MY GANGSTA BOY [8]

Bắt đầu từ đầu
                                    

Biglang dumating yung director ng school. Sinabi lang sa amin kung kailan daw kami gagawa ng mv, kung anu-anong group ang sasali for this competition and lastly, nag-goodluck sya sa amin.

Siguro 3pm, nagstart kaming magpraktis ng sayaw. Medyo kabisado ko na yung dance steps. Ang galing mag-turo ni Min eh. Bukas pa namin maririnig ang audio ng recording namin. Kaya naman 4pm eh, rest time na daw. Kaya nagbabye na ako sa kanila. PRACTICE ulit bukas. Grabe, nakakapagod.

Hinanap ko kaagad sila Yura paglabas ko. Nahanap ko sila sa library. Weh? Lumabas naman kami agad kasi nga bawal mag-ingay sa loob ng library.

"Ipapakilala mo na kami?"

"Yep. Nagpromise ako dba?"

"Waaa! Wait, kinakabahan ako!" - Yura

"Ako rin!!" - Jihae

"Pulbo nga Sojin." - Minah

"Ito oh. Hala, perfume penge ako Hyeri!!" - Sojin

Ayun, binigyan ko muna sila ng time magpaganda. Itong mga 'to talaga. Tsk. :DD

"Oh, ready na kau?"

"MAGANDA NA BA KAMI??" 

"Syempre naman." nagthumbs-up pa ako. 

"Talaga? So what are we waiting for! Let's go!!"

Tawa kami ng tawa papunta sa garden. Dun kasi tambayan nila eh. Miss ko na rin si Kiseop. >__<

Ang kaso, hindi pa kami nakakapunta sa garden eh, papalapit na sa amin ang U-KISS. Teka, asan si babe??

Naramdaman ko na naglapitan sa akin sila Jihae. 

"Suzy!!" si AJ yan. "Musta ang recording? Namiss mo ba kami?"

"Ayos lang naman. Thanks. Uhm, yeah. Namiss ko kayo."

"Narinig nyo yun? NAMISS daw tayo ni SUZY!!"

"Woohohoho!!" ang iingay talaga nila. Nakatingin na tuloy lahat ng mga estudyante sa amin. Err!

"Uhm, teka.. san si Kiseop?"

"Aha! Si Kiseop?" - Hoon

"Hindi siguro, baka si Dongho!" - Eli

"Oi, bat nasali ako?" - Dongho

Napakamot naman sa ulo si Kevin. "Ahm, Suzy. Ano kasi.. may inaasikaso sya ngayon eh. Importante. Siguro, ilang days syang mawawala.." malungkot na pahayag ni Kevin sa akin.

"Ganon?" waaaa!! Miss ko na sya eh! >__<

Nagulat ako nung inakbayan ako ni Eli. "Suzy, wag kang malungkot. Alam mo bang inihabilin ka sa amin ni Kiseop??"

"Kung alam mo lang kung ano mga  pinagsasabi sa amin nun bago umalis." umiiling-iling pa si Soohyun.

"Err, ano ba?"

Nagulat ako nung pumunta sa harap ko si Kibum.

"Sinabi nya sa amin na lagot daw kami kapag may nangyaring masama sayo. Kaya Suzy, wag kang mag-alala dahil simula ngayon, magiging bodyguard mo na rin kami!!!"

"Talaga? Uhm. Thanks?" ano ba dapt reaction ko?

"Walang anuman, Suzy." :DD

At nag-posing pa sila sa harap ko. >__________< Okay, okay. Kayo na mga gwapo!!

"Ahem!" napalingon ako agad sa likod ko. Nakalimutan ko sina Minah.

"Nga pala, ahm.. U-KISS, mga kaibigan ko. Sina Minah, Sojin, Hyeri, Jihae at Yura..."

"Helloo!!" ang nice ng mga ngiti nila ah! Pwede na sa search!

"Hello rin!"

Next thing na lang na nalaman ko, wala na akong katabi. Nasa garden na silang lahat.

Si Minah at Xander, nagtatawanan.

Si AJ at Hyeri, nagshake-hands.

Si Jihae at Eli, nag-uusap.

Si Hoon teka, kinakantahan nya ba si Sojin??

Si Kibum naman at Yura, nag-uusap din.

Ayy. Meron pa pala akong mga katabi. Ang kaso, may mga sarili silang mundo. Si Dongho may katxt. Si Kevin naman busy sila ni Soohyun mag-usap. Awww. 

KISEOP, bumalikkk ka na!! MYANGEL. BABEEE!! Nalulungkot na ako. >_<

My Gangsta BoyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ