SANA

185 19 7
                                    

Napangiti ako nang mapadaan sa paborito nating bakeshop. Walang pagdadalawang-isip na pumasok ako rito. Pagkatapos ilabas ang aking huling pera sa wallet, walang panghihinayang na binili ko ang iyong paborito. Siyempre pa, makita ko lang ang kasiyahan sa mukha mo, masaya na ako.

Sabik na akong makita ka, kaya agad kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Kabisado ko ang numero mo kaya hindi na kailangan hanapin pa. Inayos ko pa ang aking buhok at parang ewan na nakangiti sa salaming pinto ng bakeshop habang nag-aantay nang sagot sa 'yo sa kabilang linya.

Heto na...

"Asaan ka? Kita tayo may ibibigay ako." Alam kong matutuwa ka kapag nalaman mong binili ko ang paborito mong cake.

"Ngayon na?" Ang sarap talagang pakinggan ng boses mo. Ngayong araw ring ito aamin na ako, mahal na mahal kasi kita.

"Oo, sana." Kasabay pa nito ang panalangin na sana, pareho rin tayo nang nararamdaman. Sana.

"Hindi puwede, Jenny. First date namin ni Kyle, sinagot ko na pala siya, kagabi lang."

Sabay na bumagsak ang luha ko at ang cake na para sana sa 'yo.


*190 words*

One Track Mind:
Sana
 © jhavril 2016   

One Track Mind - Poems And Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon