{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos niyang gawin ‘yun eh inumpisahan na niyang mag-unbutton ng polo niya. Ay taena! Ganap na akong manyakis sa lagay nito eh! Magbibihis na nga sisilipin ko pa?! Hindi na ‘to PBB TEENS eh! PORN na ‘to! P-O-R-N!

Ay teka, bat parang nahihirapan siyang magtanggal? Tas parang nasasaktan siya kapag ginagalaw niya ‘yung kamay niya? Baka talagang napilay ‘yun?

Kaya agad na akong pumasok sa kwarto niya. Nang makita niya ako eh wala, no reaction ulit. Nakatitig na naman sa akin ‘yung cold eyes niya. Hindi ba siya magugulat kasi pumasok ako sa kwarto niya? Tsss… weird talaga nito.

Anong nangyari dyan?” Tanong ko sa kanya sabay turo sa kaliwang kamay niyang walang benda pero may pilay.

Tss…” Sabay irap sa akin.

Okay? Anong klaseng sagot ‘yun?

Nagpatuloy pa rin siya sa pagtanggal ng butones niya at hindi ako pinansin, para ngang wala ako sa kwarto niya eh! Feeling ba talaga niya hangin ako? Ganun ba talaga niya kami inaayawan ni Mama?! Ganun ba kami hindi katanggap-tanggap para sa kanya?! Bullsht nakakainis na ah!

Lumapit ako sa kanya at itinuloy ang unbuttoning ng polo niya. Feeling ko kasi kasalanan ko na naman kung bakit napilay siya! Oh well, oo kasalanan ko talaga! Eh kasi naman! Kasalanan niya rin naman kasi, paano ba naman ang lapit-lapit niya sa akin! At take note! Tinatanong pa kung gusto ko siyang tikman! Aba syempre! –ay mali, syempre magugulat ka rin naman kasi nga magiging kapatid mo na siya tapos ganun siya sa’yo? Ano ‘to incest? Naku, hindi ‘yun pwede sa akin!

Pero imposible namang magustuhan ako nitong taong ‘to. Sobrang imposible! Ayaw niya nga sa akin tapos maiinlab pa?! Haaay naku, parang tanga lang =__________=

So ayun, habang ina-unbotton ko ang kanyang polo eh napadpad ‘yung mata ko sa mga teddy bears sa kama niya. Ilang sandali pa ay…

Pfft –HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Natawa ulit ako. Putek! Lalake ba talaga ‘to?! Seryoso?! Taena may lalake bang naglalagay ng teddy bears sa kama niya? And take note –hindi lang basta teddy BEAR, kundi teddy BEARS! With ‘s’ibig sabihin, plural! Madaming teddy bears! Sht lang talaga ‘tong future kapatid ko! Myembro talaga ng pederasyon! Hahahaha!

Nang matapos na akong tumawa eh napansin kong nakatingin lang siya sa akin pero masama na naman ‘yung tingin niya! Nakakatuwa kasi talaga eh! Taena ilang beses ko na ba siyang tinatawanan? Nyahahaha!

Bading ka ba talaga?” Tanong ko rito.

Pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang ng sobrang sama sa akin. Hahaha! Silence means yes na ba? xD

Ilang saglit pa ay napukaw ang atensyon ko ng isang putting teddy bear na may kulay pink sa tenga at paa. May hawak itong pink na unan. Ang… cute? Oo, ang cute nga! Taena para akong bata na gustong makuha ‘yung bear na ‘yun eh!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon