{ TBUP -35: Mr. Novocaine }

Magsimula sa umpisa
                                    

Natataranta naman iniabot ni Tito Sev ‘yung tubig nung Colosseus sa akin at agad ko ‘yung ininom.

Uwaaa! Akala ko mamatay na ako nang dahil sa pitso ng manok eh! Buti na lang may tubig si Colo—sht, speaking of Colosseus, nakatitig na naman siya sa akin ng masama! Palipat-lipat sa akin tapos sa tubig niya! Taena parang pinagsisisihan ko tuloy na nabilaukan ako! Huhu T^T Pati tubig lang eh!

Ay wait—! Baka hindi lang basta-basta tubig ‘yun?! Baka…

…NANINIWALA SIYA SA INDIRECT KISS?!

Pero putrages naman nun. Kalalakeng tao maniniwala sa indirect kiss ‘di ba? Naiinis siguro siya sa akin kasi tinawanan ko ‘yung pangalan niyang baduy. Mwhahaha! Colosseus! YUCK! :))))

Pagkatapos naming kumain eh dumiretso kami ni Mama sa kwarto namin at doon chumika.

Mama, nakadali ka! Jackpot!” Pabulong kong biro kay Mama na ngayon eh inaayos ‘yung damit namin sa aparador.

Huwag ka ngang ganyan anak.

Pero Mama! Hindi mo naman sinabi na siya pala ‘yung gusto mong ipa-date sa akin.” Sabi ko sabay pout >3<

Eh sabi mo huwag na eh ‘di hindi ko na sinabi. Tyaka hindi ko naman alam na pupunta pala ‘yung si Zico.” Sabi ni Mama.

Pero bat ganun ‘yung mata niya Ma?” Tanong ko.

Aba malay ko. Ang ganda nga eh. Pero aminin mo anak, gwapo siya ‘di ba?

Ah… siguro? Eh kasi! Yung mata niya ang cold-cold! Kung makatitig siya eh para akong isasahog sa halo-halo dahil nga yelo siya. Amf >____< Pero bakit kaya ganun ‘yung mga mata niya? Palagi kayang ganun ‘yun? Inborn kaya? Nakaka-curious naman! Gusto ko tuloy siyang tanungin. Hehe. Makiki-feeling close xD

Pwede na.” Sagot ko.

Sus! Di ka pa kasi nakaka-move on!

Ayan na naman! Pinaalala na naman ni Mama eh! Bad trip talaga! Nakakalimutan ko na eh tapos biglang isisingit sa usapan?! Bushet! Taena ‘yun ah!

Heh! Tumigil ka nga Mama! Alam ko may lablayp ka.” Sabay irap ko sa kanya at cross arms.

Ay siya nga pala, mamasyal kami mamaya ng Tito Sev mo sa Puerto Galera. Maiwan muna kayo ni Zico rito, kailangan naming mag-bonding eh.” Ay sht!

Alam niyo ba ‘yung reaksyon ni Mama? Yung parang teenager na kinikilig ngay?! Yung with matching hawak-hawak pa sa pisngi na namumula na parang mansanas at ngisay-ngisay na parang na-epilepsy?! Ganun mismo si Mama ngayon. Tsss… kinikilig =____=  Siguro kung kapatid ko lang si Mama eh kanina ko pa binigwasan dahil sa kalandian. Pero dahil sa Mama ko siya eh hindi ko ‘yun magagawa.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon