{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung tanong ni Yanna—it’s not like a question at all. It’s more like a challenge. A challenge that Selene doesn’t want to take.

Marami na akong nagawa—maraming na tayong nagawa para maging miserable sila Yanna. At lahat ng iyon—lahat ng iyon pinagsisisihan ko. Hindi ako naging masaya. Hindi ako magiging masaya kung sisirain ko si Athena, ‘yung buhay niya… ‘yung puso niya.” Pagpapaliwanag ni Selene.

Gusto na ni Selene na bumalik ng Japan, mabuhay sa Japan kasama ang mga magulang niya. Maging masaya ulit kasama ang mga magulang niya. Although hindi pa sila lubos na magkabati ni Athena… may mga plano pa rin si Selene para mapatawad siya nito. Kailangan niyang mapatwad si Selene bago man lang ito umalis sa Pilipinas.

At anong gusto mong sabihin? Na hindi ako magiging masaya nang dahil sa gusto kong makasama ‘yung mag-ama ko?” Yanna bitterly laughed, “Selene—‘yun ang pinakamagpapasaya sa akin. Yung makasama silang dalawa!” Giit ni Yanna.

Yung makita ang iba na nahihirapan? Nang dahil sa’yo… ha? Ganon ba Yanna?” Tanong ni Selene sa kaibigan.

Hindi mo naiintindihan Selene. Wala ka sa lugar ko. Sa kalagayan ko. It’s not about Zico anymore, Selene. It’s about my son.” Huminga ng malalim si Yanna, “Matagal na akong sumuko kay Zico.

Tumayo na si Yanna sa kinauupuan nito. Tumingin ito saglit sa mataong paligid nito. Sa mga taong tahimik na humihigop ng kape nila. Sa mga taong dinadaan sa pag-inom ng kape ang mga problema nila. Sa mga taong… parang walang ibang inaalala… walang ibang problema… napaisip si Yanna, Gaano nga ba kagaling ang kape pagdating sa pagdedesisyon? Napatawa siya ng mapait sa likod ng isip niya, dahil alam niyang ang sagot sa tanong niya ay negatibo. Dahil kahit ilang beses siyang pumarito sa maliit na café na ‘to, kahit ilang beses siyang humigop ng mainit at mamahaling kape… hinding-hindi maiibsan nito ang problema at sakit na nararamadman nito at mararamdaman pa lang.

Muling nahanap ng maliliit na mata ni Yanna ang mga mata ni Selene na hanggang ngayon ay umaasa pa rin. Umaasa na magbabago ang isip nito, sasama sa Japan, at kakalimutan ang lahat ng nangyari sa Pilipinas.

Just so you know…” Tumalikod na ito.

Pero bakit—

Hindi na naituloy ni Selene ang gusto niyang sabihin nang muling bumalik ang tingin ni Yanna sa kanya.

Change of plans, Selene… change of plans.

Naiwang tulala si Selene. Hindi niya maisip kung anong maaring tumatakbo sa isipan ngayon ng kaibigan. Pakiramdam niya, nagbago na si Yanna—tama, nagbago nga. Hindi na siya mahina, hindi na siya ang dating Yanna na magmumukmok na lang sa isang sulok at iiyak. Pilit kakalimutan ang nakaraan… mga nakaraan na nakasakit sa kanya. Pero ngayon—ngayon, si Yanna. Si Yanna ay naging katulad niya—hindi, naging higit pa. Pinapanindigan na ni Yanna ang pagbabago niya… Yanna is an angel… no more…

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon