Prologue

112 8 0
                                        




                  

Bakit siya lumayo?

Bakit siya umalis?

 

Bakit niya ako iniwan sa ere?

 

Ganyan ang palaging tinatanong ni Ezekeil sa kanyang sarili. Palagi niyang inuulit-ulit na alalahanin ang lahat ng nangyari bago mawala ang pinakamamahal niyang babae. Wala naman siyang ginawang masama o bagay na maaring naging dahilan ng kanyang pag-iwan. Nawala lamang ito na parang bula. Ni hindi nga ito nakapag-paalam ng maayos sa kanya.

 

Pagkatapos ng insedenteng iyon, hindi na nagparamdam ang babaeng mahal na mahal niya simula palang pagkabata. At oo, itinuturi niya itong insedente; ang kanyang paglayo, ang kanyang pag-iwan, ang pagpasok ni Ayana sa buhay niya, ang pagkakilala nila sa isa't-isa. Itinuturi niya itong insedente at hindi na dapat pa nangyari.

Dati (One Shot)Stories to obsess over. Discover now