Chapter 2:New Life New Friend

35 5 0
                                    

CHAPTER 2:New Life New Friend

Sophia's POV

*kriiiiiiiinnnnggg!!!

isang malakas na tunog yung narinig ko bumangon na ako sa kama ko

hudyat na yun na kailangan ko ng gumising para pumasok sa school

inaayos ko yung kama ko nung napatingin ako sa study table ko hanggang ngayon nandun pa pala yung mga pictures namin ni James

di ko namalayan na hawak hawak ko na yung photo album parang may kusa yung kamay ko

dito sa photo album na iyon

yun yung memories namin together

binuksan ko yung photo album namin sa unang page ito yung unang picture namin nung sinagot ko sya umiiyak nga ako nung kinuhanan kami ng picture dito eh tears of joy

second year kami nun nung sinagot ko sya

nilipat ko naman yung page sa dulo at naalala ko yung ito yung huli naming picture na kasama namin yung pamilya ko...legal kami sa kanya kanya naming parents

natawa bigla ako sa mga nakita kong pictures namin

"Ang saya saya pa natin dito James,pero yung totoo pala nun purong kasinungalingan lang pala"namumuo na naman yung tubig sa mata ko"Ito na yung last time na hahawakan ko yung photo album natin at ito na yung last time na iiyak ako ng dahil sayo...James yung mga alaala natin habang magkasama tayo..ibabaon ko at kakalimutan yun lahat lahat"

nilagay ko na yung photo album namin sa basurahan

"Thank you James sa lahat ng memories na binigay mo sakin kahit kasinungalingan lang lahat yun eh pinasaya mo ako at pinatapang,Good bye James" yun yung sinabi ko bago ako lumabas ng kwarto ko

"Ma!"tawag ko kay mama habang bumababa ako ng hagdan

"Anak!"sagot nya"Nasa kusina ako,gisingin mo na nga yung kuya mo"

"Ok po"agad naman akong pumanik para gisingin yung kuya ko magkatapat lang naman kami ng kwarto eh

"Kahit kelan talaga si kuya napakapasaway"nasa harap na ako ng kwarto nya

*tok tok to---

nagulat na lang ako at binuksan na nya agad yung pinto dati kapag ginigising sya ni mama ang tagal tagal nyang gumising at yung katok ni mama sa pintuan ng kwarto nya eh malakas gising na nga ako eh sya hindi pa

napaka tulog mantika yung kuya ko

"Ohhh....ang aga mo naman ata kuya maligo at wow ha! naka uniform ka na rin"nakasimangot lang sya sakin,hinawakan ko yung noo nya"Wala ka namang lagnat...Oh My God kuya...nasapian ka ba?lumayas ka sa loob ng kuya ko"pinagpapalo ko pa si kuya pero syempre mahina lang baka mamaya maging si hulk to

"Aish!! alis na nga dyan Reigne! malate pa tayo"natawa naman ako kay kuya sa asta nya"Anong nakakatawa?"

"Wala, tara na nga po"hinawakan ko si kuya at hinila pababa

nakakatawa nga si kuya nung hinihila ko pababa ng hagdan sumisigaw lang naman ng STOP IT! BAKA MALAGLAG TAYO! hahaha

"Naku yung mga anak ko oh..feeling bata pa eh katanda na"naka upo na kami sa lamesa habang si mama nagsasandok ng pagkain namin gusto kasi ni mama na sya yung maglalagay ng pagkain namin para madami daw

"Eh,si Reigne lang po yung isip bata!"pagdepensa ni kuya

"Gusto mo naman eh"sagot naman nagulat kami ng biglang tumawa ng malakas si mama

When It Comes...Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz