XIX : Believe me, he's evil

Start from the beginning
                                    


"Kung totoong nandito ang mga kinatatakutan natin, anong sayo?" Biglang tanong ni Pinky sakin kaya ngumiti na lamang ako.


"Fear of not knowing anything." Tahasan kong pag-amin agad, "It happens a lot so I'm used to it."


"Lalim." Narinig kong nangantyaw si Shem na nasa likuran namin.


"Ikaw Church anong—" Hindi ko na napagpatuloy pa ang sinasabi ko nang bigla na lamang mahinto sina Raze at Axel sa paglalakad. Sa sobrang kaba namin ay agad kaming nahinto sa kinatatayuan at naghilahan palapit sa isa't-isa.


"Why did we stop?" Napatanong ako kay Raze pero imbes na sumagot ay itinaas lamang niya ang kanyang kamay at itinuro ang dulo ng kalsadang nilalakaran namin, hindi kalayuan sa mismong kinatatayuan namin.


"What the hell?!" Narinig kong napabulalas si Shem and I can't blame him. What the hell nga naman talaga.



Agad nawala ang taranta namin at napalitan ito ng sobrang pagtataka at kalituhan. Sa dulo kasi ng kalsadang dinadaanan namin ay isang Brown Bear Mascot, nakasuot ng white shirt na may blue sleeves at may dala pang baso na puno ng gatas—Mascot ng Bear Brand Milk to be exact!



"Uhm... What is a Bear Brand Mascot doing here?" Kunot-noo akong napabulalas.


"Wait is he waving at us? Oh my God! He's waving at us! Ang cute!" Sigaw ni Mira nang makitang kinakawayan kami ng nakangiting mascot at agad niya itong kinawayan pabalik. Damn it, I'd have to admit, the mascot's really cute.


In an instant, our fears were gone. Lahat nga ata siguro kami nagsibuntong-hininga at kung kanina ay halos magkakadikit na kami sa takot, ngayo'y palagay na kami't hindi na natataranta. Even Pinky's waving at the Bear Brand Mascot.


Nagpatuloy sa paglalakad sina Axel at Raze kaya nagpatuloy narin kami. The Mascot looks harmless pero halatang naging maingat parin sina Axel at Raze sa mga kilos nila. Nang malapit na naming madaanan ang mascot ay nagtaka kami nang bigla na lamang magsalita si Shem.


"Problema mo Churchill?" Dahil sa narinig mula kay Shem kaya otomatiko kaming napalingon sa kanilang dalawa ni Churchill na nasa likuran namin. Nagulat kami at naguluhan lalo na nang makita namin si Church—Nakapako sa kinatatayuan na animo'y hindi makagalaw habang nakatingin sa direksyon ng mascot. Churchill's mouth and eyes are wide open and all I can read in his reaction is fear and disgust.


"Teka! Sa Mascot ka Takot?!" Biglang bulalas ni Shem nang mapansin rin niya ang napansin ko. Sa hindi inaasahan ay bigla na lamang nagtawanan sina Mira at Pinky kaya kahit kami nila Raze ay nagtawanan nadin.


"Oh come on, it's just a mascot! A fluffy adorable Mascot!" Giit ni Pinky at lumapit sa direksyon ng mascot kasama ang tawang nang tawang si Mira.


"'Wag masyadong malapit!" Sita sa kanila ni Axel dahilan para manatili silang dalawa ilang hakbang lamang mula sa mascot.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now