Imposible

25 4 7
                                    

Imposible | Short Story
By: klutz30

Heto ako ngayon, naghahagilap ng mga litrato mo. Mapa-facebook man, twitter, at kahit sa instagram. Kahit anong anggulo napakagwapo mo. Ang katawan mong hulmang-hulma, grabe pinagpala talaga napakasexy. Siguro akala ng iba minamahal kita/namin, dahil lang sa kagwapuhang taglay mo. Maaaring oo, pero mali sila.

Naalala ko noong una kong napakinggan ang kanta ninyo. Alam mo bang dati ayaw na ayaw ko sa mga ganung klaseng kanta? Pero ngayon naiintindihan ko na ang aking mga kaibigan, kung bakit baliw na baliw sila sa mga ganito. Hindi ko man maibigkas ng tama ang mga liriko, damang dama ko naman ang mensaheng pinaparating nito. Talento, talento ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa iyo.

Habang pinapanuod ko ang mga dance practices nyo, grabe ang astig. Kahit wala akong alam sa pagsasayaw, napapaindak ako. Daang-daang swag ang taglay nyo. Lalo ka na. Mayroon ngang isang video kung saan sa'yo lamang nakapokus ang camera. Sa loob ng ilang segundo, nakita ko ang personalidad mo. May hot, may kengkoy at may mala anghel na dating.

Akala ko sa simpleng pagngiti mo lang o minsan kahit seryosong mukha, gwapo ka na. Narealize kong mas gwapo ka pa pala kapag nagm-make face ka. Hindi mo alam kung ilang kilong kilig ang ipinadadaloy mo sa katawan ko sa tuwing tumatawa ka. Buong buo ang araw ko kapag nanunuod ako ng mga funny moments mo. Kahit ang kakulitan mo, pinapatibok ang puso ko.

Ang saya-saya ko sa tuwing sinasabihan mo ako ng "I love you". Ay hindi lang pala ako, milyon pala kami na minamahal at pinasasalamatan mo. Ang sakit. Ire-rephrase ko yung sa kanta na cinover mo

I'm just a spec of dust within your galaxy.

Oa? Siguro, pero iyan ang totoo. Milyon milyon kaming sumusuporta sayo, at isa lang akong tuldok sa sansinukuban mo. Maliit. Maliit ang tsansang mapansin ako.

Naalala ko yung nabasa ko sa isang page.

Nakakarelate ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakakarelate ako. Ang turing ko na kasi sa iyo'y boyfriend, kung minsan pa nga asawa. Baliw na ako e. Baliw na baliw sayo.

Yung tipong iniimagine kong
sa
Milyong milyong sumosuporta sa iyo, ako ang pinakanapansin mo. Ako ang nagwaging makakuha ng atensyon mo. Makikita kita ng personal, malalapitan, mahahagkan o di kaya'y mahahalikan. Makukuha ko ang iyong pagmamahal, hindi lang bilang isang fan kundi isang dalagang nagpapabilis ng tibok ng iyong puso. Maibabalik mo ang pagmamahal na inialay ko sayo mula umpisa. Maaangkin ang malambot mong mga labi.

Ano ang ending? Masasampal ako ni realidad. Ipapamukha nya saking IMPOSIBLE. Ni wala pa ako sa kalingkingan ng split ends ng celebrity crush mo tapos ganun na ako makapagimagine. IMPOSIBLE sapagkat ni wala nga akong sapat na pera makapunta ng concert mo. IMPOSIBLE dahil semento lang ako ng first floor habang ikaw, bubong sa pinakamataas na palapag.

IMPOSIBLE kasi sino ba naman ako diba? Isang hamak na teenager lang. Teenager na nagkakandarapa sa isang malaPrinsipeng katulad mo. Oo fan mo lang ako, at hanggang doon na nga lang siguro ako.

Pero alam mo yung naituro mo sa akin bilang iniidolo ko? Na HINDI IMPOSIBLE na makamit ang pangarap mo sa buhay. Katulad mo, dati pangarap mo lang maging isang sikat na singer at ngayon eto ka, tinitingala na. Ipinarating mong magpatuloy lang akong mangarap; mangarap para sa kinabukasan hindi lang mangarap na makitang personal o ano. Ipinararating mong kailangan magtyaga ako upang matupad ang mga pangarap ko, kasi ikaw natupad mo sa pamamagitan ng pagpupurisigi at tyaga.

Kung ika'y langit at ako ang lupa, hindi man kita maabot ako pa rin ay nagpapasalamat. Maraming salamat dahil ika'y nagsisilbing inspirasyon ko.

At napagtanto ko rin mula sa iyo, na wala. Walang imposible. Kung paghihirapan mo ang isang bagay at magt-tiwalang balang araw ang lahat ng imposible ay maaaring maging posible.

end☆

ImposibleWhere stories live. Discover now