Chapter 5.1

82 5 2
                                    

CHAPTER 5.1

(RUI'S POV)

Saan naman nagpunta ang dalawang yun?

Ipinulot ko yung bola at nagumpisa na ulit kaming maglaro.

"HOOOOY! KAMI NAMAN!!" sigaw ni Genisis.

Napatigil kami sa paglalaro ng soccer. Galit na galit sa pagkakadeterminado si Genisis. Dama ko kasi ang init ng sigaw nya hanggang sa kinatatayuan ko. Saka ko lang napansin na nasa likod nya si Kero

"Uy sino yung kasama nun?" tanong sa akin ni Renz. Kalaro ko sa soccer kaso hindi ko sya kaklase.

"Uh. si Kero kaklase namin" sagot ko rito. hawag pinupunasan ko ang pawis ko.

"Hala sya! Ba't sya lumalapit sa weirdo na yun?" tanong nya ulit.

"Alam koyung nasa isip mo... ganun din naman ako nung una eh. pero mabait yan pramis at alam mo ba na natatalo nya lagi si Genisis" pagkukwento ko rito.

"WOAH! GO! KERO ONE POINT KA NA!" sigaw ni Mei. Napalingon ako sa score board. Zero pa rin si Genesis. friendly competition lang yunn nag one on one silang dalawa.

"Oo nga no... magaling pa naman si Genisis sa atin pagdating sa soccer" manghang sabi ni Renz. "mukha namang mabait yang si Kero eh no"

Napatitig ako sa kanila habang naglalaro. Nakaipit pala yung bangs nya at umaliwalas ito.
Ngayon ko lang nakita yung mukha nya ng buo.

"Huy makangiti ka Rui ah!" tawang sabi ni Renz. nattawa ito habang pinagmamasdan ang muka ko

"Tumigil ka nga riyan!" sabi ko sabay hapas sa braso nito.

(GENISIS' POV)

"SINUWERTE KA LANG!" mahingal hingal kong sabi rito. habang nasa kanya ang bola.

Kaming dalawa na lang ang naglaro kasi nung iyaya ko yung iba. Ayaw nila'y hindi kami nilalapitan. Ibang klase ganon ba silang katakot sa taong to.

"swerte ba yung naging 5 ang score ko at zero pa rin ang iyo" walang emosyon pa nyang sabi.

"o sige! edi nagkataon lang" sabi ko rito. Bigla bigla nyang sinipa at nakalusot sa akin yung bola. "sandali..."

Susugod na dapat ako para harangan sya. Bigla ko na lang ito naitulak at natapilok ako kaya napasubsob kami sa lupa.

O.O parang may napigtas?

"yung kwintas ko?" tanong nya at kinapa kapa nya sa leeg yung kwintas nya.

Yun ba yung nahablot ko?
hinanap hanap namin yung kwintas nya sa may damuhan na field.
Nandito lang yun. Nahawakan ko yun eh.

Bigla bigla na lang pumatak yung ulan.

"KERO! GENISIS! UMUULAN NA! TARA NA PINABABALIK NA TAYO NI MA'AM" sigaw ni Mei.

"O SIGE LANG MAUNA KA NA. SUSUNOD NA KAMI!" sigaw ko.

Habang basang basa na ako sa kakahanap. Halos hindi na rin namin makita yung lupa dahil napupuno na ito ng tubig. Haist! Ang malas malas naman! halos may bakat na ng palad ko ang buong field kakahanap nun.

*sniff
*sniff
*sniff

Napatingala ako. Nakaupo na lang si Kero habang tinitingnan yung putik.

"umiiyak ka ba?" tanong ko rito. Nagpunas ito ng mata.

"di na natin makikita yun... tara na" sabi nito at tumayo sya. Hinila nya ako patayo.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. pakiramdam ko kasalanan ko. eh kasalanan ko naman talaga.

Hanggang sa nasa silungan na kami.

"Sorry Kero" sabi ko. Nakayuko lang ito at parang walang expression ang mukha nya.

"magbihis ka na... magbibihis na rin ako" sabi nya sa akin.

Sa kinikilos nya parang lumulubog ako sa kinatatayuan ko.

"Kero! Ano ka ba? Umiyak ka naman! mahalaga yun sa'yo hindi ba?" sigaw ko rito. Humarap uli ito sa akin.

"Hindi ako iiyak... galit ako sa'yo" sabi nya sabay takbo palayo.

Sandalian akong napatigil sa pag kilos at mamaya maya ay pumasok sa locker room para magbihis.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Sobra.
hanggang dito ba sa loob umuulan?
nagtanong pa talaga ako. pati yung sarili ko di ko na napansin na umiiyak na pala ako.

Sumpa ni KeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon