"Sarado naman ang cervix at wala akong nakikitang problema. Let's see kung okay ang lagay ni baby"


Maya maya lang may hinihila ng ultrasound machine ang Doctor patungo sa kinahihigan ni Jade. "Last time na nag ultrasound tayo almost 3 months pa lang ang baby mo." May ipinahid itong gel sa namamagang tiyan ni Jade at sinimulang i-ultrasound iyon. "Whoa, ang likot ng baby mo ah. Langoy sya ng langoy hindi ko sya mahuli."


Narinig kong mahinang tumawa si Jade habang pinagmamasdan ang baby sa monitor. This is the first time she made such a gentle expression since we... yeah - broke up.


Hindi ko napigilan ang sariling ma-curious kaya lumapit ako sa monitor. 2D ultrasound iyon kaya black and white ang makikita. The image doesnt makes any sense to me para lang itong mga ulap.


"Sumasakit ba ang side na ito?" tanong ng Doctor. Tumango si Jade bilang sagot. "Dahil 25 weeks na si Baby madalas mararamdaman mo ang pagsakit ng iyong likod at tagiliran – Oh Rock n Roll!" may pinindot ito sa machine at nag stop ang pag-galaw ng mga ulap sa monitor.


Tawa ng tawa si Jade at naka-rock n roll signed naman ang kanang kamay ng Doctor.


I DONT GET IT! Why are they laughing? Is this a private joke?!! Itinagilid ko ang ulo sa gawing kanan –NOTHING! I turn my head to the other side and -


Ewan pero nakaramdam ako ng tadyak sa sikmura . Hindi ko alam na naiiyak ako pero sobrang laki ng ngiti ko habang nakatingin sa monitor . Now I see it! Our baby...


Those tiny little fingers! Katulad ng ginagawa ng Doctor naka-formed din ang mga daliri nito like a rocker. From what I remember may other meaning pa ang signed na iyon eh I think it's 'I love you'?


Na para bang the baby is sending us a message na 'he's doing well inside' 'he feels okay' 'nothing to worry about'.


Posible bang mangyari iyon? Akala ko noon natutulog lang ang baby sa loob ng sinapupunan pero ngayon habang nakatingin ako sa kanya I feel refreshed. Gumaan ang pakiramdam ko na para bang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan.


Until now I still cant belive that there's a living part of me inside her.


Linunok ko ang nakabarang bikig sa lalamunan "C-Can I get a souvenir? Pwede ba akong makakuha ng picture nito Doc?"


Hindi ko na napansin na nagbago ang pakikitungo ko sa lalaking Doctor. Maybe it's the 'baby effect' wala pa man kayang kaya na nyang impluwensyahan ang mga tao sa kaniyang paligid.


"Sure, pero mas maganda ito kung 3D-4D ultrasound ang gagawin. Malalaman nyo kung gaano kakulit ang baby nyo sa loob lalo pa at nakaharap sya sa atin ngayon. By the way, nasabi ko na ba ang gender?"


"Doc Jess, pwedeng wag mo munang sabihin ang gender. I want it to be a surprise" ani Jade.


Tumango tango lang ito "It's your call"


Pagkatapos mag-ultrasound niresetahan nito ng gamot si Jade. "Gusto kong pagbalik mo dito Jade nadagdagan na ang timbang mo. Based on your record hindi man lang nadagdagan ang timbang mo mula ng hiling magkita tayo. At the same time ang estimated weight ng baby mo ay hindi pasok sa normal weight ng 25 weeks fetus."

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now