"A-adam..." I touched his face. I was crying again. Hinagkan ko siya sa pisngi at saka humilig sa dibdib niya. Kaawa-awa ang hitsura ni Adam, para siyang binugbog ng sampung katao. Nakahilig pa rin ako sa dibdib niya nang biglang bumukas ang pinto. Tumayo ako at saka pinahid ang mga luha ko.

"Ma'am, kamag-anak niya ba kayo?" Tanong sa akin noong nurse. I nodded. Ngumiti siya. "Ito po iyong mga gamit niya." Inilapag niya ang mga damit ni Adam sa dulo ng kama nito. Magpapasalamat na sana ako nang bumaling siya sa akin at saka inilahad ang palad niya. Napatingin ako doon.

"Sa kanya din po ito. Kipkip niya ito sa kamay niya nang dalhin siya dito."

Napaawang ang labi ko. Nasa palad ng nurse ang singsing na ibinigay niya sa akin anim na taon na ang nakalipas. Kinuha ko iyon. Nagpasalamat ako sa nurse at nang umalis na siya ay saka ko binalingan si Adam. May ideyang nabubuo sa utak ko pero ayokong pakaisipin masyado, ayong mag-assume, pero alam kong may posibilidad. Knowing him, I know that it's possible.

Tahimik akong umupo sa silya sa tabi ng kama at magdamag siyang pinagmasdan. Ayaw tumigil ng luha ko. Kahit na alam kong okay na siya ay nag-aalala pa rin ako.

"Adam, gumising ka na..." Bulong ko sa kanya.

--------------------

Nagising ako kinabukasan dahil naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Nagmulat ako ng mga mata. I was a bit disoriented. Nagtataka pa ako kung nasaan ako but when I remembered where I was and what happened to Adam agad akong tumayo para tingnan siya. Gising na siya, nakangiti siya sa akin.

"Akala ko patay na ako. Nakita kasi kita." Anas niya. Pinigil kong umiyak.

"Bakit, akala mo nasa impyerno ka na dahil nakita mo ako?" Hindi naman ako galit nang sabihin ko iyon. I was actually happy kasi gising na siya.

"Langit kapag nandyan ka, Aura." He gave me a weak smile. A tear rolled down from my eyes. Ang tagal kong hinintay iyong pagkakataon na hindi na siya magsasalita ng masasakit sa akin at ngayon na nangyayari naman, hindi ako makapaniwala.

"I-ikaw talaga." Sabi ko na lang. "May gusto ka ba? Nauuhaw ka ba?" Tanong ko.

"T-tubig lang." Sabi niya sa akin. Tumalikod ako agad. Binuksan ko ang personal ref na naroon at kumuha ng isang bote ng tubig. Binuksan ko iyon at saka itinapat sa bibig niya para makainom siya. Halos naubos niya ang kalahati noon.

"Salamat." Muli siyang ngumiti. Inilapag ko ang bote sa bedside table at saka hinarap siya.

"Gusto mo itaas ko pa iyong kama?" Tanong ko sa kanya.

"O-okay na, inayos na noong nurse kanina." Sabi niya. Ibig sabihin kanina pa siya gising, bakit hindi niya ako tinawag?

"O-okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na hawakan ang mukha niyang puno ng pasa. "A-ano bang nangyari? Sinong gumawa nito?" Nanginginig ang boses ko.

"Hindi ko alam, pero magpapasalamat ako sa kanila dahil nandito ka ngayon." Sabi niya. Halos hindi na niya maibukas ang kaliwang mata niya tapos sasabihin niya iyon sa akin? Ano bang iniisip ng lalaking ito? Mukhang hindi man lang siya natakot na muntik na siyang mamatay!

"Halos mamatay ka tapos ako pa rin ang iniisip mo." Bulong ko.

"Patawarin mo na ako. Umuwi ka na sa akin." Wika pa niya. I bit my lower lip. Really? He's saying that right now habang kahabag-habag ang hitsura niya. Bugbog sarado na, nanliligaw pa rin. I tried hiding my smile.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon