yung gusto ko?"











"Ms. Francisco?", tawag sa kanya ng kanyang propesor.

"Sir?", nagtaas sya ng kamay.

"Come infront and show me your Kashato."

She sighed again. Tinignan nya na muna ang bestfriend nya, ngunit napailing nalang ito.

Lumakad na sya papunta sa harapan saka ipinakita ang blankong sheets sa propesor.

"Still not done yet?", tanong sa kanya ng kanyang batang propesor.

Yumuko sya saka umiling.

"Meet me at my office after the class, Ms. Francisco."



---------------------------------

Hi, readers. It's my first time writing a genre like this. Na may mature content. So please, support me. Vote and comment sana para alam ko kung may mararating ang story na to. :)
God bless.
-anghelnhick

Pass Or Fail (R-18)Where stories live. Discover now