"Tangina mo."

Huminga ng malalim si Thunder. "I am asking you, Hunter. What happened?" bumalik ang kaseryosohan sa tinig ni Thunder habang patuloy ito sa pagmamaneho. Napansin na ni Hunter na sa bahay nila ang punta ng sasakyan ni Thunder. Mukhang hindi ito uuwi ngayon sa bahay nito at ni Einah.

"Naniniwala ka bang akin 'yung bata?" Hunter asked him instead of answering his question.

"Depende kapag lumabas na. Kung may sungay at buntot, iyo nga..."

Hindi napigilan ni Hunter isipin kung mapapatawad ba siya ni Einah kung sakaling mabiyuda ito bigla.

"The child's not mine. Mula nang ikinasal ako kay Zyline, pinutol ko na ang koneksyon ko sa mga babaeng hindi na dapat pa nasa buhay ko..."

"Then, why are you still seeing Tanya?" he asked him.

Sumandal si Hunter bago nilingon si Thunder.

"Because I owe her my life..."

Tumaas ang isang kilay ni Thunder sakanya dahil sa sinabi niya.

"Hunter..." untag ni Tanya sakanya kaya naman napamulat siya at pinagmasdan ang babaeng nakahiga pa rin sa kama. Nakausap na niya ang mga doctor nito tungkol sa kalagayan ng babae. Tanya's two months pregnant.

"How are you?" tanong niya sa babae. Gusto na niyang umuwi para makasama si Zyline pero hindi niya magawang iwan si Tanya. Wala naman ng ibang pamilya ang babae... at base sa nakitang takot ni Hunter nang sabihin niya kay Tanya na tinawagan na si Salvador para sabihing nasa ospital ito, alam na ni Hunter na may problema ang mag-asawa. Kilala ni Hunter si Tanya, isa ito sa pinakamatatag na taong nakilala niya. Mula pa man noon, hindi na nagpapakita ng kahinaan si Tanya... hindi lang talaga ito marunong makuntento.

Kanina pa niya tinatawagan si Zyline pero hindi niya ito macontact man lang. Umalis ito kasama si Bobbie. Gustuhin mang sumama ni Hunter, hindi niya basta kayang umalis nalang. She's still a friend from the past. Pero hindi naman ibig sabihin ng pananatili niya'y mahal niya pa ang babae. Mahal niya ang asawa niya.

"I'm fine... medyo sumasakit lang ang bandang dibdib ko..." napangiwing sabi ni Tanya bago nagpatulong na umayos ng upo.

"Hindi ka nila pwedeng bigyan ng gamot... buntis ka..." sabing muli ni Hunter sa babae.

Tinitigan naman siya ni Tanya bago napangiti ng malungkot. Dinala nito ang kamay sa tiyan at nagsalita. "Hindi alam ni Salvador ang tungkol sa bata..."

Kumunot ang noo ni Hunter sa sinabi ng babaeng kaharap. "Hindi niya alam? What do you mean, Tanya?" he asked her again.

"Hindi si Salvador ang tatay ng bata, Hunter..." halos walang boses na sagot ni Tanya sakanya.

"What?" he asked her. Mas kumunot pa ang noo ni Hunter dahil sa naging sagot sakanya ni Tanya.

"Narinig mo ako. Hindi si Salvador ang tatay ng bata kaya hindi niya pwedeng malaman na buntis ako..." nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ni Tanya habang nakayuko.

"Tanya..."

"Hindi niya pwedeng malaman kasi papatayin niya ako, Hunter..." humagulgol si Tanya kaya naman walang ibang nagawa si Hunter kung hindi hawakan ang balikat ng babae.

"What's wrong? What happened?" hindi itinago ang pag-aalala sa babae. Hindi ugali ni Tanya ang umiyak ng ganoon dahil lang sa simpleng bagay.

"You should leave. Mas magandang umalis ka na, Hunter," sagot ni Tanya sakanya sa halip na sagutin ang tanong niya dito.

"Just answer my question. What happened? Sinong tatay ng bata?" tanong niyang muli dito. Natural na isipin ni Hunter ang kalagayan ni Tanya. Kahit papaano'y may pinagsamahan sila. Pangit man iyon, pinagsamahan pa din nilang dalawa iyon.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now