"Hindi nya kasi ugali ang lumalapit sa babae maliban nalang kung may nagawa tayong kasalanan,Rein!"

Gusto kong mapahagalpak ng tawa.Kung kanina kasi ay kilig na kilig sya habang tinatanaw mula sa malayo si giant ngayon naman ay gusto na nyang lamunin sya ng lupa dahil sa takot.

"Run,Rein!"

Hindi ko napaghandaan ang paghila sa akin ni Minna para isama nya ako sa pagtakbo kaya muntik tuloy akong matumba.

"SWEETHEART,WHERE ARE YOU GOING?"

Kapwa napako sa semento ang mga paa namin ni Minna dahil sa lakas ng boses ni Klien.

"Sinong tinatawag nyang sweetheart?"

Pero hindi ko na nasagot ang tanong ni Minna dahil hawak na ako ni Klien sa aking braso at marahang ihinarap sa kanya.

The next thing he did?

Hinalikan nya ako sa aking pisngi!

Kahit hindi ko nakikita si Minna ngayon ay alam ko na kung ano ang naging ekspresyon ng kanyang mukha.Naramdaman ko pa nga ang kanyang pagsinghap.

"Let's go?" Malambing nyang pag-aya sa akin.

Hindi na ako nakapag-react nang marahan nya akong inakay papunta sa kanyang sasakyan.

Ni hindi ko na nga nalingon si Minna para magpaalam.Uulanin na naman ako ng mga tanong nito bukas.

"Giant,wait..paano yung motorbike ko?" Pigil ko sa kanya.

"Let my bodyguards handle it!now hope in..."

Sabay bukas nya ng passenger's seat para sa akin.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang sumakay?

Napalunok pa ako nang bigla syang yumuko sa harapan ko para ikabit ang seatbelt ko.

Oh man!nagiging abnormal na yata ang paghinga ko,promise!

"Breath!"

Napakurap-kurap pa ako nang magtama ang aming paningin.Naramdaman nya pala na pinipigilan ko ang aking paghinga?

Waaaaah!nakakahiya!!

Hinalikan muna nya ako sa aking pisngi bago sya pumunta sa driver's  seat.

Naramdaman ko na parang may mga pares na mata na nakatingin sa akin kaya marahan kong nilingon ang bintana ng kotse.

And there i saw Gio...

Napatutop ako sa aking bibig,ang dilim ng kanyang mukha at nababakas  doon ang tinitimpi nitong galit.

Oh my god!

Ngayon ko lang nakita ang ganoong emosyon na nakaguhit sa kanyang mukha.Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa sarili.

Pero bakit?

Wala na kami hindi ba?

Wala na ba akong karapatang maging masaya?

"Any problem sweetheart?you look tense..."

Tanong ni giant sa akin bago pinaandar ang sasakyan.

Napansin ko pa na may dalawang sasakyan na nauna at paglingon ko ay mayroon ding nakabuntot sa likuran namin.

"Bakit ang dami mo naman mga bodyguards?"Nakanguso kong tanong..pakiramdam ko kasi ay nakakasakal eh.

"For our safety.." Maikli nyang tugon.

"Grabe nasa kotse ka na nga kailangan mo pa ng bantay..samantalang ako ay ilang taon na laging sakay ng motorbike ay hindi naman ako napapahamak!"

When The Coldhearted Beast Awaken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon