Chapter 1: Nerdy Girl

6.2K 181 20
                                    

JELSIE.

'What the fudge? Bakit kasama niya yung tatlo? Ang pangit niya ang nerd niya pa! Di siya magugustuhan ng tatlo!'

'Omg! Baka naman siya yung girlfriend ng isa jan?'

'No, ang pangit niya di siya magugustuhan ng jarred my loves ko!!'

'Oo nga di siya magugustuhan ni jairus ko!'

isa lang masasabi ko sa mga girls na yan, NAKAKATAWA sila. Hahahahahaha! Paghinalaan daw ba ako na girlfriend nila kuya? Porket kasabay ko pumasok sa school? Magkakamukha naman kami ah? Di ba halata na kapatid ko sila? Kaasar ha!

"Hoy! Nerdy! Bat kasama mo yung tatlo? Nilalandi mo?" sabi sakin nung isang babae, maganda siya, pero nakakatawa, paano ba naman may hawak pa na paper tas nakalagay, 'anakan mo ko jairus!!' Hahahaha! Ganun ba kagwapo kuya ko?

"Di ko sila nilalandi, kuya ko sila!" napasigaw na tuloy ako, ang ingay kasi ng mga tao, paano pinagkakaguluhan kuya ko, yung iba nakikipagselfie pa, artista lang ang peg? Nung napasigaw naman ako, natahimik silang lahat.

"KUYA MO SILA?!" sabay sabay pa nilang sabi.

"Oo, bakit? Magkamukha naman kami ah?" sabi ko, tumawa naman sila lahat, ano bang nakakatawa? Totoo naman ah? Magkamukha naman talaga kami nila kuya?

"Hahahahaha! Baka ampon siya girls!" sabi naman nung babaeng may hawak na banner na puro pictures ni kuya jacob. Tumawa nanaman sila lahat, nag walkout nalang ako sa lugar na yun, sila kuya naman kasi eh nakakainis, umalis agad dun, di tuloy ako napagtanggol.

Yun ang ayoko sa lahat yung lagi akong sasabihan na ampon. Pasalamat sila di talaga ako nakikipag away.

Nagpunta nalang muna ako sa library, magbabasa nalang ako ng mga books na favorite ko.

"Hi?" ay nakakagulat naman si ate oh. Pero infairness, ang ganda niya ha. Tska siya nag Hi sakin? First time ata may nag 'Hi' sakin eh. Pero baka mamaya magpapatulong lang siya sa mga kuya ko kaya ako kinakaibigan? tss.

Nginitian ko lang siya.

"Wag kang mag alala, di ako nakikipagkaibigan sayo para mapalapit sa mga kuya mo. Gusto kita maging kaibigan kasi una palang alam ko ng mabait ka talaga." Binabasa ba neto yung nasa isip ko? pero sana totoo.

"Totoo ba yan? Ikaw makikipagkaibigan sa nerd na katulad ko? Sigurado ko may kailangan ka!" sabi ko.

"Wala akong kailangan, gusto lang talaga kita maging bestfriend." Sabi niya, halatang di na siya nagbibiro.

"Okay sige. Bestfriends na tayo." Sabi ko tas nginitian ko siya, mukha naman kasi talaga siyang seryoso eh.

"Iam, Trixie Ferrer. 4th year highschool na ako. Uhm, actually di ko gusto mga kuya mo. Kaya kung iniisip mo din na baka kinaibigan kita kasi gusto kong mapalit sakanila, nagkakamali ka." Sabi niya tas nginitian niya din ako.

"Nung una, oo akala ko yun ang dahilan pero dahil sa sinabi mo, mukhang seryoso ka naman na hindi mo talaga gusto sila kuya." Sabi ko tas ngumiti ulit ako sakanya. "Iam Jelsie DelaVega" sabi ko, pagkasabi ko nun nagulat siya. Bakit kaya?

"DelaVega? Tita mo yung may ari ng school natin? Family Friend namin si tita janica." tita janica is my tita na may ari ng school.

"ah.. yes tita ko nga siya" sabi ko. Tas biglang nagbell na.

"Una na ko ate trixie. Bye! thankyou pala ha? ikaw magkakaroon ng kaibigan na panget? Parang di bagay." sabi ko, hinawakan naman niya yung balikat ko.

"Jelsie, maganda ka kaya. Ay sige bye na. Kita nalang tayo mamaya ah?" sabi niya, ang bait talaga niya. naiimagine ko lang, bagay sila ni kuya jacob hahaha! kung siya lang din liligawan ni kuya jacob, support ko pa siya! Hahaha!

My Brothers and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon