Chapter 48

401K 9K 1.1K
                                    

Facebook group: Vampiremims Stories

--

Nagising si Zyline nang makaamoy ng mabangong aroma ng kape na bumabalot sa kwartong inookupa niya, maging ang amoy ng pagkain ay tila ginigising siya mula sa pagkakatulog. Sinubukang ipikit pa ni Zyline ang mga mata at piliting matulog pa ngunit kumakalam na din ang sikmura niya.

Nagmulat siya ng mata at ang liwanag na nanggagaling sa bintana ang agad na bumungad sakanya. Hindi niya alam kung anong oras na ngunit sa palagay ni Zyline ay tanghali na.

"Good morning, asawa ko..."

Napalingon si Zyline sa nagsalita. Nakatayo si Hunter sa may paanan ng kamang hinihigaan niya at nakangiti sakanya habang pinagmamasdan siya. Hindi siya nagsalita.

Pinagmasdan niya si Hunter na nakaputing sando at shorts lamang ngunit tila napaka presko ng itsura nito. Maaliwalas din ang pagkakangiti ni Hunter sakanya.

Bumangon si Zyline at naupo sa kama. "What are you doing here?" tanong niya sa lalaki matapos bahagyang suklayin ang buhok gamit ang mga daliri.

"Just serving my wife..." nakangiting sabi ni Hunter bago kinuha ang tray kung saan naroon ang pagkain na halatang bagong luto pa base sa usok na nanggagaling doon. May kape rin kagaya ng nasa isip ni Zyline na naaamoy niya kanina na mukhang mainit pa.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Hunter..." sagot ni Zyline pero di naman niya maiwasang matakam sa hotdog na nasa plato. Ganoon na ba ang kagustuhan niyang kumain ng hotdog?

"Hindi, pero gusto ko. Hayaan mo nalang akong bumawi sa'yo, Zyline..." sagot ni Hunter sakanya na nakangiti pa din. "Gusto mong subuan kita?" malambing na tanong nito sakanya bago inabot ang kutsara at tinidor na naroon.

"Ako na. Kaya ko naman," tanggi niya dito. Nakatingin siya sa kape na naroon. Bihirang magkape si Zyline sa umaga. Laging gatas ang iniinom niya ngunit naisip nalang niyang baka hindi alam ni Hunter iyon. Baka hindi nito napapansin noong magkasama pa sila sa bahay.

"Kape talaga ang ginawa ko para sa'yo..." ani Hunter na tila nababasa ang nasa isip niya. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Katulad kanina, nakangiti pa din si Hunter.

"Hindi ako madalas magkape sa--"

"I know, my wife. Hindi ka nagkakape sa umaga. You want milk. A warm one. Bihira ka ding maglagay ng garlic sa fried rice. Hindi ka gumagamit ng catsup when eating those foods..." itinuro nito ang hotdog, itlog at bacon na nasa plato, "because you hate it when your plate is messy," Hunter said while he's smiling.

"Every morning, you'll kiss me first before checking the twins. After that, you'll come back to our room to check if I'm still sleeping. Then you'll go down to cook our breakfast. Tapos babalikan mo ako para gising ay aayusin mo ang isusuot ko sa opisina..."

Nakatingin lang siya kay Hunter habang nagsasalita ito. Ni hindi niya alam na alam nito ang routine niya araw-araw... kung ano ang ginagawa niya.

"Ayaw mo na may kaunting lukot man lang sa damit ko. Iniisip mo na baka isipin ni Thunder, we made out before I went to the office... kaya tuwing pagkalabas ko nalang kita hinahalikan... and sometimes--well, most of the times... we end up doing more..."

"What are you saying those things, Hunter?" Tanong ni Zyline sa lalaki.

Hunter heaved a sigh before looking at her face. "Para makita mong walang ibang babaeng umaagaw ng atensyon ko. It's all yours, Zyline. Na sa'yo lang lahat.

Hindi siya nagsalita. Maging si Hunter ay di din kumibo ng ilang sandali ngunit ngumiti din at tinignan siya. "About the milk..." he grinned.

Tumaas ang kilay ni Zyline dito. Tila alam na niya ang tumatakbo sa isip ng lalaking kaharap niya.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now