XVII : Not so lucky

Start from the beginning
                                    


"Shem!!!" Magkasabay kaming nagsigawan ni Churchill, takot man kami ay hindi parin namin mapigilang matuwa nang makita siya kaya muli naming binilisan ang pagtakbo upang salubungin siya. Nakita kong iwinawagay ni Shem ang kamay niya kaya winagayway ko rin ang akin kahit pa pumapatak ang dugo mula rito.


"Takbo!!!" Biglang sumigaw si Shem ng ubod ng lakas, nanlalaki ang mga mata at ngayon ko lang napagtanto ang ibig sabihin ng galaw ng mga kamay niya, iwinawasiwas niya ito na para bang sinasabing bumalik kami sa dinadaanan.


Sa isang iglap ay bigla naming nakita ang dahilan kung bakit tumatakbo at takot na takot na si Shem. Nakita namin ang napakalaking rason na siyang humahabol sa kanya; Malaking lalakeng may mahabang buhok, gula-gulanit at duguan ang hitsura at higit sa lahat mistula itong determinadong saktan at maabutan si Shem.


Nakilala ko nga ang tili ni Shem pero nakalimutan ko naman ang laging rason kung bakit siya napapatili ng ganito—si Mang Boris, skunk version ni Mang Boris.


Kahit kami ni Churchill ay napatili nang makita ang skunk na si Mang Boris. Sa sobrang takot namin ay agad kaming napaikot at mas lalo pang kumaripas ng takbo. Kung kanina ay tumatakbo kami upang sumalubong kay Shem, ngayo'y gaya niya ay tumitili narin kami habang tumatakbo palayo.


Hindi kami magkanda-ugaga sa pagkaripas ng takbo. Alam namin kung ano ang mararanasan oras na maabutan man kami ni Mang Boris kaya kahit hirap na hirap na ay hindi kami tumitigil.


"Shit! Shit! Shit!" Narinig ko ang pagsigaw ni Shem at nagulat ako nang makitang magkakatabi na kami sa pagtakbo kahit pa nasa likuran lang siya namin kanina. Halos malaglag na ang kulay yellow niyang helmet pero hinahawakan niya ito na para bang parte na ito ng kanyang buhay.


"Dito!" Biglang sigaw ni Churchill at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumigil sa pagtakbo at nilapitan ang pader kung saan naroroon ang isang panel na gawa sa bakal. Mabilis niya itong iniangat at mas lalo pa akong nagulat nang bigla na lamang siyang lumusot at tumalon sa loob. Sa sobrang desperasyon, ni hindi na ako nag-isip pa at gumaya ko sa kanya.


Matapos pumasok sa butas ay agad akong nalaglag dahilan para lalo pa akong mapatili. Napakadilim ng paligid, para akong nasa isang tunnel ng water slide kaya pumikit na lamang ako hanggang sa maramdaman kong bumagsak ako sa mga malalambot na telang pinagpatong-patong. Pero kahit malambot ang pinagbagsakan ko, masakit parin ang katawan ko.


"Shit! Buti di mo ako nalandingan!" Narinig kong sambit ni Churchill na nakadapa sa tabi ko. Hahanapin ko sana si Shem ngunit bago pa man ako makapag-organisa ng salita ay bigla kong narinig ang sigaw ni Shem at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko agad ang malapad niyang likod na papunta na sa mismong direksyon ko.


Tanging sigaw na lamang ang nagawa ko dahil sa labis na sakit. Ni minsan hindi ko pa naranasang masuntok o masikmuraan pero dahil sa pagbagsak ni Shem sa akin ay parang naranasan ko na ang lahat ng klase ng bugbog ng sabay sabay. The pain is even worse than when Boris and demonic ghost Cielo threw me on the wall.


"Yes! Buhay pa ako!" Narinig kong sumigaw si Shem na para bang tuwang-tuwa. Hindi niya siguro alam na nadadaganan na niya ako.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now