Chapter 11: His Words

19 2 0
                                    

Chapter 11: His Words

Sophia's POV

Wala akong ganang pumasok bakit?dahil ngayong araw na'to umpisa na DAW ng panliligaw ni Taylor

Hindi ko alam kung totoo ba yun or nagjojoke lang sya,alin man dun hindi ko pa rin alam yung gagawin ko sa kanya

Kaya eto ako ngayon nakahiga pa rin sa kama at kanina pa tunog ng tunong tong alarm clock ko

"Susko! Ano ba yan!" Napakamot na lang ako sa ulo ko

*vibrate*

Wow naman! Sino naman yung nagtext ang aga aga!kinuha ko yung phone ko sa table

S-si Taylor lang naman yung nagtext a-at sabi sa text

From: Taylor

Good morning Reigne! Susunduin kita sa inyo sabay na tayong pumasok,kain ka ng marami. Malapit na ako sa inyo. Wait for me :)

What Im going to do?

Hindi ko na lang sya sinagot at tumayo na lang sa kama para makapagayos baka malate pa ko nito

Sa ayaw at sa gusto ko,kailangan kong pumasok, para to sa kinabukasan ko no! Kaya magaral din kayo ng mabuti

Nang maayos ko na yung hinagaan ko bumaba na ako actually nga nakakamiss yung presence ni kuya dito eh dalawa na nga lang kami ni mama dito sa bahay kasama si nanay madalas na kasing hindi nauwi dito si kuya sa sobrang busy sa school ang dami daw nilang activities,paperworks,projects lagi na nga syang stay in sa condo nya

Tuwing naririnig ko yung mga kwentong college halos tumiklop na ako eh kasi naman kung mahirap sa highschool mas mahirap sa college so tyagaan lang

Habang papunta ako sa dinning area may naririnig akong nagtatawanan

Naglalakad ako papunta ron sa nagtatawanan ng bigla kong nakasalubong si nanay

O-M-G! Eh sino yung nagtatawanan? Sino yung kausap ni mama sa dinning area kung nandito s-si nanay?

"N-nay"tawag ko sa kanya

"Reigne bakit?ay nako! Ikaw ha! Di mo man lang naikwento samin ng mama mo"hinampas pa ako ng mahina ni nanay,para syang nagda dalaga na kinikilig

"B-bakit ho?"sana mali yung kutob ko

"Hay nako! Pumunta ka na nga dun!at kumain ka na,kanina ka pa inaantay ng manliligaw mo"shocks! Wth! Pano nila na laman yun?

Hindi ko na sinagot si nanay at dali dali akong pumunta dun sa kanila

Nakita ko sila ni mama na naguusap at nagtatawanan

"Uy Reigne!"agad na mang tumayo si Taylor at lumapit sa akin

"Good morning"tapos ngumiti sya sakin yung ngiting hanggang noo,joke!

"Aga mo ha!"ningitian nya lang ako at hinila papunta kay mama

Nang makaupo na ako sa tabi ni taylor at sa harap namin si mama

"Ikaw anak ha! Hindi mo man lang sinabi sakin na may manliligaw ka na pala"sabay tawa,my gosh!hindi ko alam kung anong sasabihin ko,Lord!nakakahiya!

"Naku tita! kahapon ko lang po sinabi kay Reigne yung totoo kong nararamdaman eh"tumawa naman si mama at ako? Eto gulat na gulat pa din

"Reigne,pinapayagan mo na ba tong si Taylor na manligaw sayo?"seryosong nakatingin sa akin si mama ganun din si Taylor

Oo nga! Payag ba akong ligawan ako ni Taylor? Eh may mahal akong iba? Masasaktan ko lang sya,pano ko sasabihin yun sa kanya?

"A-anak"tawag sakin ni mama tumingin ako sa kanya at kay Taylor

Anong gagawin ko? Ngumiti ako kay Taylor dahil isa sya sa mga tunay kong kaibigan pero hanggang kaibigan lang talaga yung pagmamahal ko sa kanya wala ng magbabago dun

"T-Taylor"tumingin sya sakin at ngumiti-ngiting may lungkot

"Reigne,alam mo hindi naman kita agad tinatanung kung pwede na kitang maging girlfriend eh at hindi rin ako nagtatanong kung pwede kitang ligawan kasi mapa oo ka man or hindi,liligawan pa din kita at alam ko naman na siya pa din eh pero Reigne hinding hindi ako susuko sa pagmamahal ko sayo"tanging ngiti lang yung nasasagot ko sa kanya ang hirap ng ganito,ayoko syang saktan dahil kaibigan ko sya

"Tita,maraming salamat po kasi tanggap nyo po na liligawan ko po si Reigne"

"Naku Taylor! Walang anuman,basta ipangako mo lang sakin na wag mong sasaktan tong prinsesa namin"at tumawa na naman si mama

Tumingin sa akin si Taylor

"Opo tita hinding hindi ko po sya sasaktan at sisiguraduhin ko pong mahihigitan ko po yung pagmamahal na binigay ni James kay Reigne at ipaparamdam ko po sa anak nyo kung gaano ko sya kamahal ituturing ko po syang prinsesa"

Shocks! hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa kanya,ayoko namang gawin syang panakip butas at higit sa lahat ayokong masaktan ko sya

Kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya

Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kay mama

Sumakay na kami sa kotse ni Taylor meron syang sariling driver
Syempre wala pa kami sa legal age


sasabihin ko na sa kanya na yung totoo

Hinawakan ko yung kamay ni Taylor kaya napatingin sya sakin

"T-Taylor,may s-sabihin kasi ako sayo"

"Alam ko na yan Reigne" ha? Napalunok ako

"A-anong alam mo na?"seryoso syang nakatingin sakin samantalang ako nagtataka sa sinabi nya

"Na hindi mo ako kayang pagbigyan na mahalin ka kasi ayaw mong masaktan ako pero mali ka Reigne dahil hindi naman ako humihingi ng pagmamahal mo dahil alam ko naman na mahal mo pa rin si James pero Reigne hinding hindi ako susuko-papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal at sisiguraduhin kong mapapalitan ko si James dyan sa puso mo"

Seryoso si Taylor sa mga sinabi nya sakin

"P-pero Taylor,baka sa huli masaktan lang kita ayoko namang gawin kang panakip butas,mahal kita Taylor bilang kaibigan"

Ngumiti sakin si Taylor pero malungkot ito

"Reigne,hindi naman kita minamadali eh,ang gusto ko lang ipakita sayo na mahal na mahal kita"

"Pero Taylor--"

"Wag ka ng magreklamo,di ko naman sinabi sayo na mahalin mo din ako-sa ngayon"natawa naman ng mahina si Taylor

"Ang gusto ko lang ipakita sayo kung gaano kita kamahal pero titiyakin ko sayo Reigne na mamahalin mo din ako,higit pa sa kaibigan"

Ang hirap makahanap ng ganitong lalaki na handang mahalin ka kahit na alam mong masasaktan lang din sya sa huli

"Taylor"tawag ko ulit sa kanya kaya hinawakan ng dalawa nyang kamay yung pisingi ko

"Reigne naman! Ang kulit mo! Ilang beses ko bang uulitin? Mahal na mahal kita,kaya kahit na anong gawin mong kontra di ako titigil"ano ba sinasabi nito?

"Ok na sakin Taylor! Sasabihin ko lang naman na nandito na tayo sa school"

"Ah hehe ok,tara na?" Nauna syang bumaba sakin tas nagulat ako nung nilahad nya yung kamay nya sa harap ako

Gentleman kaya inabot ko rin yung kamay nya at ngumiti sa kanya

Pagkababa ko agad ko namang nakita si James sa di kalayuan at nakatingin sya samin-sakin

Author's Note:

Super short na update hehe sorry namemental block kasi ako btw basahin nyo din yung second story ko PAASA KA! thank you for the support and God bless

When It Comes...Where stories live. Discover now