BESTFRIEND

46 2 0
                                        

"Bes, ano gagawin ko? Paulit ulit nalang. Di ko na kaya. 😭"

"Bes, nahuli ko na naman siya.😭"

"Bes, dito ka lang. Wag mo ko iwan, kailangan kita ngayon. 😭"

"Di ko na alam gagawin ko, palagi nalang niya ko sinasaktan. 😭"

Iilan lang yan sa palaging sinasabi mo sakin pag may problema kayo ng boyfriend mo.

At siyempre, ako si dakilang bestfriend mo na isang tawag lang punta na agad. Dadamayan ka sa sakit na nararamdaman mo. Mag-aadvice paulit-ulit at sasabihin niya,

"Susundin ko sinabi mo bes, salamat."

Pero pag okay na kayo,

"Bes, okay na kami. Nagsorry na sya sakin, di na daw niya uulitin.😊"

May kasunod pang,

"Pinatawad ko na. MAHAL KO TALAGA EH."

Alam ko naman eh. Di mo na kailangan ipangalandakan sakin.

Ilang beses ko na ba narinig yan? 20? 30? Di ko na mabilang. Kabisado ko na nga linya mo eh.

Pero ano magagawa ko? Bestfriend mo lang ako. Takbuhan mo pag nasasaktan/sinasaktan ka nya, taga punas ng luha mo pag umiiyak ka.

Minsan naisip ko.

Agawin nalang kaya kita sakanya?

Pero ayoko. Kasi kung magtagumpay man ako sa pag-agaw sayo, sino na magpupunas ng luha mo pag nasaktan kita? Wala.

Kaya okay na sakin to. Walang break-up. Dito lang may forever eh.

Okay lang na masaktan ako sa tuwing magkasama kayo. Para sa ikaliligaya mo. Tatanggapin ko.

Pero kung pagbibigyan ng pagkakataon na mapasakin ka. Mas aalagaan kita, papahalagahan. Di ko maipapangako di kita masasaktan pero kung mangyari man yun. Pangako, di ko yun sinasadya. Yayakapin nalang kita sa way na mararamdaman mong mahal talaga kita.

Pero hanggat di pa dumarating ang araw na yun, mananatili parin akong bestfriend mo. Nandito sa isang tabi, maghihintay na maalala mo ulit, tatawagin ang pangalan ko.

Patuloy na nagmamahal,
John Paul

BESTFRIENDWhere stories live. Discover now