Chapter 9: Project

71 2 1
                                    

CZERENA POV

sa room....

"Goodmorning, everyone." sabi ni maam hamee, yung music teacher namin.

"Goodmorning maam!!"

"Ieexplain ko ngayon yung gagawin niyong performance task sa music.. You will sing any song, but famous songs, by partners." sabi ni maam hamee.

"Czerena, partner tayo!" sabi agad ni kat. tumango naman ako sakanya.

"But, ako ang magpapartner sainyo, may ginawa na kong list ng partners!" sabi pa ni maam hamee. sayang naman.

"Okay maam!" sabi naman namin.

"Jestin Magalona and Christine Ferrer, kayo ang magpartner." sabi agad ni maam.

"MAAM?!" sabay pa si cj at jestin na napasigaw.

"May problema ba?" sabi ni maam. umiling nalang sila.

"next is Kateleen Lazaro and John Crisostomo." sabi ni maam, pero sa dalawa mukha namang walang problema, nagtinginan pa nga sila tas ngumiti sa isa't isa. ano ba meron sakanila? so sweet!

"Then Eunice Frederico and Ranz Perez." sabi ni maam, yun yung real couple sa room namin.

"Next is, Katrina Lazaro and Luke Garcia." naks naman si maam! nanadya ata si maam eh haha! tinignan ko sila, pero nagirapan naman sila sa isa't isa. aso't pusa talaga sila.

"then, Janella Bernardo and Clark Salvador." tinignan ko si janella, namumula naman siya.

"Tss, si janella pa kapartner ko." narinig ko si kuya kahit pabulong lang siya, tinignan ko siya ng masama.

"and lastly, tyler salamante and czerena salvador." what the heck?!

"Naks, si panget pa nakapartner ko!" sabi pa ni tyler, inirapan ko lang ulit siya.

"Okay, the presentation will be tomorrow, practice na kayo later okay? Goodbye, class." sabi ni maam, tas lumabas na siya ng room namin.

"Ano ba yan, ang dami namang pwedeng makapartner si Luke pa!" sabi ni kat.

"Psh.. ang arte kahit kailan." sabi naman ni Luke. naku, mag aaway nanaman sila eh.

"Ay guys, tama na yan! Di naman natin to ginusto to eh." sabi ni kuya.

"Aray." sabi ni jane, alam ko na kung bakit.

"Oh anyare?" sabi ni kuya sakanya.

"Wala, nakagat ko lang dila ko." alam ko palusot lang yun ni jane.

After ng 2 subjects, finally uwian na!!!

--

"Huy! Luke! Ano kakantahin natin?" sabi ni kat kay luke, habang inaayos yung gamit niya.

"I'll text you." sabi naman ni luke, ang cool niya tignan, mala james reid siya gumalaw ganun.

"Anong i'll text you?! eh wala ka ngang number ko eh diba!?" hahaha, si kat talaga ang taray. Lumapit naman sakanya si Luke as in sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. gosh, kinikilig ako sakanila.

"Meron, hiningi ko sa mama mo." pagkasabi niya nun, tinulak siya ni kat hahaha! iba talaga si kat.

"Ayieeeeee!!" napasigaw nalang kami lahat sakanila, ang cute nila tignan eh.

"By the way, tyler? tayo?" sabi ko, ngumisi naman siya sakin. ang pangit niya. hahaha!

"Ano ba yan, pangit. di pa nga kita nililigawan tayo na?" sabi niya with matching smirk pa. nakakasuka!!

"Naks naman!!" sumigaw naman ulit yung barkada.

"seryoso ko, tyler!! ano bang kakantahin natin tomorrow?!" beastmode na ko, nangaasar padin si tyler.

"Isip ka, tapos text mo ko." sabi niya tapos lumabas na siya ng room, argh!! eh wala nga akong number niya eh?! ay si kuya, hingin ko nalang later!

"Kate? pwede bang tayo na--" pagkasabi ni john nun napatingin kami lahat sakanila ni kate. "I mean, anong kakantahin natin?" sabi ni john, palusot.com hahaha! ano ba meron?! siguro nanliligaw siya kay kate? ay ewan ko? ayoko maghinala.

"Uhm, Secret Love Song ng Little Mix? sige na henry!! favorite ko yun eh!" sabi ni kate, tumango naman si john sakanya tapos nginitian pa siya neto. Naku! ingat ingat kate, may pagka womanizer si john ha.

"hoy monggi! anong kakantahin natin?" sabi ni cj, aba may callsign na sila ah! hahaha!!

"uhm, kakantahin ba?" sabi ni jestin, tinignan naman siya ni cj ng masama.

"Hindi Hindi! kakainin, ano kakainin natin?! sige na practice tayo ng kakainin!!!" sabi ni cj. mapangbara talaga siya! sobra!

"Psh! seryoso na ko ha!" sabi ni jestin, na mukhang seryoso na nga.

"Wow! Ikaw nagseryoso?! kelan pa?!" sabi pa ni cj, uy cj, umayos ka na, baka bumuga ng apoy tong si jestin.

"Ewan ko sayo, ang gulo mo kausap!" sabi ni jestin tas nag walkout na.

"Pa walkout walkout pa, bahala nga siya, wala naman akong pake kung may makanta kami o wala eh!" sabi ni cj, eto talaga oh.

"Cj talaga oh! baka bumaba nanaman grades mo nyan?" sabi ni kate.

"Sanay na ko, sus!" sabi ni cj tas nagpaalam na uuwi na daw siya.

"Ah.. eh... clark--" di na natapos yung sasabihin ni janella dahil pinangunahan na siya ni kuya.

"you and i by one direction yung kakantahin natin. k fine? bye. czerena let's go." sabi ni kuya, ang sungit naman neto! na broken heart siguro!

Nagpaalam na ko sa girls tas sumabay na ko kay kuya palabas.

"Kuya, ano bang problema mo? bat ba kasungit mo kay jane?" sabi ko, di naman ako pinansin ni kuya.

Pagsakay ko ng sasakyan, pilit kong huminahon, na beastmode ako kay kuya eh.

"Kuya, ano bang problema?" sabi ko, buti naman pinansin na ko ni kuya.

"Break na kami ni tiffany, ayaw niya daw ng LDR." sabi ni kuya, well, ate tiffany is the girlfriend of kuya, sobrang landi grabe, 2 months lang tuloy sila ni kuya.

"Kuya naman kasi, ang tagal ko na sinasabi na malandi yun eh." sabi ko, buti nakarating na kami sa bahay.

"Kuya, alam mo? malandi si ate tiffany!" sabi ko pa ulit, totoo naman ah?

"Shut up, czerena. just shut up!" sabi ni kuya, aray.

"Pero kuya malandi nga kasi si ate tiffany, bat di ka nalang kay jane--" sabi ko pa, nasigawan naman ako ni kuya.

"SHUT UP CZERENA!! JUST SHUT UP! OKAY?" sabi ni kuya, naiyak tuloy ako. first time ako sinigawan ni kuya eh. huhu!!!

pumasok nalang ako ng bahay, pero si kuya naiwan sa labas.

"Ate, bat ka umiiyak?" sabi agad ni niana sakin pag pasok ko.

"Wala to, niana. punta lang ako sa room ko ha?" sabi ko nalang, um-oo nalang siya.

dun nalang ako sa room ko umiyak.

Accidentally In a Relationship with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon