Babaeng Palaban

131K 1.8K 40
                                    


Diannara Zhen Gutierrez

Ako nanaman ang nakita nila, Hay! Palibhasa anak mayaman ang mga babaeng lintang ito. lahat kasi ang mga gwapo o pangit na lalaki ay dinidikitan nila.

Papasok na ako ng school at naharangan ako ng mga mangaapi na iyon. May araw din sila sakin, kala nila ah?

Habang patuloy ako sa paglalakad nakasalubong ko naman ang isa pang panira mood of the day. Tss..

"Hoy! Dianne, bat ka puno nanaman ng putik at pasa Ha??? San mo yan nakuha?"

Wow! Concern ata siya ngayon.
Yan nga po pala ang Pinsang kong hilaw, ewan bat siya hilaw sakin...
Okay na din yun kaysa mga babaeng linta at alipores nung bruhang Cecilia na ubud ng plastik kanina. Porket anak ng may ari nitong University. Arghh!

"Wala to Mary, nahulog kasi ako sa punong inakyat ko kanina."

Alam niyo bat ako nagsinungaling?
Nako... hilaw kasi siya kunwari concern pero nasa loob ang kulo. Hay! Sana matapos na ang kamalasan ko ngayong araw.
Lagi kasi akong tinatarayan o di kaya naman inaaway nitong pinsan ko.

Nakikitira lang kasi ako sa kanila at kailangan kong pakisamahan ang moody niyang ugali na pabagobago sa bawat minuto.

"Nako, ikaw talaga Dianne medyo sinungaling na. Lagot ka kay nanay paguwi mong puno ka ng putik. Tsk..."

Well? Concern nga naman siya pero ayokong mapalapit sa kanya dahil nakakatakot ang mga kaibigan niya. Akalain mong membro siya ng Gangster dito sa lungsod, ayoko pang madedo no.

Iniwan kona don si Mary at naglakad na ako papasok ng klase ko, second year college nako ngayon ngunit di sa pagmamalaki ako ang nangunguna sa pinaka walang alam. Hahaha

Kainis dahil average lang ang talino ko, di gaya ni Pauline na top ranking sa lahat ng klase namin. Oo pala? San na kaya si Pauline? Late ata siya ngayon. Di pa naman yun nalilate sa klase namin. Tsk...

Dumaan mona ako sa CR para linisin ang putik sa katawan ko, palaban naman po ako pero sa sitwasyon kanina kailangan kong magpatalo kasi anak nitong may-ari ng school ang sumabunot at tinapunan ako ng putik. Napabuntong hininga na lang ako sa mukha kong puno ng putik. pinalitan kona din ang damit ko para malinis naman tingnan, buti may extra t-shirt akong dala. At ng palabas na ako sa CR ay bigla na lang may sumigaw...






"My loves....!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kong patakbo si Pauline at nakabuka pa ang kamay na nagbabadyang yayakapin ako.

Di nga ako nagkamali dahil halos matumba kami ng ipulupot niya ang kanyang paa sa bewang ko at hinahalikan pa ang aking pisngi.

Para kaming magsyota na ngayon lang nagkita ang peg. Tsk...

"Bumaba ka nga Pau, bigat mo eh! Tsaka bat sobra ata ang saya mo ngayon? Parang kahapon lang tayo Di nagkita."

"Wala lang dahil namiss kita agad. Bawal bang mamiss kita ha Dianne?"

Bumaba na siya sa pagkakapulupot sa katawan ko at parang bata na nakanguso ang labi na parang maiiyak na ano mang oras. Negarets talaga

Palibhasa nagiisang anak tong kaibigan ko, para naring kapatid ang turingan namin simula ng makilala namin ang isat-isa.

"Wag kang magpout dyan, para kang bata."

Ginulo ko ang kanyang buhok at kunwari namang nagliwanag ang paningin niya ng tawagin kong bata, alam niyo na... bata pa daw siya kaya siya ganyan kachildish. Lahat magagalit kung tinuksong bata. Pwes siya hindi yan nagagalit, masaya pa nga eh. Lokarets talaga.

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon