Sven Marcelo as ClariceJk88
Third Damon Mendez as BTS's RM
-- L y r e e n X o x o --
SVEN
"Hoy! Hoy, hudas ka, lumabas ka dyan sa loob! Ang lakas ng loob mong lokohin ang kapatid ko, animal ka! Muka ka namang bayawak, kingina na! Buksan mo 'tong pinto, pakyu! Oh, baka naman may babae ka dyan sa loob ng unit mo kaya ayaw mong buksan, pakshet ka! Hoy, ano ba?!" Sunod-sunod ang paghampas ko sa pintuan ng unit ng EX boyfriend ng kapatid ko.
Ang hudas na nakatira dito, matagal na palang niloloko ang kapatid ko! At ang kwento pa sakin, pinahiya pa daw nito ang kapatid ko sa harap ng maraming tao nang tangkain nito na kausapin siya. Aba't talaga namang dudurugin ko ang kaligayahan nitong hayop na 'to!
Umuwi pa ko galing ng Madrid dahil napag-alaman ko 'to. Hindi ako papayag na may kinakawawa sa pamilya ko, lalo pa't kaming dalawa nalang ni Sam ang natira.
"Ate! Tama na yan at--" Pinutol ko ang pang aawat sakin ng kapatid ko.
"Hindi, Sam! Hindi ko 'to palalabasin ng buhay dito, tandaan mo 'yan! Dapat sa mga katulad ng lalaking 'to, tinatapos ang buhay nang hindi na magloko pa! HOY, HUDAS KA, DI KA BA TALAGA LALABAS HA?!" Kinalabog ko nang kinalabog yung pintuan.
"Ate, hindi--"
"Hindi niya sinasadya?! Sinabi niya 'yon?! Aba't talaga naman 'tong sunog na 'to! Barilin ko kaya siya sa ulo tapos sabihin kong hindi ko sinasadya?! Hoy!" Hindi ako tumigil sa paghampas sa pinto kahit na masakit na yung mga palad ko. Napatigil nalang ako nang bumukas 'yon. Nagkukusot ng mata ang lalaking nagbukas ng pinto. Nagpamewang ako. Lagot sakin 'to!
"Hoy, gago! Buti naman at--"
Napatigil ako sa pagbulyaw ng magulat ako sa nakita ko. Maski man ang iritasyon sa muka ng taong kaharap ko ay nawala at nanlaki din ang mga mata niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko at sa tingin ko nga ay namumutla na ko ngayon.
Oh, Diyos ko, bakit siya 'to?!
Lumingon ako kay Sam.
"S-sam, siya ang boyfriend mo?! Teka.." Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Ate, hindi! Kanina pa nga kita pinapahinto dahil maling kwarto 'yang napuntahan mo, pero ayaw mong magpapigil dyan! Doon yun sa susunod na kwarto! Tignan mo tuloy at kung sino pa yung pinagtataguan mo ay siya pang nandyan sa harap mo." Natatawa na sagot ng kapatid ko. Teka, parang kagabi lang iniiyakan ako nito, ah?!
Pagharap ko sa lalaking nasa harapan ko, nakangising muka na nito ang naabutan ko.
Nako, hindi.. of all people, bakit siya pa ang kailangang makita ko?!
"My, my.. look who's in front of me. The woman that I've been searching for, for the passed 6 months, is now standing in front of me still looking so sinfully beautiful."
I bit my lower lip at dali-daling tumalikod nang mapaharap ulit ako dahil hinablot niya ko sa kanang braso papalapit sa kanya.
"Sam, mag-uusap lang kami ng Ate mo." Napatigil ako. Nako, hindi! Wag kang papayag, Sam. Ayoko! Ayoko!
"Oh, sige, Kuya Third. Enjoy kayo ni Ate." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Bwisit na bata 'to! Anong enjoy?!
Napakurap nalang ako ng magulat ako sa malakas na pagsara ng pinto. Napapikit ako ng isandal niya ko sa likod ng pinto, dumilat ako at sumalubong sa'kin ang kulay tsokolateng pares ng mga mata niya.
I flinched when I felt his left hand on the door beside my head and his right hand on my chin.
Nakatulala lang ako sa kanya when he started to trace my lower lip with his index finger. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko, sana lang ay hindi niya 'yon naririnig.
