Bar

175 19 14
                                    

"Bakit ka ba nanghihila?" Agad na ipiniksi ni Kim ang brasong hawak-hawak ko. Napapalunok pa ako habang mabilis na pinunasan ang pawis sa aking noo.

"Hi-hindi mo ba nakita? Nakalutang ang mga paa ng kabataang nagsasayaw sa loob! Mga patay na sila!" halos maiyak na ako lalo na nang makilala ko ang bar na aming pinasukan.

Ito iyong nasunog kahapon lang! Bakit ba hindi ko napansin kaninang pumasok kami?

Balewala namang ngumiti nang tipid si Kim. Nakahalukipkip at parang hindi apektado sa mga sinabi ko.

"Leah, narito rin tayo kahapon."

At mabilis na itong pumasok sa loob, iniwan akong tulala.


*100 words*

***winner at Pag Ong 100 words contest 2016***

One Track Mind:
Bar
© jhavril 2016

One Track Mind - Poems And Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon