Chapter 33

13.3K 384 85
                                    



Rina's PoV





*Brrrruuppp* Reid

"Grabe naman Reid kung makapag digab ka naman parang unggoy kalakas tapos e sali mo pa yung Mabaho mong baba. buti pa yung mukha ko gwapo" suway niya kay Reid. Kanina pa talaga ako dito kay Knight sabihin ba daw na gwapo siya. Tsk. Abnormal.

"Di ba Frances?" tanong niya kay cutie. Iling iling naman si cutie.

"hahahaha. Bata na yung maysabi sayo Knight. Ako naman talaga yung mas gwapo sayo Eh" Suway ni Spencer sa kanya. Nga pala nandito na silang lahat pati na din yung manyak na si Young at yung si Cutie. And yes kilala ko na silang lahat.

"Ahh. Young paki tapon naman to lahat oh" utos ni Knight "Wag' kang mag alala biyayaan kita kahit kunti sa kagwapohan ko." dagdag niya. Hindi talaga to nasasawa kakasabi niyang gwapo siya. Kinuha naman ni Young ang lahat ng mga supot sa Jollibee.

"Tulongan na kita" pag pepresenta ko. Baka sabihin pa nilang wala akong silbi dito. Inumpisahan ko ng kunin yung natitirang supot.

"huhuhu. Umiibig na ang Baby natin bossing" naiiyak na sabi ni Spencer kay Jerome. Bakla.

"Tabi nga Spencer!" sigaw ni Jerome. Nakita ko naman na tumabi si Spencer sa gilid ni Jerome. "I said tumabi ka!" this time malakas na yung pag ka sigaw niya kaya tinignan ko na sila. Nakita ko naman na tumawa sila kasi tinapat niya yung mukha niya sa mukha ni Jerome

"Ganito ba Baby?" natatawang sabi ni Spencer. bago pa man kumuha ng baril si Jerome tumahimik na sila at si Spencer naman tumakbo sa likod na sofa. Ako naman

"Hahahahahahaha" tawa pa din ako ng tawa. hahaha. yung mukha kasi ni Jerome nakakatawa. parang diring diri sa mukha ni Spencer. hahaha. Tumigil naman ako sa napaka lakas kong tawa kasi tinutukan niya ako ng baril.

"Oi oi.. Walang ganyanan. nag bibiro nga lang ako siniseryoso mo na. bahala ka Jerome Pag namatay ako mumultuhin kita" kaya tumago ako sa likod ni Young. Kaya lumabas na ako nung wala sumagot.

"Alam ko namang hindi mo magagawa yun kasi natatakot kang multohin" sabi ko. hahaha. takot naman pala multohin e.

"Tsk. itapon mo nalang yan dun sa basurahan" turo niya dun sa basurahan na kulay itim.

"Sali mo na din to" dugtong ni Young. sabay lahad nung celophane para isabay sa pag tapon. Naman hindi ako slave. Pero hindi na ako umangal. at tinungo na yung basurahan

"So, Let's start our meeting" Na dinig kong sabi ni Jerome. Nung nailagay ko na yung dalawang celophane sa basurahan. Kaya bumalik na ako sa sofa para umupo.

"Si frances?" si frances? tao naman si frances ah. Baka. kasali si Cutie. Pero imposible na ang bata pa kaya ni Frances para mga ganito.

"Maybe, Nathalie can take care of it, pwede namang pass muna siya dito tutal bago pa naman siya. so she can handle it" sabi ni Samantha. Teka. so they mean mag babantay ako kay Cutie? Eh, isa na akong gangster yung nag dadala ng mga baril hindi maid na nag aalaga ng mga bata. Huhuhu. gusto ko pa namang mahawakan yung mga handguns.

"Yeah, Nathalie libangin mo muna si Frances. kung pwede kasi, we need to concentrate." Utos niya. huhuhuhu. sige na nga Cute naman si Cutie kaya pwede na. Hindi pa naman din ako naka pag libot libot nung lumabas ako.

"aye, aye boss" sabi ko sabay salut. Tumingin ako sa gawi ni Cutie. Pero nag uusap sila ng kuya niya.

"Hoy easy-to-attract take care of my brother or else..." pinutol niya yung sinabi niya at pumunta sa gawi ko at binulongan ako "or else I'll kill you" dugtong niya. Kaya tinulak ko siya para lumayo. "Abnormal" bulong ko.

Nerdy Girl Turns To A Sexy GangsterWhere stories live. Discover now